Chapter 5: Detention

2.2K 89 0
                                    

A/N ♥️

Pinalitan ko na po iyong mga character. Hehe. After po siya ng Chapter 10. ♥️

———

Lexine's Point of View

"Thank you po." magalang na wika ni Justine sa principal pagkatapos kaming bigyan ng Detention Slip. Samantalang ako ay nakatayo lang at nakakrus ang nga braso.

Pumunta naman si Justine sa gawi ko at agad akong nagtanong sa kanya. "Ilang oras daw?" I asked.

Tiningnan niya muna ang Detention Slip at ibinigay sa akin ang isa. "3 hours tayo doon." wika niya. Huhuhu! Nakakainis naman! Argh! Arghhhhh!!!

Tiningnan niya ako ng nagtatakang tingin. "What?" tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi ka pa jan umaalis?" tanong niya. "Hindi ka ba pupunta sa Detention Center?" aniya na nakataas ang kilay.

Sinimangutan ko siya. "Oo na. 'Eto na." wika ko at nauna ng naglakad patungong Detention Center.

Tahimik lang kaming dalawang naglakad ng bigla siyang magsalita. Ang daldal naman!

"First time mo ma detension?" tanong niya.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Ano sa tingin mo? Syempre first time 'to! At nakakainis pa, kasama kita! Buwisit!" malakas na sigaw ko sa kanya na ikinatawa niya lang.

"Kasalanan ko ba, ha?" tanong niya. Hmp!

"Ewan ko sayo." inirapan ko siya at nagsimula na ulit maglakad.

Nang makarating ako— ay kami pala, agad naming binigay ang Detention Slip sa isang Faculty Staff doon na nagbabantay ng Detention Center. Pagkatapos 'nun ay nauna na akong maglakad papasok at mabuti naman at walang ibang tao kundi kami lang. Hmp!

Umupo ako kaagad sa isang gilid doon at humalukipkip. Inilagay ko ang ulo ko sa tuhod ko at akmang iidlip muna ng magsalita si Justine. Ang daldal talaga! Bwesit!

"Diyan ka?" aniya habang pinapagpag ang uupuan niya.

Inirapan ko siya. "Anong pakialam mo?" mataray na tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat siya at may tinuro sa may gilid ko. Tumingin naman ako doon at nakita ang mga lamok na nagliliparan papalapit sa akin. Hindi naman ako maarte, pero kailangan kong umiwas sa mga lamok. Ang kati kaya nun.

Kaya naman napatayo ako agad. Tiningnan ko ang bawat corner ng Detention. Marurumi ang mga iyon at may mga lamok. Tanging ang corner lang na inuupuan ni Justine ang malinis at walang lamok kaya naman no choice ako.

Lumapit ako sa pwesto ni Justine at naupo sa tabi niya. Pero hindi naman kami masyadong malapit. Mga 5 inches lang.

"Hindi mo muna kasi tinitingnan." wika niya.

Napabuntong hininga naman ako. "Hindi ko naman kasi alam." wika ko.

Sumandal siya sa wall saka nagsalita. "3 hours."

Sumandal na din ako sa wall. "Yeah. 3 hours." wika ko kapagkuwan ay humikab.

"Kumusta naman alarm clock mo? Hindi na sira?" tanong niya. Nagtataka akong napatingin sa kanya. Bakit alam niya?

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now