"No Charlie! Hindi ka pwedeng lumapit kay Cassandra." pagpipigil ni Andrea
Lunes na lunes, ang lalakas ng trip nila Andrea at Jessie. Kinokonsensya nila si Charlie sa nangyari. Actually, nung Saturday pa siya tawag ng tawag pero hindi ko yon sinasagot dahil sa deal namin.
FLASHBACK
"I'm so speechless sa eksena niyo kanina!" - Andrea
"KAIRITA NGA E! Pasalamat siya kahit paano may respeto ako sa mga mas matanda sakin! Nakoooo!" paghihimutok ni Jessie
Kakabukas konlang ng phone ko nang Bilang nagring ito. Si Charlie tumatawag. Nag-alala siguro siya. Hindi narin kasi kami nagkita talaga kagabi. Naka-off rin magdamag ang phone ko.
"Hel--"
(Cassy! What happened?! Pwede ba ko pumunta jan sainyo? I wanna see you. Totoo ba yung nakasulat sa forum kanina?)
He sounded so worried.
Hindi pa ko nakakasagot at kinuha ni Jessie yung phone ko.
"This is all your fault! Where the hell are you the entire party? Pa-surprise surprise ka pa sa may greenhouse with matching violin playing on background tapos ganyan?! Ganyan ang gagawin mo? Iiwan mo lang siya ng ganon lang?! blahblahblah."
Wala na kong nagawa. Ayaw talaga ibigay sakin ni Jessie yung phone. I'll talk to Charlie nalang at school.
"Don't answer Charlie's calls or texts. Hayaan mo siyang makonsensya. Hmmp"- Andrea
"Seryoso?"
"Yes Cassy. Seriously. Magbbar tayo on Friday, my treat. Deal?" - Jessie
"Hmmm." pag-iisip ko. "I'm not convinced. Magic word?"
"Haaaaaay. Ako na bahala sa Dad mo." then she rolled her eyes.
"Okay. Deal" matagal tagal nadin ako hindi nakaapaghappyhappy.Si Jessie kasi lagi ang nagpapaalam para sakin. Ayoko ang magsinungaling kay Dad. So Jessie do that for me. Baliw ba? Hahahaha.
END OF FLASHBACK
"Please Cassy. Kausapin mo ako. T_T"
Nakaharang padin yung dalawa sa harap ko. Para silang mga gwardiya.
Nabaling ko ang tingin ko kay Daniel. Hindi ko pa siya napaoasalamatan. Nakita naman ako ni Shann na nakatingin kay Daniel kaya hinawakan niya ang kamay nito. Nagulat lalo si Daniel nung biglang hiniga ni Shann yung ulo niya sa may balikat ni Daniel.
So feeling mo aagawin ko siya sayo? Kung magiging akin man siya, siya yung kusang lalakad papunta sakin. Tss.
Maya maya pa ay dumating na ang prof namin. Inintay muna nung dalawa na makaupo si Charlie sa upuan malayo sakin bago sila umupo.
"Goodmorning class. BTW Ms. De Vera. Ayos naba ang kamay mo?"
"No! She's not fine! I'll bring her to the clinic!"
Mabilis akong hinablot ni Charlie at nakalabas kami agad ng room. Hindi na nagawa pang sumunod nung dalawa sa sobrang bilis ng pangyayari.
"Cassandra I'm really sorry." - Charlie
Nandito kami malapit sa greenhouse. Buti nalang malilim dito at mahangin. Masarap maglakad lakad. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama yung malamig na hangin.
Nabigla ako ng hawakan ni Charlie yung kamay ko na may benda.
"Inuna ko kasi ang paghahanap ng katotohanan. Sorry ha." malungkot niyang sabi habang nakatingin padin sa kamay ko.
"Anong katotohanan?" paguusisa ko.
"Kasalanan ko to e." pagsisisi padin ni Charlie aa sarili niya.
"Charlie, stop blaming yourself. Okay lang ako. Yung bastos na yon ang may kasalanan ng lahat. Wag mong sisihin yung sarili mo." paliwanag ko.
Speaking of the Devil, dinala siya sa guidance at na-expel siya sa school. Maybe that's enough para magsisi siya.
"Sure ka? Hug mo nga ko." medyo nakangiting sabi niya
Hinampas ko siya sa braso. "Baliw. Hahaha."
Saglit lang kami nanahimik at nagtanong na muli ako.
"Ano bang katotohanan yung sinasabi mo?"
Mukhang nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya sakin or hindi.
"I can keep a secret. You can trust me."
The F? Did I just say that? Grabe. Ang chismosa lang ng dating. Pero anong magagawa ko? I'm curious.
Huminga muna si Charlie ng malalim.
"Minahal ko si Shann. Ako ang nauna."
BINABASA MO ANG
ANYTHING FOR YOU
Teen FictionCompleted na po ito. Pasensya po sa mga typo at wrong grammar. Haha! Enjoy reading. Salamat :)