JESSIE'S POV
Everything has changed.
After nung gabing iyon, he became as cold as ice.
No texts. No calls and no show. Even sa school, di niya ko pinapansin.Nung una naman halos araw araw magkasama kami. Pero after we did that, nagbago na lahat.
Many of them think that I am a slut.Coz I act like one. Bitching around, nagbbar, nakikipagflirt kung kanikanino at nakipaghalikan kung kanino nalang.
They also think na kung kanikanino na rin ako nagpapakama.
But God knows kung sino talaga ko. Kung ano talaga ko.
Why am I like this? Kasi kulang ako sa atensyon. Kulang ako sa pagmamahal. Wala kong mga kapatid. Para na ding wala kong mga magulang. They're always out of the country. Baka nga nakalimutan nadin nila na may Anak silang nandito sa Pilipinas.
I promised myself that I would give my virginity sa lalaking mamahalin ko ng hindi inaasahan. And that was Henry.
I don't know what happened. Ano bang ginawa ko? Hindi ko naman siyang inoobliga na panagutan yung nangyari samin. Coz in the first place, ginusto ko yun.
I texted Cassandra and Andrea. Niyaya ko sila magbar kahit may pasok bukas.
**
"Tell me bitch, what happened?" tanong ni Cassy habang nagddrive papuntang Tuners. Matagal na kaming nagpupunta don. Pero nagpupunta kami doon kapag may problema lang.
Nasa backseat kami ni Andrea.
"Ang cold na kasi ni Henry pagkatapos nung nangyari samin." saad ko. Nagsimula nang bumigat yung pakiramdam ko. Hinagod ni Andrea yung likod ko. Bigla namang nagsituluan na ang mga luha sa mga mata ko.
"It's okay Jessie. Everything's gonna be fine." those comforting words from Andrea.
Alam din nila yung feelings ko for Henry. That's why hindi na sila nagulat pa.
"It's not okay! Ewan ko sayo Jessie. Magmamahal ka na nga lang, sa gago pa." mejo galit na sabi ni Cassandra. Sanay nako sa bunganga niyang ganyan. Coz behind those hurtful words ay yung concern niya para samin, para sakin.
"Just shut up and drive, Cassandra." saad ni Andrea. Inirapan lang siya ni Cassy at nagfocus na sa pagddrive.
Pinunasan ko yung mga luha ko.
Nakarating na kami sa Tuners. Rinig na rinig sa labas ang nakakabinging music mula sa loob. Lumabas na kami ng kotse.
Pumasok na kami sa loob at sinalubong na nga kami ng mga ilaw at nakakabinging tugtog. Ang daming tao. Buti nalang We have our own area here. Kilala na kami ng may-ari kaya parang VIP na ang turing samin dito.
Naglalakad na kami papunta sa table namin. Nung may nakakuha ng atensyon ko sa may mga nagsasayawan.
Kitang kita ng mga mata ko. Kahit madilim at pakislapkislap lang yung iba't ibang kulay ng mga ilaw. Malinaw na si Henry yun.
"Jessie." bulong ni Andrea at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
Napakagat ako sa labi ko at nagunahan na namang magtuluan ang mga luha ko. Sa dinami dami pa ng place dito sa mundo bakit dito ko pa siya nakita.
Bakit ba ko naiinis? nagagalit at nagseselos? Wala naman akong karapatan. Wala naman akong karapatan na pigilan siya sa ginagawa niya.
May kasayaw siyang babae. Then I saw them kissed. Naghahawakan sila sa kung saan saang parte.
What wolluld you expect? That's Henry. Nakilala ko siyang ganyan. Wala kong magagawa.
Hindi ko maialis yung mga tingin ko sakanila.
I'm just one of his girls. Pagtapos may mangyari, wala na siguro. Nag-assume lang ako na he'll feel the same way too.
"Cassandra!!" sigaw ni Andrea. Natauhan ako bigla at nakita ko si Cassandra na palapit kila Henry. Pero bago pa namin mapigilan si Cassandra, nasipa na niya yung babaeng kasayaw ni Henry at nag-atrasan naman yung mga nagsasayawan malapit sakanila.
Nakalapit agad kami sakanila. Nagkatinginan kami ni Henry. Kitang kita sa mukha niya ang gulat at pagtataka.
"Uyy Henry!" masayang bati ni Cass. Napalingon si Henry kay Cass at biglang tumama nalang sa mukha niya yung suntok ni Cass na siya namang ikinagulat namin.
Nilapitan ko si Henry.
"A-ayos ka lang ba?" tanong ko habang hinahawakan ko yung parteng sinuntok ni Cass. Malakas niyang tinanggal yung mga kamay ko sa mukha niya.
"Layuan mo na ko." sabi niya nang hindi ako tinitingnan at umalis na siya
ANDREA'S POV
Nandito kami ngayon sa bahay ni Jessie. Pinagtabuyan niya kami nung una pero wala din siyang nagawa. Mas lalo lang siyang masasaktan kung mag-isa lang siya dito sa bahay. Sa ganitong sitwasyon, kailangan niya kami.
"Maganda naman ako e! And..And.. Sexy! mas sexy pa nga ko don sa kasayaw niya kanina e. Diba diba?" lasing na nga si Jessie.
Umiinom sila Jessie at Cassandra ngayon. Hindi nako nakijoin pa. Grabe. Kailangan ng matinong tao dito no! Walang mangyayari kung parepareho kaming maglalasing.
"Cass..andra.. Bakit ka umiinom? May problem ka din ba?" - Jessie
"Oo.. Meron ee." saad ni Cassandra na mamungay mungay na din ang mata. Lasing na din siya.
"Is it about *hik* Daniel? Yhiie." pangaasar ni Jessie at tinulak si Cass.
"HAHAHA. Noooo. My problem is youu. Gaga ka kasi. HAHAHA." - Cassandra
"I know right? Appear!"
at nagappear sila. Parang mga tanga diba?
"That's enough guys. Matulog na kayo." Tumayo na ko at una kong inalalayan si Jessie.
"Andreaaa! You bitch are so lucky. Mahaaaal na maahhaal ka ni Francis. Oooops!" na out of balance si Jessie. Hay buti nalang nasalo ko siya.
"We are all lucky." natatawa tawa namang sabi ni Cass.
"Coz we have each other." at pinakita ni Cassandra ang pinaka sincere niyang ngiti.
Nagising kaming dalawa ni Jessie sa sinabi niya. Minsan lang kasi siya magsabi ng ganyan. Napaiyak na rin si Jessie.
Lumapit kami kay Cassandra at niyakap namin siya.
"Ang OA! Nakakaasar kayo." saad ni Cassandra na medyo mangilid ngilid na rin ang luha sa mga mata niya.
She's right. We're all lucky as long as we have each other. As long as we stay together.
BINABASA MO ANG
ANYTHING FOR YOU
Teen FictionCompleted na po ito. Pasensya po sa mga typo at wrong grammar. Haha! Enjoy reading. Salamat :)