CHAPTER TWELVE

27 1 0
                                    

Minulat ko ang ma mata ko. Nakita ko ang puting kisame. Nasan ako? Inalala ko ang nangyari. Malamang nasa hospital ako.

"Cassandra! My Baby. Gising kana."

At bigla niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya ng mas mahigpit.

"I'm so worried. Sinabi sakin ng Dad mo yung nangyari kaya iniwan ko yung trabaho at nagpunta na kaagad dito." Pagaalala ni Mommy

Lumapit din naman si Daddy na nasa likod lang ni Mommy kanina.

"Ako nang bahala sa gagong gumawa sayo niyan. Siaiguraduhin kong pagsisisihan niya at ginawa niya yan sayo." medyo galit na sabi ni Daddy

Napangiti naman ako. Ang saya naman. Kumpleto kami ngayon. Si Mommy, Si Daddy at Ako lang.

"Kung hindi ka nadatnan ng mga kaibigan mo doon, hindi ko na alam kung ano nang nangyari sayo." - Mommy

"Oo nga. Buti nalang dumating yung mga kaibigan mo at tinawagan agad ako. I didn't know na may mga lalaki ka na palang kaibigan." - Daddy. Malumanay na siya ngayon.

"Tell me, sini ba sakanila ang boyfriend mo? May isa ba sakanila na nililigawan ka?" pangaasar ni Mommy

"Mommy!" Ano ba yan. Nangaasar pa.

"Joke lang anak. Pero mapapanatag ang loob ko kung isa sakanila ang magiging boyfriend mo. Yung isa don parang Daddy mo, tahimik pero may concern. Kunyari walang pake sayo pero deep insi-----"

Biglang napatigil si Mommy. Nadulas na sa katotohanan. HAHAHA

Bakas sa mukha ni Daddy ang pagpipigil ng ngiti. Sa mukha naman ni Mommy, ang pagkahiya. Magkaron ka nga naman ng Tatay na torpe at pakipot na Nanay.

"Dapat pala lagi akong naoospital para lagi tayong nagkakasama. Para lagi tayong buo." saad ko.

Nagkatinginan naman sila Mommy at Daddy at natahimik.

Isang araw lang ako sa ospital. Hindi naman kasi ganon kalala yung nangyari sakin. Umuwi na agad kami. Hindi ko nga akalain na sasama si Mommy pauwi samin.

Pagkadating namin sa bahay, sinalubong kami ng Bwisita.

"Oh Cassy dear! How are you?" mataas na tono niyang bati. Hahawakan niya sana ako pero pinigilan ko siya.

"Don't touch me." malamig na tono kong sabi

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Daddy

"I'm here because I'm worried. Alam mo naman anak ko na rin si Cassy." at binaling niya yung tingin ni Mommy. "Oops. Andito ka pala." kunyaring nagulat siya.

Nginitian lang siya ni Mommy. Pero alam ko sa isip isip niya, sinaksak na niya ng 3 beses yang si Magenta.

"Umalis kana. Pwede ba?" malumanay na sabi ni Daddy

Halata naman sa mukha ni Magenta ang pagkainis.

"Magusap tayo."  at nilagpasan na kami ni Magenta. Nagpaalam naman si Daddy at sumunod nadin sa bruha.

Dumerecho si Mommy sa kusina at sinimulang magluto.

"Mommy. Kelan niyo binili yung bracelet?" pagtatanong ko.

"Alam ko kung anong gusto mong malaman." nakangiti namang sagot ni Mommy

"Nagkita kami sa Cebu. Nakapagusap kami doon. Matagal na palang tapos ang relasyon ng Daddy mo kay Magenta. Si Magenta lang yung ayaw humiwalay at hindi ko alam kung bakit." at biglang sumeryoso ang mukha ni Mommy

Hindi na ko nakasagot. Miski si Mommy hindi alam kung bakit hindi pa sila pwedeng magsama ulit ni Daddy. Nagchange topic nalang kami at nagkakwentuhan ng kung anuano at nag-asaran.

"So sino nga? Hahaha. Si Daniel ba? Si Charlie? Mukhang interesado sayo yung dalawang yon e."

"Mommy! Stop that!" para akong bata na nagmamaktol.

"Hahahaha. You're blushing." pangaasar pa niya.

Nagtawanan kami ng nagtawanan hanggang sa naitanong ko ulit ang tungkol sakanila ni Daddy.

"Mommy, I want you to be honest with me."

"Hmm?"

"Do you still love Daddy?"

Matagal bago siya nakasagot. Para bang nagisip pa siya ng malalim. Tinanong niya siguro ang sarili niya kung mahal niya pa nga talaga si Dad.

"Yes. I still love your Dad." nakangiti niyang sagot.

Napangiti naman ako ng malapad. Sabi na e!

"Tingin mo, Mahal padin ako ng Daddy mo?" seryosong tanong sakin ni Mommy

Sasagot na sana ako nung may sumagot na para sakin.

"The feeling is mutual." - Daddy

ANYTHING FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon