CHAPTER 28
ANDREA'S POV
Last day ng foundation week. Hindi pumasok si Cassandra since last week. Hindi ko na rin siya ma-contact. Sinubukan na rin naming pumunta sa condo niya at sa bahay nila pero walang tao. Nagsisimula na kaming mag-alala. Tinanong ko si Daniel. Miski siya wala pang balita kay Cassy.
And si Francis. Huling kita na namin nung sa restaurant. Hindi din siya pumapasok.
Nakita ko si Henry at Jessie sa may Marriage Booth. Etong dalawang to talaga! Haist. Buti pa sila. Inintay kong matapos ang fake ceremony nila. Syempre sa you-may-now-kiss-the-bride part, PDA ba yung dalawa -_-
"Andrea." someone called. Lumingon ako at si Francis. Ang pogi talaga ng boyfriend ko! Hayy. Namiss ko siya. :'( Ilang araw din kaming hindi nag-usap. Mas nangibabaw padin yung love ko kesa yung galit niya.
"Let's talk." seryosong sabi niya
"No need to talk. Kalimutan na natin yung nangyari." I smiled. Nanatili padin siyang seryoso. May problema ba siya?
"No Andrea, we really need to talk." hinila niya ako hanggang sa makarating sa likod ng building ng school. Nung makarating kami don, binitawan na niya agad yung kamay ko.
"May problema ba Francis?" I asked
Nakatalikod siya sakin at nakapatong ang kamay niya sa ulo niya. Mukhang may problema talaga siya. Niyakap ko siya muka sa likod. Hmm. I love his smell. That unique Francis smell. Humarap siya at niyakap din ako. "Tell me, I'm here to listen."
Nagbuntong hininga muna siya. Matagal bago siya nagsalita ulit. "I love you, Andrea. I love you so much."
Niyakap ko siya ng mas mahigpit. Ang sarap naman marinig non. Ang sarap sa feeling. "I love you even more, Francis."
"Hey baby, andito ka lang pala. Oops!" I heard a familiar voice. Sinasabi na nga ba at si Maxine to e! Hay. Ano bang kailangan niya sa Francis ko? Tsaka bakit tinawag niyang Baby si Francis ko?!
"Maxine, please." he said. Mas hinigpitan niya ang hawak sakin.
Ano bang nangyayari?
"Can't tell her right? I'll help you." she smiled sweetly.
Tell what? Anong kailangan kong malaman?
"What is it?" I asked Francis. May nangingilid nang luha sa mga mata niya. Ano ba? Ano bang meron? Nagsimula na kong kabahan.
"Okay Francis, I'll tell her. Andr-----" Francis cut her off.
At yung sumunod na mga salita ay parang sinampal sa buong pagkatao ko.
"I slept with her."
-
Cassandra's POV
I looked around. Masaya ang karamihan. Ngayon lang ulit ako nakapasok. I stayed at Zachi's pad at tinuruan na din nila ako ng mga bagay bagay. She taught me how to control my emotions. When to hold back and when to release it.
"Cassandra," I was shocked with the familiar voice
Hindi ako lumingon. I shouldn't be with him. I should avoid him.
"Cassandra!" he pulled left arm and faced me to him. He's now holding my both arms.
"Are you avoiding me?" he asked.
"No." tipid kong sagot at tinanggal ko yung mga kamay niya sa braso ko. He frowned.
"Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko? yung mga texts ko? Bakit hindi ka nagpakita sakin? Ano bang nangyari sayo?"
BINABASA MO ANG
ANYTHING FOR YOU
Teen FictionCompleted na po ito. Pasensya po sa mga typo at wrong grammar. Haha! Enjoy reading. Salamat :)
