CHAPTER FIVE

35 1 0
                                    

Maaga akong pumasok sa school. Nasa bahay na naman kasi si Magenta.

Masarap din pala minsan pumasok ng maaga. Ang tahimik. Walang maingay. Payapa.

"Oo naman. Alam ko ang dapat kong gawin."

Sino yun? Lumabas ako ng room at sinundan kung nasan yung nagsasalita.

"Ako nang bahala. Hindi ko nakakalimutan ang plano kay Daniel."

Si Shann. May kausap siya sa phone. Plano kay Daniel? Anong plano?

Ibinaba na ni Shann ang tawag at nagulat siya nung makita niya ako.

"Anong plano?" naitanong ko. Matagal bago siya nakasagot.

"Maaga ka. Anong meron?" paglilihis niyang sagot.

"Wala naman." sagot ko.

Nginitian niya lang ako at tsaka siya umalis.

Tss.Weird.

××

Lunch Break..

Mag-isa lang akong kumain ng lunch. Hindi ko alam kung saan nagsuot yung dalawa. Minsan talaga di ko malaman kung kaibigan talaga yung mga yon e. Basta basta nalang nagiiwan.

Tinapos ko nalang ang pagkain ko at nagpunta ng locker room. Pagkabukas ko ng locker ko, may note na nakalagay.

"Punta ka sa Greenhouse:)"

Tinapon ko ang note at bumalik na sa room. Di ko naman alam kung sino yun. Mamaya mapahamak pa ko.

After 10 minutes..

Di rin ako nakatiis. Eto na ko ngayon at naglalakad papunta sa greenhouse. Hinihila ko ng curiosity ko papunta don.

Pagkarating ko don, bilang lang ang mga tao. Ang weird kasi may pink and red na balloons sa labas. Bago ka kasi makarating mismo sa greenhouse, may parang medyo malawak na field ng fine grass papunta don.

Sa greenhouse ako pupunta diba? Dedma nalang yung balloons.

Habang naglalakad ako, biglang may sumulpot at tumugtog ng violin.

Yung totoo, anong meron?!

Hindi ko alam yung tinutugtog niya pero napakasarap pakinggan. Nakita ko na si Andrea na nagpipicture. Pinuntahan ko siya pero tinulak niya ko palayo. Ano bang problema nito?

Nakita ko na rin si Charlie sa may tapat ng greenhouse. Is this a proposal? Charot. Assuming.

"Ano to?" tanong ko.

Hinawakan ni Charlie yung kamay ko.

"I bought the balloons all by myself. At ako rin nag-ayos niyan diyan." he started.

"I asked the dean so that I could use this place para lang sayo."

May narinig na kong hiyawan. Padami na ng padami yung mga students na nakikinig samin.

"I even picked these flowers from my Aunt's garden. Medyo napagalitan pa nga ko nakalimutan ko kasi magpaalam." natatawatawa niyang sabi.

"Is this enough para magYes ka na?"

Niyaya niya nga pala akong maging date niya sa party. Hindi ako pumayag kasi gusto kong paghirapan niya. Pero nagbibiro lang naman ako nun.

"Pano pag ayoko?" I teasingly asked.

"Edi no." biglang tumungo si Charlie.

Para namang nakakakonsensya pag nag-NO. Baka wala din akong date pag nagkataon.

"Edi Yes." I said.

Nanlaki ang mga mata ni Charlie.

"Reallt? Yes? As in Oo?"

"Oo nga. Is this for me?" turo ko sa flowers na hawak niya.

Binigay naman niya agad sakin iyon. Yayakapin niya sana ako pero hinarang ko yung kamay ko.

"Nag-yes ako to be your date on Friday. Don't act like parang sinagot kita at girlfriend mo na ko."

Kitang kita sa mga ngiti ni Charlie na masaya siya. Nagpalakpakan naman yung mga tao. I don't know why.

"Sanay ka sa mga ganto no?" tanong ko habang tinitignan yung mga bulaklak.

Bigla nang tumunog ang bell. Kaya nagsibalikan na ang mga estudyante. Bumalik na rin kami sa classroom.

××

Bago pa ko makarating ng room, may biglang humablot sa braso ko at kinaladkad ako palayo sa classroom. Hinila ko ng malakas yung braso ko para matanggal sa pagkakahawak niya.

"Sht! Ang sakit. Ano bang problema mo?!"

"What's with you? Isa ka lang naman sa mga ordinaryong babae dito sa school." saad niya habang nakapamulsa at hindi ako tinitignan.

"Pwede ba? Kung curious ka sa pagkatao ko, pumunta ka ng registrar at hiramin mo yung files ko. Tutal anak ka naman ng may-ari. Tch."pangaasar kong sagot habang hinahawakan yung braso ko. Grabe ang higpit ng hawak niya kanina. Feeling ko magkakapasa ako nito. How dare he para sabihing ordinaryo lang ako.

Mukhang wala naman na siyang sasabihin kaya naglakad na ko palayo. Pero natigilan ako sa sinabi niya.

"Your Dad is a CEO. Your Mom is a flight attendant.

Naghiwalay sila 3 years ago. Wala kang kapatid. Your Dad has a girlfriend and she's your dad's secretary." sabi niya pero hindi pa rin tumitingin sakin.

So anong ibigsabihin niya?

Ano bang gusto niyang iparating? Sa wakas ay hinarap na niya ko at unti unti siyang lumapit sakin.

"Stay away from Charlie." may awtoridad niyang sinabi.

Hindi ako makapaniwalang natawa sa sinabi niya. Ako pa talaga yung lalayo?

Nakipagtitigan din ako sakanya.

"What if I don't?" taas kilay kong tanong at iniwasan niya ko ng tingin.

Naglakad siya at nilagpasan ako.

"Mukhang may surprise si Shann sayo." I said out of nowhere. Wala akong natanggap na sagot.

"Spoiler ako kadalasan. Masaya kasi na nasisira yung sorpresa ng iba." pangaasar ko.

Ngunit wala akong natanggap na response. Sa halip ay iniwanan na niya ko don.

"Hindi man lang naasar sa sinabi ko. Tch."

ANYTHING FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon