Chapter 20: Truth must be Told

1.4K 46 0
                                    

****

Lexine's Point of View

IF ONLY boredoms can kill, I should probably lying on the cold floor now.

Grabe! Hindi ko mabilang kung nakailang hikab na ako ngayong araw na ito. Nandito pa rin naman ako sa loob ng BBCourt. Hindi ako pinaalis ng dal'wang ulupong pati na rin ni Coach Derick eh wala naman akong ginagawa dito maliban sa pag upo at panonood ng laro nilang paulit-ulit. Shoot. Dribble. Rebound. Passed. Hays! If I could just transport, nasa bahay na sana ako ngayon.

Nagtama ang paningin namin ni Kurt na siyang magsushoot ngayon ng bola. Kumindat siya sa akin bago niya ihulog ang bola at nakashoot namang talaga. Duuh. Halos mangilabot ako nung kindatan niya ako. Kung si Danica ang kinindatan niya, siguro kanina pa siya jan nakahiga sa sahig.

Tumayo na ako at balak ko sanang puntahan sila Danica sa room— kung sakaling nasa room naman na sila— para sana sabihing sasabay ako sa kanila ng lunch ng pumito sa likod ko si... err... Jeric?

Taas kilay ko siyang tiningnan. "Oh?" tipid na tanong ko.

"Hindi ka pa pwedeng umalis." nakangising tanong niya! Argh! Nakakainis ang ngisi niya. Duh! Feeling gwapo!

"At bakit naman?" mataray na tanong ko. "Hindi ba ako pwedeng lumabas sa Court na 'to, ha?" dagdag ko pa. Medyo nag echo rin ang boses ko sa Court.

"Can't you see na nagpapractice sila? And do you have any respect? Muse ka nila, right? You should be here." taas kilay na tugon naman ni Sabina. I rolled my eyes. Yeah, muse nila ako. Pero, duuuuh! Nakakafeel din ako ng pagkabored. Nabobored na ako rito. Bwesit!

Gusto ko pa sanang sumagot kay Sab but I keep my mouth shut. Ayoko ng away. Alam ko na din naman na may pagkabitchy side to. Nah! Akala ko pa naman mabait 'to. Ang amo ng mukha ko. But, hey! Looks can deceive you! Yung akala mo anghel, yun pala leon! Rawr!

Akmang babalik na ako sa pwesto ko kanina ng may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay nakita ko ang mukha ni Justine. Dala-dala niya pa ang bola. Ang bilis niya namang makapunta rito sa may sa akin. Samantalang ang layo ko. Duh.

Padabog kong inalis ang kamay niya sa braso ko at nagtatakang tiningnan siya. "Ano na naman?" inis na talagang tanong ko!

He sighed. "You can go."

I raised my brow. "Why?"

"You're bored, right? At wala ka namang ginagawa rito. You can go." wika nito. Pinagkatitigan ko siya. Wala namang halong biro. Kasi baka naman pinagtitripan lang ako nito para mapahiya ako.

Tumawa siya. "Don't look at me like that." tsaka niya binitawan ang bola na hawak niya. "You think I'm lying? Well, I'm not." at nagulat naman ako sa ginawa niya!

INAKBAYAN NIYA AKO!

Well, sinong hindi magugulat, diba? Oh god! Kung si Vince ang umakbay sa akin ay ayos lang kasi medyo sanay na ako kasi palagi niya yun ginagawa, eh. Pero itong lalaking 'to? Nah! Hinding-hindi! Oh god! I feel uncomfortable! Yung puso ko! Naghuhurumentado! Ang bilis ng tibok! Oh, god! Ano ito?! Bakit ganito! Bakit ko hinayaang akbayan niya ako! No! I should distance myself from them.. from him.

Kaya naman agad akong lumayo sa kanya. Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko pero agad namang nakarecover. Tumawa siya ng mahina at saka lumingon kay Coach Derick sabay sigaw ng, "Coach! 5 minutes break!", bago siya naunang lumabas ng BBCourt. Parang nakahinga ako ng maluwag ng nawala siya sa paningin ko. Hinawakan ko ang puso ko. Naging normal na ulit ang tibok nito. Oh, god! Bakit naging ganon?!

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now