"Mam Cassandra! Gising napo.Nakain na sila sa baba. Baka mapagalitan ka na naman nila Mam at Sir.
"Bababa ako kung kelan ko gusto."
"Gising na po. Baka ma-late po kayo sa pasok niyo."
AAAAAAAHHHHH! ASARR. Sira na naman ang tulog ko. Badtrip na maid to e.
"Ako po kasi papagalitan ni Sir pag dipa po kayo bumaba e. Sige na po Mam. Gumising na po kayo."
Ang kuleeeeeeet! Ganto nalang ba lagi? Tinalukbong ko yung kumot pero patuloy parin niya kong niyugyog para magising.
"Mam sige na po gising na po kayo."
Bumangon ako at tinitigan siya.
"Get out."
Mukhang na -threatened naman siya kaya lumabas na din siya.
I went to the bathroom and fixed myself pagkatapos nun bumaba nako.
Pumunta ako sa dining area. Sinalubong ako ng tingin ni Daddy.
Sermon na naman abot ko nito. As always.
"Anong oras ka umuwi kagabi?" Daddy asked.
Umupo ako sa may dulo ng table at nagsimulang kumain.
"I'm talking to you Cassandra."
"I don't know. Hindi naman sinabi sakin ng orasan kung anong oras na eh."
"Sa tingin mo ba nagsasalita ang orasan?"
"Well in my dreams, they do."
Kitang kita ko na ang inis sa mukha ni Daddy. Pero saglit lang yon at bumalik na yung poker face niya. Yung awrang strikto at walang pakialam.
"I'm just kidding Dad." Bawi ko sabay ngiti. Tumingin naman si Daddy saken at ngumiti rin siya. Di naman ako sutil. Slight lang.
"Oh gising ka na pala Cassy." Bati ng babaeng may hawak na coffee at tumabi kay Daddy. Aga aga andito siya.
"So kamusta morning mo?"
"Not good." I coldly answered. Higad na higad ang dating. Pang-asar e. Walang wala naman siya sa ganda ng Mommy ko.
"Bakit naman?" She asked while smiling. Plastic.
"Una, dahil nasira ang tulog ko. Second, because you're here."
"Cassandra!" pagbabanta ni Daddy.
Ano bang nakita ng tatay ko sa babaeng to? Hindi naman kagandahan. Mukhang pera lang talaga ang habol.
"Whaaaat? Nagtanong siya e. I'm just being honest."
Halata naman sa mukha ni Tita Magenta na napahiya siya. Hahaha! Ngiting tagumpay.
"Cassey..Uh well. You should respect me because sooner or later, magiging asawa nako ng Daddy mo. And sooner or later, I'm gonna be your new mommy." she said while raising her eyebrow.
"In your dreams." sabi ko nang hindi siya tinitignan.
Tumayo na ko. Makaalis na nga dito. Pumunta ko kay Daddy at nagkiss sakanya.
"Akyat muna po ako.Iloveyooou." I said sweetly.
"Okay bilisan mo ha. Baka malate ka na naman.." sabay ngiti ni Daddy.
Tinignan ko si Tita Magenta na mukhang nagaantay na magpaalam ako sakanya. Inirapan ko nalang siya at umakyat sa kwarto ko. Bad ba?Well, ayoko talaga sakanya.
Humarap ako sa salamin
Kamukha ko nga talaga si Mommy. Too bad hiwalay na sila ni Daddy. Broken Family pero okay lang naman.Friemds naman sila . Pero iba parin yung buo ang pamilya. Yung ako, si Mommy at si Daddy lang. Walang Tita Magenta na nagrereyna-reynahan sa bahay na to.
Bakit nga ba sila naghiwalay? Dad told me na Dahil wala silang time sa isa't isa. My daddy owns a company while my Mom, she's a flight attendant. Wala silang time para sa isa't isa kaya naging cold sila. At don na pumasok ang maharot na secretary ni Daddy na si Magenta. Hindi ko alam ang status nila. If they're dating or what. Pero sabi nga ni Magenta kasi, sooner or later magiging nanay ko siya.
That will never happen. No way!
May sinasabi rin sakin noon si Magenta na dahilan kung bakit naghiwalay sila Mommy at Daddy. Knowing her, she's a story maker. So why believe her? And yung rason na yon, sooo unaacceptable.
Naligo nako at nag-ayos na. Bumaba nako para magpaalam. Pero wala na si Daddy. Nakaalis na pala. Sayang di man lang ako nakapagpaalam.
"Wala na ang Daddy mo."
Hayy nako. Eto na naman po kami.
"I know right."
Nagsalubong naman ang kilay niya at naaasar na.
"Pag ikinasal kami ng Daddy mo, tandaan mo hindi ka na makakaganyan sakin!"
"That will never happen." i said smiling.
Nagwalk-out na siya. Feelingera talaga.
Umalis nako ng bahay at nagpunta na ng school.
BINABASA MO ANG
ANYTHING FOR YOU
Teen FictionCompleted na po ito. Pasensya po sa mga typo at wrong grammar. Haha! Enjoy reading. Salamat :)