Chapter 25: Realization

1.3K 54 1
                                    

****

Lexine's Point of View


"KUMAKANTA ka?" gulat na tanong ko kay Justine.

Nandito kasi kami ngayon sa isang club. Well, actually, hindi siya iyong club na may nagsasayawan at may nag-iinuman. Mas maganda ang atmosphere ng club na ito. Perfect place ito sa mga couple na gustong magdate. May maliit din na stage sa harapan kung saan may kumakanta. Maraming tao dito which is karamihan ay mga couple. Nakaupo sa kani-kanilang couch at nanonood at nakikinig sa kumakanta.

"Yup." wika ni Justine at pinaupo ako sa couch pagkatapos ay umupo na rin sa tabi ko. "And, actually, member ako ng band na yan." sabay turo niya sa mga kumakanta.

Literal na nanlaki ang mga mata ko. WHAT? Member siya ng band na kumakanta ngayon sa mini stage?! Ang galing! Ang buong akala ko ay pagpapagwapo at pagmamayabang lang ang alam ng isang ito pero hindi ko akalaing marunong siyang kumanta! Ano kayang posisyon niya sa bandang iyan?! Main Vocal? Guitarist? Drummer? Geez! Gusto ko na tuloy siyang marinig kumanta!

Tumawa siya. "Ganon ba nakakagulat na marunong akong kumanta? You're reaction was too priceless."

Umiling ako. "Anong position mo?" curious na talagang tanong ko.

He smirked. "Why would I tell you?"

What the?! Umirap ako. "Baka nakakalimutan mong boyfriend kita sa gabing 'to. At kapag hindi mo sinabi sa akin, I'll break up with you. Iiwan talaga kita dito sa club at babalik sa Hospital—"

"Main Vocal."

Nanlaki na naman ang mga mata ko! GAAAD! MAIN VOCAL SIYA! Waaaah! Gusto ko na siyang marinig kumanta!

"Ohmygod! Main Vocal ka? Main Vocal ang boyfriend ko?!" gulat na tanong ko. Nagulat pa siya sa tinuran ko ngunit nakarecover naman kaagad.

He giggled. "Feel na feel mong boyfriend mo talaga ako, ah?" taas kilay na tanong niya. Pumula naman ang pisnge ko. Ganon na ba ako ka OA? "Pero huwag kang mag-alala, mas proud akong girlfriend kita." tsaka niya ako inakbayan. Omygod! Bakit... parang kinikilig ako? May naghuhurumentado sa loob ng tiyan ko at nagsisimula na naman akong atakihin ng electricity thingy na iyon. Mygad. What the hell is wrong with me? I need to figure this out.

"Hey, James!"

Lumingon ako sa kanan ko at nakita ang lalaking nakikipaghigh-five sa boyfriend—Ah, I mean, kay Justine. Familiar ang mukha niya. Ah! Oo nga pala! Siya iyong Guitarist sa bandang kumakanta kanina.

"Hey, Kit. What's up?" ani Justine.

The latter shrugged his shoulder. "Nothing new. Still handsome." tsaka sila tumawang dalawa.

Tumikhim naman si Justine at tinuro ako. "Ah, Kit. This is—"

"Oh, hi Sabina. Long time no see! Mabuti naman at naisipan mong balikan itong kabanda ko. Hindi mo alam kung gaano naghinagpis ito nung nawala—"

"She's not Sab. She's Lexine. My girlfriend." pagpapakilala sa akin ni Justine. Tiningnan naman ako ng mabuti ng lalaking nagngangalang Kit. So, Justine brings Sabina here? Oh.

I smiled. "Hello. My name is Lexine Del Valle. Nice to meet you." then I extend my arms.

Napakamot naman ng ulo si Kit. "Ah. Sorry. Akala ko si Sabina ka. Kamukha mo, eh." tsaka niya tinanggap ang kamay ko. "My name's Kit Trinidad. It's nice to meet you too."

Ngumiti ulit ako at babawiin na sana ang kamay ko ng mapagtantong napakahigpit ng hawak niya sa kamay ko. Sinubukan kong bawiin ulit pero napakahigpit talaga. Nagtataka na rin si Justine kaya naman siya na mismo ang naghiwalay sa kamay namin.

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now