CHAPTER TWO

51 1 0
                                    

"Andrea Collins."

"Present."

"Jessie Chavez."

"Present."

"Miss Cassandra De Vera."

"Present!"

Halata sa mukha ng professor namin na naguguluhan siya. Jessie and Andrea are my friends. Lagi kaming nagpapalit palit ng upuan tuwing klase at pag attendance, nagpapalit palit kami ng pangalan. Kaya madalas napagkakamalan na ako si Jessie o kaya minsan si Andrea.

"Niloloko niyo ba ko?" our professor asked irritatingly

"No sir. Bakit ka naman namin lolokohin? Ikaw ang pinakamabait at pinakamatalinong professor ng Carlson University." Sabi ni Jessie na may halong pambobola.

Ngumiti naman ang aming professor. Sino ba naman ang hindi mabobola dahil sa alindog ni Jessie? She's freakin' hot. Halos lahat ng lalaki na makakakita sa kanya, maglalaway.

".. at ang pinaka uto-uto." Jessie whispered

Natawa naman kami ni Andrea at yung ibang nakarinig.

"Are you saying something Miss Chavez?"

"Nothing Babe." at binigyan ni Jessie ng pamatay na kindat ang professor namin. Hahahaha.

"Uhh. Let's start out lesson." Natatarantang sabi naman ni prof.

Bago pa man magsimula ang klase, may kumatok sa pinto at pumasok ang aming Dean kasama ang isang lalaki. Mukhang transferee. Ngayon ko lang siya nakita dito. Mukha siyang pamilyar. Taga kabilang building siguro. Obviously, isa na naman ang pamilya niya sa mga pinakamayayaman o maimpluwensya dito Hindi naman ihahatid ni Dean dito yan kung ordinary student lang siya. Matangkad siya.Maputi. Gwapo. Maganda ang pangangatawan.Mukhang suplado pero okay naman. Siya yung tipo na pinagpapantasyahan.

"Sorry for interrupting this class. Mr. Paige pwede ko ba mahiram ang konting oras ng inyong klase?" - Dean

"Goodmorning class. This is Daniel Carlson. Son of the owner of this school. The--"

"Okay na po siguro yung napakilala niyo na ko sa pangalan ko." - Daniel

Mayabang. Porket anak siya ng may-ari? Saglit na nagusap sina Dean, Daniel at Mr. Paige. Kasabay non ay ang bulungan ng iba kong kaklase at excitement ng mga malalandi kong kaklase. Pagkatapos non ay umalis na ang Dean.

"Uhm. You can sit beside Miss De Vera." at tinuro yung katabi kong upuan. Lumakad agad siya papunta sa direksyon ko. He's totally gorgeous. Mukang mayabang lang talaga.

Napansin kong nakatayo lang siya don. Ano ba to? Balak niya bang tumayo nalang habang nasa klase?

"Psst! Huuuyyy." - Andrea

"What?" I mouthed.

May sinasabi si Andrea na diko maintindihan. Mejo malayo kasi yung pwesto namin sa isa't isa.

"Yung bag mo." - Daniel

Ayy onga pala. Nakasanayan ko na kasi ilagay yung bag ko sa bakanteng upuan na yon.

"Bakit kasi pati bag pinapaupo." - Daniel.

I scowled. Mayabang talaga!

"Wala kang pakielam."

Pagtapos non ay hindi na siya kumibo at nagsimula na ang klase.

after 45 minutes..

Bakit ba ang tagal ng oras! Tss.

Kinuha ko ang phone ko at nagsoundtrip nalang.

Nagawi na naman sa isip ko sila Magenta at Daddy. Are you effin serious dad?! pakakasalan mo yung Magentang yon -_-

ANYTHING FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon