***
[Sabina's Point of View]
Wala akong imik habang nakatitig sa kawalan. Nasa loob ng operating room si Lexine para tangalin ang bala sa katawan niya. Muling tumulo ang panibagong luha sa mga mata ko nang maalala ang ginawang pagligtas niya sa akin kanina. Pucha! Ako dapat yun, eh! Sa akin dapat tatama ang balang yun! Ako dapat ang matatamaan nun! Hindi siya! Hindi siya!
"Okay na raw si Justine, stable na." boses ni Vince ang pumukaw ng atensyon ko. Nandito ang buong XBANG pati na rin ang kaibigan ni Lexine. Yung iba ay tahimik habang yung iba naman ay mahinang umiiyak.
Nagulat kami sa biglaang pagtayo ni Kristelle at sa paglapit niya sa akin! "What really happened, Sabina?! Anong nangyari kay Lexi-girl?! Bakit humantong sa ganito?!" tumutulo ang luhang sigaw niya sa akin.
Nakatitig lang ako sa mukha niya. Hindi ako sumagot, kasi hindi ko naman alam kung anong isasagot ko. Saabihin ko bang prinotektahan niya ako? Sasabihin ko bang magkapatid kami tapos sinalo niya ang balang para sa akin? Pero para saan pa naman yung pagpapaliwanag ko di'ba? Hindi naman sila maniniwala sa mga sasabihin ko.
"It's all your fault! Ano yun?! Nabaril lang siya nang walang dahilan?! Nahampas sa ulo si Justine nang walang dahilan?! C'mon, Sab! Fucking answer me!" malakas niya pa na sigaw sa akin, lumapit sa kanya si Vince para ilayo sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa baba, tumutulo ang luha. Hindi ko sila kayang sagutin. Wala akong masasagot sa kanya.
Nagulat ako nang may humarang sa akin. Tumingala ako at nakita si Kevin na nakaharang na sa akin ngayon.
"Girls, calm down. Pabayaan niyo muna si Sab. She's not feeling well, biktima rin siya dito.." mahinahong sinabi ni Kevin.
Nakita kong tumango si Kurt sa gilid ko. "He's right. Sure akong may appropriate reason kung bakit nangyari ang lahat nang ito." cold niyang wika at nagtungo kay Danica na palihim na umiiyak, niyakap niya ito.
Bumuntong hininga ako at akmang magsasalita na nang biglang magsalita si Jeric sa gilid namin. "Del Valle Residence called on Lexine's phone. Papunta na raw yung tita niya at ang mommy ni Justine ay papunta na rin," atsaka siya pagod na ngumiti sa akin. "Sana ay may magandang explanation ka sa kanila, Sab."
Bumuntong hininga ulit ako at yumuko atsaka dahan-dahang tumango. Now what, Sabina?! Ang gaga mo kasi! Ano na?! Anong sasabihin mo sa pamilya ng dalawang nadamay sa gulo mo?! Ano na?! Ang tanga tanga mo!
Pinahid ko ang luha sa mata ko nang naramdamang nagvibrate ang cellphone ko. Tumango ako at inexcuse ang sarili ko sa kanila bago lumayo. Agad kong sinagot ang tawag ni Dad.
"Anak, what happened?" pagod ang boses ni Dad mula sa kabilang linya, mas lalo akong umiyak.
"Dad, si Lexine po.." hindi ko matuloy-tuloy ang sinabi ko dahil nag-uunahang tumulo ang luha mula sa mga mata ko.
"Cheer up, sweetie. Papunta na ako diyan. Wait for me, okay?" mahinahon si Dad.
Tumango ako. "I will, Dad. Come here quickly." mahinang sinabi ko at dinala sa dibdib ko ang cellphone.
Ang sakit sakit! Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ang lahat nang ito! Karma ko na ba 'to?! Kasi kung, oo, well, ang sakit ng karma'ng 'to! 'Eto na ata ang pinakamasakit na karma na natanggap ko! Pucha!
YOU ARE READING
Perfect Haters (COMPLETED)
Roman pour Adolescents"We both hate each other. We both don't want each other.. and we didn't expect us to love each other. Destiny is really playful."