"Minahal ko si Shann. Ako ang nauna."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi muna ako nagbigay ng opinyon o kung anuman. Hinayaan ko lang siyang magkwento.
"High School palang kami ng makilala ko si Shann. Mukha siyang anghel noon. Nagustuhan ko rin yung pagiging mahinhin niya."
"Wala pa si Daniel noon dahil sa states siya nagaaral. Naging malapit kami ni Shann sa isa't isa hanggang sa nagkahulugan na kami ng loob."
"Hindi naging official ang relationship namin. MU. Malabong usapan. Hanggang sa dumating si Daniel." bakas ang lungkot sa mukha ni Charlie
"Hindi ko alam ang dahilan. Pero nging cold siya. Hanggang sa nalaman ko na sila na ni Daniel."
"Tinanggap ko yon kasi mas mabuti nang kay Daniel siya napunta kesa sa iba diba?"
"Ang ipinagtataka ko, hindi siya ngumingiti o tumatawa nang tulad samin dati. Ni hindi ko nga nabalitaan na nagaway sila ni Daniel. And after three years, ngayon dumating ka, nag-iba ang kilos niya. Napansin din yon ni Daniel. Inamin niya sakin yon."
"Naisip ko, Is it because she sees you as a threat? Or may iba pang dahilan?"
Ako? Threat? Sabagay. Sa ganda kong to imposibleng hindi mainlove sakin si Daniel. Niligtas niya nga ko nung Friday e.
What the? Cassandra ano bang sinasabi mo? -_-
"At nung gabing hindi kita nasundo, pinuntahan ko si Shann sa bahay nila."
Nanahimik na si Charlie. Nagdadalawang isip ulit siya kung itutuloy pa niya yung kwento.
"Wag mo kong bitinin. Sabihin mo na."
"I saw you-- I mean someone and Shann.Narinig ko silang nagtatalo tungkol sa isang bagay at narinig ko rin ang pangalan ni Daniel. At iyon ang kailangan ko pang alamin."
Nakaramdam ako ng kaba. Kinutuban ako. Naramdaman ko din yung ganitong pakiramdam nung araw na narinig ko si Shann na may kausap sa phone.
"Uhmm. May ginawa bang surprise si Shann para kay Daniel?"
Napakunot-noo naman si Charlie. "I thought you're interested but now you're changing the topic."
"Just answer it."
"Wala. Shann doesn't make surprises for Daniel simula pa nung naging sila."
Mas lalong lumakas ang kutob ko. Ano kayang binabalak ni Shann para kay Daniel? Ang gulo.

BINABASA MO ANG
ANYTHING FOR YOU
Teen FictionCompleted na po ito. Pasensya po sa mga typo at wrong grammar. Haha! Enjoy reading. Salamat :)