Chapter 43: Date ♥

1.2K 38 1
                                    

****

[Lexine's Point of View]

Dilat na dilat ang mga mata ko kinaumagahan. Well, sa totoo lang ay hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos dahil sa sinabi ni Mr. Cojuangco. Naalala ko rin iyong sinabi ni Nanay Josie at ang banta sa akin ni Tita Shannon. Doon ko napagtagpi-tagpi ang lahat. He can really do what he wants! Maybe, he wants a revenge dahil hindi niya nakuha si Mommy Shaniah.

Humikab ako at niyakap ang unan sa gilid ko. Hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa amin ni Justine. Pero, bakit ako nag-aalala? Kaya kong ipaglaban kaming dalawa! At I'm sure ganun rin si Justine, he is too madly, deeply inlove with me, and so am I.

Kagabi, pagkatapos noong encounter namin ni Mr. Cojuangco ay inaya ko na kaagad si Kevin na umuwi. Nagtanong siya kung anong nangyari pero tanging iling lang ang sinagot ko sa kanya. Mabuti nga at hindi na siya nagtanong pa. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at naghanda na sa pagpasok. Tumingin ako sa orasan at ala-siyete na ng umaga. Kailangan ko na nga talagang maghanda.

Ilang minuto akong nagkulong sa banyo, nang matapos ay nagbihis rin kaagad. Lumabas na ako sa banyo, nakapulupot iyong tuwalya sa buhok ko at isinuot na rin ang sapatos para deretsahan na. Pagkatapos ay nagblower ng buhok, nang matuyo ay inistyle messy bun ko iyon atsaka kinuha ang bag at lumabas na ng kwarto.

Dumerecho ako sa sala para doon ilagay na muna ang bag ko sa sofa, pero syempre, kinuha ko na muna iyong cellphone ko bago tuluyang pumunta sa Dining Room.

"Goodmorning, Nay!" masayang bati ko kay Nanay Josie.

Lumingon siya sa akin at tumango. "Goodmorning, anak." aniya at inilagay sa lamesa ang kanin at tinolang manok na niluto niya. Napapikit ako sa mabangong amoy nito!

Agad kong nilantakan ang pagkaing nasa plato ko. Matagal-tagal na rin noong nagluto si Nanay ng ulam na may sabaw. She always cook bacon and hotdog in the morning. Kaya naman nakakamiss kumain ng ganito. Tinawanan pa ako ni Nanay Josie sa inasal ko.

"Maaga ka ata ngayon, anak?" ani Nanay Josie atsaka umupo sa upuan sa harap ko.

Tumango ako sa kanya. "Opo, Nay. Gusto ko lang." atsaka ako ngumiti sa kanya.

Tumango naman siya at nagpaalam na magdidilig daw ng halaman sa labas. So, naiwan na naman akong mag-isa rito.

Binilisan ko na lang ang pagkain ko at napatingin sa cellphone ko nang nagvibrate iyon. Kusang bumukas ang cellphone ko at nag pop ang message ni Justine. Napangiti ako, ngunit agad napawi ng maalala ang encounter namin kagabi ng kanyang ama. Ipinilig ko nalang ang ulo ko at binasa ang message ni Justine.

From: My Bae 💛

Goodmorning! Kumain ka na ba? Pwede bang sunduin kita? :)

Ngumiti ako bago siya nireplyan.

To: My Bae 💛

I'm eating right now. How 'bout yah?

Pansamantala kong inilapag ang cellphone ko at tinapos na ang pagkain. Nasa kalagitnaan ako nang paglalagay ng tubig sa baso nang magvibrate ulit ang cellphone ko.

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now