CHAPTER SEVENTEEN

29 0 0
                                    

Cassandra's POV

Hangover. Hangover. Hangover

Nasa school na kami ni Andrea. Nagpaiwan si Jessie sa bahay nila. Hindi muna daw siya papasok. Bukod sa namumugto yung mata niya, ayaw niya daw makita si Henry.

Sino bang may gustong makita yung gagong yon? I know mali yung ginawa ko kagbi pero damn! Galit na galit talaga ko.

AAHH! My head hurts.

"Hangover?" - Charlie. Nasa harap ko na siya ngayon.

Nasapo ko nalang yung ulo ko at pumikit. Di nalang dapat ako pumasok.

"Yep. Napadami ng inom yan kagabi e. Then guess what? Sinabi niya ang sincerest line ng dekada." - Andrea

Dekada talaga? Napakunot naman ako ng noo. Leche ka Andrea.

"What is it?" excited na tanong ni Charlie

"Masyado kang madaldal Andrea." saad ko. Kala mo namang ngayon lang ako nagsabi ng sincere.

"Ano nga yon?" pangungulit ni Charlie

"Asan na nga pala yung gago mong kaibigan?"

"Chill. Nakakatakot ka naman." medyo napaatras naman si Charlie. Aga aga nagiinit ang dugo ko.

"Well, speaking of that, Henry went to my house last night and he told me everything."

Nakaabang lang kami sa sasabihin ni Charlie.

"That idiot! Hahaha. He loved Jessie nung una palang." natatawang sabi ni Charlie.

"What?! Pero sabi pa nga ni Henry kagabi : Layuan mo na ko." at inarte naman ni Andrea yung pagkakasabi non ni Henry kagabi.

"Yea. Sinabi niya yun. He was confused at first. Pero naliwanagan siya kagabi sa suntok ni Cassy." at nakangiti siyang tumingin sakin.

"Tss." Hindi ko alam kung compliment yon or nangaasar lang si Charlie.

"Haha. Just kidding. I talked to him last night at ayun nga. He, himself knew that he really love Jessie at in denial lang siya nung mga nakaraang araw." pagpapatuloy ni Charlie

"Hindi na siya babalikan ni Jessie." saad ko.

"Cassy!" banta naman ni Andrea

Bakit? After what happened last night? I bet hindi na talaga magpapauto pa si Jessie.

"That's why I have a plan." nakangiting sabi ni Charlie

Plan?

Para magkabalikan yung dalawa at magin official nang magkarelasyon sina Jessie at Henry. Wala daw alam si Henry dito. Kami kami lang daw ang nakakaalam. It'll be a surprise daw.

"Andrea and Francis, hmmm. Kayo ang bahala sa place."

"Then I will be on charge sa props. Mga gagamitin."

"Cassandra...." pinutol ko sa pagsasalita si Charlie

"Who told you na kasama ko jan? Hindi ako kasali jan." saad ko. Pero di nila ko pinansin.

".. and Daniel. Maghanda kayo ng song. Kakanta kayo." pagpapatuloy naman ni Charlie

Song? Kami ni Daniel?

"Alam ba ni Daniel yan? I'm telling you guys. Magaaksaya lang tayo ng effort."

"Tayo?" sabay na sabi nila Charlie at Andrea

"I thought di ka sasali?" natatawa tawang sabi ni Andrea

Whatever guys. Pahiya ako dun ah.

"Hahaha. Wag ka nang magalit. Kayo ni Daniel bahala don ha! And yes, alam na ni Daniel yun." kinindatan naman ako ni Charlie

ANYTHING FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon