****
[Kurt's Point of View]
"Team, huwag kayong maging kampante na kayo pa rin ang mananalo this year, okay? May bagong school na sumali at nakita ko ang potential nilang maging champion. Just do your best, okay?" seryosong ani Coach.
"Anong school ba, Coach?" takang tanong ni Val habang inaayos ang sintas ng sapatos niya.
Umupo si Coach sa bench. Nandito na kami ngayon sa Basketball Court ng school namin. Dito gaganapin ang first game ng Interhigh. "SouthVille High." tipid na sagot ni Coach.
Hindi na kami sumagot pa at umupo nalang kami sa bench. Kapansin-pansin ang pananahimik ng team namin. Ibig sabihin, may chance na hindi kami manalo this year? Eh, hindi kami makakapayag na manalo sila. We always win, we never lose. Lalo kaming tumahimik ng magsipasok ang mga players na nakakulay red na jersey. Nakasulat rito ang pangalan ng school nila na 'SouthVille High'. Mga matatangkad at makikisig ang players ng taga SouthVille. Mukhang sanay na makipagkompetensya.
"Si Sambrano, ang number 7 ang siyang mvp nila. Mabilis siyang umagaw ng bola at magaling siya sa three points." ani coach at ininguso iyong lalaking umiinom ng Gatorade. Pamilyar ang mukha niya.
"Ang liit nga naman ng mundo, hindi ko inaasahang makikita ko siya dito.." rinig naming wika ni Vince.
Coach Derick frowned. "You know him, Smith?"
Vince smirked. "We know him, coach."
Hindi ko nalang sila pinansin at ipinalibot ang paningin. May hinahanap ako na hindi ko mahanap hanap. Tsk. Saan ba nagsusuot ang babaeng yon? Kailangan ko pa naman magsorry dun.
"Tangina, pre. Bat ang tahimik mo?!" sinamaan ko ng tingin si Jeric nang bigla siyang sumigaw malapit sa tenga ko.
"Ano ba!" singhal ko sa kanya. Tumawa lang siya kaya naman inis akong tumayo. Nagpaalam ako kay coach na lalabas muna. Nagsimula na ring magsipasukan ang mga students from diffirent school. May dala-dala silang banner at kung ano ano pang kaartehan. May ilan din akong nakikita na picture namin ng XBANG na pinatarpauline pa. Cool.
Nang nakarating ako sa labas ay dinumog ako ng mga fans. Syempre. Sino bang hindi dudumugin? Sa gwapo kong 'to?
"Kurt! Can I have a picture of you?" wika nung babaeng mahaba ang buhok na may bangs.
I smiled. "Sure." tsaka ko siya inakbayan at kinuha ang cellphone sa kanya. "1, 2, 3, Smile!" wika ko at clinick na ang camera.
"Thank you!" she said while smiling widely.
Sasagot pa sana ako nang may mapansin ang mga mata ko. Sa hindi kalayuan ay may nakatayong babae na nakasandal sa puno at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Maya-maya ay bigla niya akong inirapan at umalis na. Ghad! Nagseselos ba yun? Luh. Abusado ko. Wait, ano pa nga bang ginagawa ko dito? Tara't sundan ang amazona!
Hinawi ko ang mga babae na nakaharang sa dinaraanan ko. Tanaw ko pa naman mula dito si Danica. Oo. Si Danica. Eh sino pa bang ibang amazona dito, siya lang naman.
Nang makalagpas na ako ay agad kong hinanap si Sadista. Wait. Bakit wala na? Nasaan na yun? Ang bilis naman maglakad. Pero, *smirk* alam ko kung saang way siya pumunta. Huli ka ngayon sakin, Amazonang Sadista!

YOU ARE READING
Perfect Haters (COMPLETED)
Teen Fiction"We both hate each other. We both don't want each other.. and we didn't expect us to love each other. Destiny is really playful."