CHAPTER ELEVEN

29 1 0
                                    

Saktong 8:30 at makakauwi na rin kami. Nagpaintay pa kasi si Andrea sakin kasi may meeting sa org nila. Hindi ko naman aakalain na ganon katagal yung meeting na yon.

"Bye sissy. See you tomorrow. Thankyou ulet ha. Mwaaa" at nagbesobeso na kami. May sundo rin siya na kanina pa nagiintay kaya nakaalis na din sila agad.

Pumunta ako sa parking lot. Ang tahimik naman masyado.Kaunti nalang kasi yung mga nakapark dito. 7pm kasi ang tapos ng lahat ng klase.

Papunta na ko sa kotse ko ng harangin ako ng dalawang lalaki. Sinubukan kong umiwas sa kanila pero patuloy parin nila akong hinaharang. Tinitigan ko sila ng masama.

"Get the fuck out of my way "

"Hanggang ngayon suplada ka pa rin." habang pumapalakpak na sabi ng boses ng isang lalaki mula sa likuran ko. Alam ko na agad kung sino siya.

Pagharap ko, si Rich.

"Kamusta?" bati niya sakin.

"Anong kailangan mo?"

"Galit na galit sakin ang papa ko. Dahil sa eskandalong ginawa mo."

"Really? Congrats." Tinalikuran ko na siya at sinubukan kong umalis pero marahas akong hinawakan sa magkabilang braso ng dalawang lalaki.

"Alam mo bang dahil sayo kahihiyan ang tingin sakin ng Papa ko!!!" galit na galit na sabi ni Rich at sinampal niya ko ng malakas.

Fuck! Namamanhid yung pisngi ko. Pero hindi ako nagpatinag.

"You deserve it. Let go of me or else you'll fucking regret it"

"Matapang ka pa ha! Etong sayo!" at sinuntok niya ko sa tiyan. Namilipit ako sa sakit pero hindi parin nila ko binitawan. Hinablot niya yung buhok ko at tinaas ang ulo ko. Ngumiti siya na parang demonyo at sinikmuraan na naman ako at sinuntok sa may pisngi.Nanghihina na ko. Kahit naman sanay ako sa away iba parin pag lalaki na ang sumuntok sayo.

"Ano? Magyayabang ka pa ha?"

"Hoy Rich. Alam mo bang masama yang ginagawa mo?"

"Yeah. So gay."

"Pumapatol sa babae. tsktsktsk."

Boses ng tatlong lalaki ang narinig ko. Pero apat silang nakikita ko. Medyo nagbblur na yung paningin ko pero nung tumapat sila sa ilaw, nakita ko sila.

Si Charlie, Henry, Francis

at si Daniel.

Napalingon si Rich at yung dalawang lalaking nakahawak sakin doon sa apat kaya ginamit ko yung chance na yon para lumaban.

Pinuwersa ko yung paa ko at sinipa yung down part ni Rich. Kasabay non ay sumugod narin yung apat kaya nabitiwan na ko nung dalawang lalaki. Tumakbo ako sa isang tabi at hinayaan sila.

Wala pang isang minuto ay napabagsak na nila yung dalawang kasama ni Rich.

"Magbabayad kayo!" sigaw ni Rich habang tumatakbo palayo sakanila.

Hindi ka makakatakas sakin.

"Nice one." - Henry

"That's my girl." - Charlie

Saktong sa direksyon kung san ako nagtatago tumakbo si Rich kaya pinatid ko siya gamit ang paa ko na naging dahilan kaya nadapa siya.

Tumayo ako sa likod niya para hindi siya makatakas. Saktong sakto may takong yung sapatos ko.

"Pagkatapos mo kong sampalin, sabunutan at sikmuraan, iiwan moko ng ganun ganun nalang?"

"AAAH!" sigaw niya. "Sorry na! Patawarin niyo na ko!"

Pabalagbag kong inapakan yung likod niya at dinidiin ko yung takong ng sapatos ko sa likod niya.Brutal ba? Wala pa yon sa ginawa niya sakin.

"Tama na! Ano bang gusto niyong gawin ko!! Tama na!"

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at dinial ang police hotline.

Medyo umupo ako ng konti para malapitan yung gagong si Rich.

"Kung gusto mo pang mabuhay, ikaw na mismo ang magsumbong sa police."

Nilapit ko sakanya ang phone at alam kong may sumagot na sa kabilang linya

"Ako si Rich. Ikulong niyo na ko! Nambastos ako ng babae at nanakit! AAHHH!" sigaw niya

Wala pang limang minuto ay dumating nadin ang mga pulis at dinakip na si Rich.

"Ibang klase ka talaga." - Charlie

Nginitian ko sila at parang nahilo ako.

Nagbblur ang paligid tapos hindi ko na alam ang nangyari.

ANYTHING FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon