Chapter 13: Man to Man

1.6K 72 10
                                    

Lexi''s Point of View

"Oh? Saan ko 'to ilalagay ang teddy bear na 'to?" patukoy ko sa teddy bear na kanina ko pa dala-dala. Hindi ko mabitaw-bitawan, eh.

Kasalukuyan na kaming nagliligpit ng mga gamit namin ngayon dito sa boutique nila Zoe at Zandy na ang pangalan pala ng Boutique nila ay ‘Z's’. Kasi nga di'ba iniwan namin dito iyong mga gamit namin kasi itong mga ugok na ito ay agad akong hinila para sa walang kwentang quantum naman pero masaya.

Lumapit sa akin si Justine at kinuha ang teddy bear na si Stitch na kanina ko pa hawak. Kaya naman nagkaoras ako na ayusin rin ang gamit ko. Andami na tuloy ng laman ng bag ko dahil andaming biniling pagkain ng XBANG. At... suot pa rin namin ang Jersey.

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay siya namang salita ni Justine habang busy pa yung iba.

"Lex." untad niya na nakatingin kay stitch. Nagtataka akong tumingin sa kanya, with my one eyebrow raised.

"What?" I asked.

Ibinaling niya ang tingin sa akin at nagsalita. "Do you want—" anito at itinaas si Stitch. "—this?" syempre tumango ako. Gustong-gusto ko yun, eh.

"Then it's all yours now." walang pag-aalinlangan niyang sabi. Omygod!

Agad na nanlaki ang mata ko habang laglag naman ang panga ko. The hell?! Pinaghirapan niya iyon and ibibigay niya lang sa akin. Okay. Call me OA or Choosy or whatsoever pero duuuuuh! Pinaghirapan niya yun! Bihira lang kaya ang nakakakuha ng mga teddy bear sa machine na 'yun! He should give that to his girlfriend. Wait, may girlfriend ba siya?! Nevermind. Pwede niya din naman na ibigay iyon kay Ma'am Irina, his mother, diba? Huwag lang sa akin!!

I smiled. "No need." tipid na sagot ko dito kahit gustong-gusto ko ng kunin si stitch!

"Pero gusto mo 'to, diba?" tanong niya.

Ngumiti ulit ako. "Yes, I like that. Pero pinaghirapan mo 'yan. You should give that to someone who's special for you." sabi ko. He frowned at kalaunan ay ngumiti rin. Bipolar lang?

"But you're special to me..." pabulong niya yun sinabi kaya hindi ko masyadong maintindihan. Arte naman ng lalaking 'to!

"Ano?" mataray na tanong ko dito. Tinawanan niya lang ako at inirapan ko nalang din siya. Maya-maya ay kinuha niya ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako makareact nung inilagay nya sa kamay ko si Stitch. Medyo malaki din kaya yun.

"Hoy, Justine! Sabi ko di'ba huwag sa akin?" mataray na wika ko dito.

He chuckled. "Sa ayaw at gusto mo, mapupunta pa rin yan sayo. Dahil in the first place, pinaghirapan ko talaga yan para sayo at sayo lang dapat yan. Hindi sa kanya, hindi sa akin, hindi sa kanila kundi sayo, Lexine." he said seriously and leave me afterwards, dumbfounded.

Hindi ko alam kung bakit pero parang binisita na naman ako ng mga butterfly sa tiyan ko. Parang tumatalon sa saya ang puso ko at shit! Ayoko ng ganitong pakiramdam! Ayoko! Ayoko! Ayoko!

Tiningnan ko ang mga kasama ko na nakatingin na rin pala sa akin. Si Justine at Vince ay nasa labas na ata dahil wala na sila dito sa loob ng boutique.

"Tara na sa labas, Del Valle." parang bored na tugon ni Mark.

Tumango ako. "Tara na." sabi ko at nauna ng maglakad palabas. Mabuti na lang at hindi pa kami nasasaraduhan nitong Mall. Past 9pm na ng gabi. Hays! Mabuti nalang at wala si Manang Josie at Mang Ramon sa bahay kundi kaltok ako sa dalawang yun.

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now