CHAPTER FOURTEEN

27 1 0
                                    

"W-wala sila dito! Nagsasabi ako ng totoo."

Pinuntahan ko yung klase nila Tracey. Binitawan ko na ang kwelyo ng isa sa mga blockmates nila.

"Pag dumating sila, pakisabi magpakita sakin. Namimiss ko na sila."

Umalis na ako doon. Hindi naman ako nanggulo. Nadala lang ng init ng ulo dahil nangaasar pa yung blockmate nila na yon kaya dinaan ko sa rahas yung pagtatanong.

Bumalik na ako sa room at umupo na. Napakaswerte nga naman ng mga yon. Buti naman at di sila pumasok ngayon. Kung nagkataon, baka parepareho kaming na-expel.

Wala na namang klase. Katamad. Sinalpak ko yung earphones ko kahit walang music na tumutugtog.

"Pumunta ka sa kabilang section?"

"Paki mo?" tipid kong sagot

Hinila niya yung earphones ko.

"Bastos ka talaga. Nakikinig yung tao e."

"Wala ngang music na tumutugtog."  sagot niya.

Tss. Bahala ka nga jan sa buhay mo.

"Sasama ka ba mamaya?" tanong na naman niya.

"Bakit mo ba ko kinakausap?" asar kong tanong. Hindi naman kami ganto dati e. Nakakapagtaka lang nigla bigla nalang siya nagsasalita tapos malalaman ko nalang na kinakausap niya pala ko.

"Sleepover kila Jessie." taliwas niyang sagot.

Sleepover kila Jessie? Bakit parang di ko alam yon? Ang akala ko, magbbar kami mamaya.

"Caaassssyyy! Change plans tayo. Sleepover sa house ko. Tayotayo lang naman. Ininvite ko na ang tropa. Party party tayo mamayang gabi. Exciting diba?" mukha nga siyang excited.

"Excited ka lang kay Henry." tinakpan niya naman yung bibig ko.

"Wag kang masyadong maingay. Hihihi." Parang tanga. Tinanggal ko yung kamay niya sa bibig ko.

××

5pm. Nandito na kami ngayon kila Jessie. Buti nalang pinayagan ako ni Daddy at buti nakumbinsi ni Jessie si Daddy.

Nandito na kami nila Andrea,Henry,Francis at syempre si Jessie. Malamang sya may-ari ng bahay e.

Naghahanda kami ng mga kakainin para mamaya. Sila Andrea at Jessie, chinecheck yung mga kwarto at nagpplano kung sinusino ang makakatabi. Kami nila Henry at Francis nandito sa kusina. Nagluluto kami. I mean ako lang pala -_-

"Sorry Cassy ha. Wala kasi talaga kong alam sa ganto. Ang alam ko lang kasi napakagwapo ko. HAHAHAHA!"  tawa ka pa Henry

"Pano ba to? Iccut ko ba tong tomatoes in half?" isa pa tong si Francis.

"Umalis na nga kayo dito! Dun nalang kayo sa living room." pagtataboy ko. Mas lalong tatagal kapag tumulong pa sila.

Tuwangtuwa naman sila sa sinabi ko at umalis na sila. Hay nako naman.

Sinimulan ko ng maghanda ng kakainin namin. Mamaya nako magluluto ng pangdinner. Maaga pa naman. Gumawa nalang ako ng grahams at nagbake ng cupcakes.

Ang girly lang -_-

"Cassy! Wooooow. Cupcakes!" at kumuha na nga sila Andrea ng cupcake.

"Ang saraaaaaap! I'm so lucky may kaibigan ako na masarap magluto! - Jessie

"Masarap pa ko jan e." pagbibiro ko.

Nagkatinginan naman sila Andrea at Jessie at sinimulan akong kagatkagatin. Walanya talaga tong mga babaeng to e!

"Hindi ka naman ganon kasarap Casy! Hahahaha" - Andrea

at nagtawanan kami.

"Wala pa ba yung iba?" tanong ko sakanila habang inaayos yung mga ginamit ko. Walang katulong ngayon dito kila Jessie. Pinagdayoff muna niya. Wala din ang parents niya nasa ibang bansa kaya solong solo niya tong bahay.

"Si Daniel? Wala pa ata e. Miss mo na?" mapangasar na tonong sambit ni Andrea

"Gusto mo bang i-bake din kita?"

"Chill. Oh anjan na pala sila e." - Jessie

Napalingon ako. Oo nga andito na sila Daniel.

Kasama si Shann.

"Bakit nandito yan? Ininvite mo Jess?" bulong ni Andrea.Buti nalang tatlo lang kaming nandito ngayon sa kitchen.

Nagkibitbalikat nalang si Jessie. Mukhang di rin niya inexpect na nandito si Shann. Pero diba just like what she said nung huling paguusap namin. Girlfriend siya ni Daniel kaya kung nasan yon, andon din siya. Tss!

Nagtungo sila lahat dito sa kitchen.

"Hi.." Nakangiting bati ni Shann sa lahat. Tinignan ako ni Shann.

"Hi Cassy. Kamusta ka?" nakangiti padin siya.

Mapangasar yun ngiti at mga tingin niya. Ang sarap niyang bulagin. Ihampas ko kaya sakanya tong mga nililigpit ko?Nanahimik ang lahat. Hindi ko siya sinagot.

"Hey Shann. Are you invit---easdhdjskkl."

"Sarap diba?" nakangiti kong tanong kay Jessie. Gagawa na naman siya ng eksena. Alam ko na sasabihin niyan e. Kaya sinalpakan ko ng cupcake yung bibig niya.

"Cassy!" asar na sigaw ni Jessie.

Nginitian ko nalang siya ulit.

ANYTHING FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon