CHAPTER THIRTEEN

31 1 0
                                        

"Bakit hindi mo tanungin si Daniel? Diba siya yung kasama mo nung Friday?" - Andrea

Pumasok na ulit ako ngayon. 2 days akong absent.

Hinahanap ko kasi yung bracelet na niregali sakin ni Daddy. Tinignan ko na yon sa mga gamit ko pero hindi ko talaga makita.

Posible nga kayang alam ni Daniel kung nasan yun? Baka kasi nahulog yun nung Monday e.

"Yan ang napapala ng burara." - Jessie

"Hindi ako burara." at inirapan ko siya. Kainis talaga. Nasan na kaya yon? Itanong ko nalang kaya kay Daniel?

Saktong sakto at dumating na si Daniel. Pero hindi siya sa tabi ko umupo. Sa tabi ulit ni Shann. Tss. What do you expect?

Maya maya pa ay dumating si Charlie kasabay ang prof namin.

"Exams niyo na next week. Naituro ko na lahat ng dapat kong ituro. Magrereview pa ba tayo? Can I just dismiss you guys early para maka-awra din ako?" saad ng professor namin. Luckily, he's our professor in our last three subjects. So, pag hindi na siya nagturo ngayon, wala nang klase.

"That was the greatest thing I heard this day." saad ng isa naming classmate at bigla siyang tumayo at pumalakpak ng dahan dahan.

Sinundan din naman siya ng iba naming classmates. Nagsitayuan din sila at nagsipalakpakan. Nakigaya din yung dalawang bruha. Seriously? What's happening? Pati si Charlie nakatayo na din at pumapalakpak.

"Feeling ko magbabago yung isip ko. Hindi kasi pumapalakpak si Ms. De Vera." pagiinarte ng bakla kong prof.

Pinagtinginan naman ako ng mga classmates ko. Iniintay nila akong tumayo at pumalakpak. Bakit ako lang? Si Daniel hindi rin naman tumatayo ah?

"I'm not the only one." at iniwas ko yung tingin ko sakanila.

Nagtinginan naman sila kay Daniel. Tumingin rin ako sa kanya at yung mukha niya parang hindi makapaniwala. Napangiti ako ng lihim sa itsura niya. Haha.

Bumuntong hininga siya at padabog na tumayo kaya tumayo nadin ako at nakigaya. Mapangasar ba? Hahaha

××

"Ikaw lang ang nakagawa kay Daniel non."

- Henry

Oh eh ano? Magkakasama kami ngayon sa mall. Samasama kaming lahat. Gala daw e. Pinagtitinginan kami. Ang tatangkad ba naman kasi ng mga kasama ko. Parang mga artista pa.

"Shann! Daniel! Uso sumabay." - Francis

Nahuhuli kasi silang maglakad kesa samin. Nakita kong nakapamulsa si Daniel habang si Shann naman nakasukbit yung kamay niya sa braso ni Daniel. Sus! Kala mo namang mawawala.

"Ihahatid ko lang pauwi si Shann." saad ni Daniel.

Wala namang nangahas pang pigilan sila umalis.

"KJ as always." - Henry

"Henry!" pananaway sakanya ni Charlie

KJ nga. Pwede namang umuwi nalang siya mag-isa.

Kumain muna kami at nagpunta sa department store. As usual, si Jessie at Andrea, kung anuano ang binili. Ako? Wala nagtingintingin lang.

Matapos nila mamili, nilagay muna nila yon sa baggage counter para makapagarcade kami. Matagal tagal nadin akong hindi nakakapaglaro. Naeexcite tuloy ako.

Pagkarating namin don ay nandon nadin si Daniel.

"Sabi na dito kayo dederecho." nakangiting bati ni Daniel.

ANYTHING FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon