May kaunting bubog pala ako sa kamay. Ngayon ko lang naramdaman yung hapdi ng sugat ko. Pano ko uuwi? Hindi ako pwedeng magmaneho ng isang kamay lang.
I should clean this baka maimpeksyon pako dito. Kinuha ko yung maliit na box na naglalaman ng health/first aid kit sa kotse ko. Buti nalang nagpark ako sa mejo tagong place kaya hindi ako nahanap nila Jessie.
Lumabas ako ng kotse para maghanap kung saan may tubig. Kailangan ko kasing hugasan to.
"Eto tubig."
Nagulantang naman ako. Pagkakita ko, si Daniel. Inaabot sakin ang isang bote ng mineral water. Kinuha ko iyon at sinimulang gamutin ang sugat ko. Buti nalang may bench sa may gilid ng pinaparadahan ko at doon ako naupo.
Tinanggal ko yung kaunting bubog na naiwan sa kamay ko. Namamanhid na yung kamay ko.
"Shit! Ako na nga ang gagawa!" he said then he grabbed my hand.
Umupo siya sa tabi ko. Hinayaan ko nalang siya. Tutal ang hirap din kumilos ng isang kamay lang. Magiinarte lang ako kung magpprotesta pa ko.
"Bakit hindi mo nalang ako pinabayaan kanina?"
natanong ko.
Napatigil siya saglit.
"What do you want me to do? Panoorin kang sapakin nung mokong na yon?" sabi niya habang tinuloy ang paggamot sa sugat ko.
"How did you find me?" I asked again.
Sa tanong kong iyon ay hindi siya sumagot.
Tinitigan ko si Daniel. Just like I've said before, kamukhang kamukha niya ang Tatay niya. Hindi rin pala siya ganon kasama. Sa tuwing magkakasalubong kasi kami sa school, kung hindi kami magkakasamaan ng tingin, magbabangayan naman kami. Kaya nagtataka ako ngayon. Parang ang bait naman niya para tulungan ako.
"Ayan. Tapos na." then he sighed. Tinignan niya ko at tinanong kung okay daw ba talaga ko.
Hindi ko nalang siya sinagot. Wala lang. Wala ko sa mood sumagot e. Tumayo siya at hinila ang braso ko kaya napatayo na din ako.
"Halika na." at nauna siyang naglakad
"San tayo pupunta?" tanong ko.
"Hindi ba obvious? Ihahatid kita pauwi." inis niyang sabi.
"No need. I have my car."
"So feeling mo makakapagdrive ka sa lagay na yan?"
He has a point. Alam ko naman yon.
"Ayoko kasi sa napipilitan lang."
"Edi wag. Bahala ka." at iniwanan na ko don.
What should I do now? Pumasok ako sa kotse ko. Ini-start ko ang engine. Okay naman sa una. Pero ang hirap talaga magdrive ng isang kamay lang pano ko mahahawakan yung gear? Tss.
Tawagan ko nalang kay sila Jessie? Mahirap na. Baka maaksidente pa ko. Mababawasan ang populasyon ng magaganda sa mundo.
I was about to dial Jessie's number nung may kumatok sa bintana ng kotse ko. Binaba ko iyon.
Nandito padin pala siya.
"Akala ko umalis ka na."
Ipinasok niya yung kamay niya sa loob ng bintana at inabot ang lock. Inunlock niya ito at binuksan ang pintuan ng kotse.
Yung totoo? Ano to?
Tinulak niya ko sa tabi kaya napalipat na ko sa kabilang upuan at umupo siya sa Driver's seat. Sinara na niya ang pinto.
"Anong sa tingin mong ginagawa mo Daniel?" natataranta kong tanong
"Ihahatid na kita pauwi." he calmly answered.
"Pano yung girlfriend mo? Iiwan mo nalang siya don? I can manage myself. Alis ka na jan." pagtataboy ko.
"Kasalanan ko naman to e. I promised Charlie na babantayan kita hanggang sa dumating siya. Pero wala kong pake sayo and I thought wala namang masamang mangyayare kaya hinayaan lang kita." walang putol niyang sabi
Nanahimik lang ako at hinayaan siyang magsalita
"The next thing I knew binastos ka na, nasugatan ka pa. Alam mo bang nagguilty ako sa nangyare?." nasapo niya ng palad niya ang mukha niya.
Hindi nalang ako nagsalita at ini-start na niya ang engine.
Tahimik lang kaming bumiyahe hanggang makarating ako ng bahay.
"You can borrow my car if you want. Para makauwi ka din sainyo." pagaalok ko.
Hindi siya nagsalita at lumabas siya bg kotse kaya lumabas na din ako. Lumakad na siya papalayo.
"Hoy saglit!" sigaw ko at napatigil naman siya.
"Where do you think you're going? Wag mong sabihing maglalakad ka pauwi? Baliw ka ba?" medyo malakas na tono kong sinabi.
Past 9 na. Alangan namang hayaan ko siyang umuwing naglalakad diba?
Nilingon niya ako.
"Do you really think na maglalakad ako pauwi? Magtataxi ako. Pumasok ka na. Malamig na dito sa labas." Natatawatawa niyang sagot.
Nagawa pa niyang mang-asar. Nakaramdam nga ako ng lamig. Pumasok na ko sa loob. Wala si Daddy. Nakakalungkot naman. Ako na naman at ang mga maid sa malaking bahay na ito.
Pumasok ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. Itinaas ko ang aking kamay at tinignan ito.
Hindi pala ako nakapagpasalamat kay Daniel.
Nagflashback yung moment na pinagtanggol niya ko sa gagong iyon. Yung moment na hawak niya yung kamay ko at ginagamot iyon. At yung naghintay siya at nagpumilit na ihatid ako.
Guilty lang ba talaga siya sa nangyari dahil kay Charlie? Or kahit papano concerned din naman siya sa ibang tao? Hindi yung puro si Shann.
Nakatulog na ako na iyon padin ang nasa isip ko.
BINABASA MO ANG
ANYTHING FOR YOU
Teen FictionCompleted na po ito. Pasensya po sa mga typo at wrong grammar. Haha! Enjoy reading. Salamat :)