Chapter 56: It Hurts

817 43 12
                                    

***

[Lexine's Point of View]

"Anong ginagawa natin dito?" I asked out of curiousity.

Nandito kasi kami ngayon sa Club kung saan niya rin ako dinala noon. Nandito kami sa Club kung saan ko narealize na gusto ko na pala siya. Pinaupo niya ako sa isa sa mga couch na nandoon at nagtataka ko siyang tiningnan nang makita siyang hindi pa umuupo. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit ngumiti lang siya sa akin.

"I'll come back." he said before he kissed my forehead and leave.

Nagtataka ako sa ikinikilos niya pero isinawalang-bahala ko nalang yun. May dumaang waiter sa harap ko kaya naman kinuha ko sa tray niya iyong juice. Ang ganda talaga ng club na 'to. Hindi siya iyong wild talaga na club, iyong may mga naghahalikan. Mas chill ang club na 'to. Marami ring couples ang nandito.

"Is that James?"

Akmang iinom na ako sa juice na hawak ko nang biglang magsalita ang babae sa kanan ko. James? Hmm. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

Dahan-dahan akong lumingon sa stage at nanlaki ang mata ko nang makita doon si Justine sa mini stage! Nakaupo na siya sa upuan at may hawak siyang microphone habang nakangiti sa crowd. Wala sa sariling nailagay ko sa lamesa ang juice na kanina ay hawak ko. Kakanta ba siya?

"Goodevening, everyone." panimula niya. Narinig ko kaagad ang mga tilian ng mga tao sa loob ng Club especially girls!

Napalunok ako ng sariling laway nang magtama ang paningin naming dalawa! Ngumiti siya sa akin pero hindi ko alam kung bakit nanggigilid na naman ang luha sa mga mata ko. His smile brings so much memories of us.

"I will dedicate this song to my baby, my boo, babygirl and my babe. There," tapos tinuro niya ako, "The one in black dress with black boots. That's my girlfriend, ya'll." he said. Naglingunan naman sa akin ang mga tao. May ilang babaeng nakangiti sa akin habang ang iba naman ay seryoso. I smiled at them awkwardly. "And I wanted to dedicate this song to her.." dagdag pa ni Justine.

Napaayos ako nang upo nang magsimula nang magstrum sa gitara ang guitarist ng banda. Inayos naman ni Justine ang sarili niya at nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya... pero hindi ko nagawang ngumuti pabalik. Nagsisimula na naman akong masaktan.

“I swear to God when I come home,

I'm gonna hold you so close.

I swear to God when I come home,

I'll never let go..

Like the river, I flow..

To the ocean, I know..

You pulled me close, guiding me home.”


As he starts to sing, our memories just flow in my mind. Kung paano kami unang nagkita, kung paano kami sabay na nadetention, kung paano kami nagkamabutihan, kung paano niya ako niligawan, kung paano niya ako niyakap sa harap ng maraming tao, kung paano niya ako inalagaan sa tuwing nagkakasakit ako.. at kung paano niya pinaramdam sa akin na mahal na mahal niya ako. I can't stop myself from crying. Now, tell me?! How can I let go of this man?!

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now