Weeks passed. Charlie and his friends also became my blockmates since "friends" na daw kami. Pabor na pabor naman kina Jessie at Andrea yon. How could they change schedules ngayong kalahatian na ng sem? Iba talaga pag may connections.
"Class. This Friday will be Mr. Carlson's birthday. As we all know, yearly nagkakaron ng malaking party ang school sa tuwing sumasapit ang birthday ni Mr. Carlson."
"As always, the party will start at exactly 7pm and you should wear your best kung ayaw niyong maOP."
Everybody always wear their best. Walang rules sa isusuot na damit. Patalbugan sa mga suot na gowns and cocktail dresses. It's all up to you kung anong isusuot mo. Daig pa minsan ang Prom Night pag birthday ng may-ari. It's still nice na kino-consider ni Mr. Carlson ang school as part of his family. Pamilya ang tingin niya dito. Kaya pati birthday niya, sine-celebrate ng buong school. He's responsible, nice, and kahit na mejo may edad na, mapapalingon ka pag dumaan siya. He's a gorgeous man. Maybe that's why pinahpala din si Daniel. Yun nga lang. Di niya nakuha yung kabaitan ng tatay niya. Pano kaya mainlove si Mr. Carlson? Is he like Daniel na pag nainlove na, wala nang ibang makita kundi yung babae lang.
"You should be my date." Nakangiting bungad ni Charlie
"You should ask me first."
"Do I have to?"
"Ofcourse."
Napakamot naman sa ulo si Charlie.
"Hmm. Will you be my date?" nakangiti niyang sabi habang nakatitig sakin.
"No." I answered
"WHAT?! No? Tama ba rinig ko?!" pasigaw niyang sabi
"SSH! You don't need to shout. Parang timang e." OA naman ni Charlie! Grabe. Napatingin tuloy samin yung iba naming cmates. Buti nalang busy din sila sa kanyakanyang plano para sa party. Kaya di nalang kami pinansin pa.
"I can't believe it. Sa gwapo kong to, nirereject moko?" hindi makapaniwalang tanong ni Charlie
"Mahangin. Tss. Paghirapan mo muna."mapangasar kong sagot.
Nag-isip ng bahagya si Charlie. Para bang may pinaplano siya.
"Okay! Sabi mo e." Then he left. Bumalik na siya sa upuan niya.
Ano kayang pinaplano nun? Kung anuman yon, wala na kong pake! HA HA!
Napansin kong nakatitig na naman sakin si Daniel.These past few days, nahuhuli ko siya lagi na nakatingin sakin especially when Charlie is around.Why is he staring? I rolled my eyes at him and nagsoundtrip nalang.
**
"You're wearing pink again?. Like duh! That was so last year." - Jessie
"Hindi nalalaos ang kulay Jess. Mind your own business." - Andrea
Andito kami ngayon sa shop ng Tita ni Jessie. Dito kami lagi kumukuha at nagpapagawa ng damit namin. Maganda kasi sila magdesign at gumawa.
Ang daming magandang damit. Ang hirap pumili.
Nagfit sina Jessie at Andrea ng kung anuanong damit. Hanggang sa nakapili na sila. Ako nalang ang hindi pa.
"Maybe I'll come back tomorrow. Wala ko sa mood pumili e." I said. Hindi ko alam pero hindi ko talaga nagustuhan. Dati naman hindi mahirap pumili ng damit. Si Mommy kasi ang pumipili para sakin. At kahit anong piliin niya, may tiwala ako na maganda yon.
"Aattend pa ba tayo ng class bukas?" - Jessie
"OFCOURSE! Kailangan natin. Remember? The.. uhh. you know.. yung napagusapan?" - Andrea said while gesturing something habang si Jessica naman ay parang may naalalang ewan.
"Anong napagusapan?"
"WALA!" - Jessie/Andrea
I raised my brows. Naglilihim kayo ha. Bahala kayo.
Nakauwi naman kami ng payapa. When I reached home, I didn't expect na makikita ko siya.
"MOM!" I hugged her tightly. Para kong bata everytime na makikita ko siya.
"My baby. Kamusta kana?" my Mom asked.
"Not good. May nagrereynareynahan kasi dito sa bahay e. Lam mo na, si Magenta. Bakit dipa kasi kayo magkabalikan ni Daddy?"
My mom blushed. Alam ko naman na hanggang ngayon, mahal parin niya si Daddy.
"Just like what I'm always saying, there is a perfect time for us." then she kissed me on my forehead
Nagkwentuhan kami ng matagal. Namiss ko talaga siya ng sobra. Pinipilit ko siyang matulog dito sa bahay pero may flight pa daw siya.
"It's late. Kailangan ko nang umuwi."
"Di mo na ba aantayin si daddy?" malungkot kong tanong
"He's on a business trip diba?"nakangiti niyang sagot.
Oo nga pala. di Naman kasi nagpaalam si Daddy sakin.
"Bye mommy"
Niyakap ko ulit siya ng mahigpit. I know matagal na naman bago ko siya makikita muli. She hugged me tighter.
"Yung laman ng box sa loob ng room mo, yun ang suotin mo sa party :)"
Hindi siya nakakalimot. Since gradeschool, siya na pumipili ng susuotin ko. Akala ko ako nalang mismo ang pipili sa sarili kong dress.
"I will."
At umalis na siya.
Umakyat agad ako sa kwarto para tignan yung laman ng box. When I opened it, na excite ako lalo. I always get excited pag ganito. She never fails to make me smile.
"Thanks Mom."
BINABASA MO ANG
ANYTHING FOR YOU
Novela JuvenilCompleted na po ito. Pasensya po sa mga typo at wrong grammar. Haha! Enjoy reading. Salamat :)