Nagising ako na may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.
Sabado ngayon ah? Walang pasok! Bakit ba nila ko ginigising?
Nagtalukbong ako ng unan at kumot para hindi marinig yung kumakatok. Pero palakas iyon ng palakas hanggang sa malakas na sipa mula sa pinto ang nakapagpabalikwas sakin sa kama. Galit akong lumapit sa pinto at binuksan iyon.
"LECHE! Sino ba ya-AAHHHHGG."
Bwiset. As in bwiset.
"Ayan nang magising kana! What happened last night? Hinahanap ka namin kung saan saan!" habang derederechong lumakad papasok sina Jessie at Andrea sa loob ng kwarto ko.
Kung hindi ko sila kaibigan, baka nasikmuraan ko na sila. Buhusan ba naman ako ng malamig na tubig! Gising na gising na ako niyan! Hay bwiset.
Walang kibo akong pumunta sa walk-in closet ko at nagbihis. Paglabas ko, nakahiga na si Andrea sa kama ko at nagttext habang si Jessie naman ay naglalaptop.
"So ano? Magkkwento ba ko?"
"Nasa forum site na ng school yung nangyari. Alam ko na. hihihi." kinikilig na sabi ni Andrea
"So si Daniel pala ang savior mo? He saved you for the second time. Emeyghed. Bagay talaga kayo. Dispatsahin na natin si Shann!" - Jessie
Binato ko siya ng damit na pinaghubaran ko.
"Sira ulo ka talaga!"
"Eeeew! Ang baho." pagiinarte niya.
Inirapan ko nalang siya.
Saved for the second time? Di naman big deal yung una. Kaya di naman counted. Yun yung paghigit niya ng earphones ko para marinig ko yung prof namin.
××
"The best ka talaga magluto Cass!Yuuum" pagpuri ni Andrea
"Ehem! Nagluto din ako no!"
Naglulunch kami ngayon. Pinagluto ko sila. Pano ako nakapagluto? Tinulungan din naman ako ni Jessie. Hindi ko na pinatulong si Andrea at baka parepareho kaming malason pag pati siya, nakisawsaw sa pagluluto.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nung dumating ang hindi inaasahang bisita. Hindi pala siya bisita. BWISITA pala.
"The witch is here." bulong ni Andrea
"Oh. Hi Andrea, Hi Jessie. Napadalaw kayo?." nakangiting bati ni Tita Magenta
Ngumiti lang silang dalawa. Alam nila yung tungkol kay Magenta at miski sila, naiinis.
"What happened to your hand? Kamusta kayo ni Daniel?" tanong niya at umupo rin siya sa hapag kainan.
"Don't act like you don't know. Kilala mo si Daniel, so obviously, alam mo yung nangyari." sabay subo ko ng pagkain
"Masama bang magtanong?" she asked.
"Oo." tipid kong sagot
"May girlfriend si Daniel ah? Anong meron sainyo?" tanong niya agad.
"How did you know na may girlfriend siya?" Jessie asked
Oo nga. Pano niya nalaman yun?
"I'm not talking to you. So shut up." pambabara ni Tita Magenta
That's why ayaw rin nila Jessie sakaniya.
Ibinaling ulit ni Tita Magenta yung tingin niya sakin. Tinignan ko siya ng derecho. Nakakapagtaka lang kasi.
"Why are you interested? Ano bang pakialam mo kung may namamagitan samin?" saad ko at nagcross arms ako.
"N-nothing. It's just you know ayoko lang mapabalita na sinusulot mo ang boyfriend ng iba. Coz I care."
Napatawa ako ng bahagya na siya namang ipinagtaka niya. Hindi ako makapaniwala na sinabi niya yon.
"Don't worry. I'm not like you. at hinding hindi ako magiging katulad mo."
Natahimik naman siya at bakas sa mukha niya ang pagkainis.
Alam ko na nung mga panahong nagkakamalabuan na sina Daddy at Mommy, nilalandi na niya si Daddy noon.
Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at tumayo na. Sumunod nadin sila Andrea at Jessie. Pero bago pa ko makaalis,
"Hindi mo ko kilala Cassandra. Hindi mo ako pwedeng bastusin ng ganyan!" pagbabanta ni Magenta.
I don't know pero nakaramdam ako ng kaba. Alam kong may laman yung sinabi niya.
Hinarap ko siya.
"I just did." then we left.
BINABASA MO ANG
ANYTHING FOR YOU
Teen FictionCompleted na po ito. Pasensya po sa mga typo at wrong grammar. Haha! Enjoy reading. Salamat :)