Chapter 3

674 29 1
                                    

Chapter 3:Fiancé

"Anne."

Napatigil ako sa pag-halungkat ko nang marinig ang pagtawag sa akin ni Cat. Marahan ang naging paglingon ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Namiss kita, sis." Natawa siya.

"Busy ka kasi kay Sir. 'Di ba, gusto mo siya?" pangangasar ko.

Bumakat ang inis sa mukha niya na ikinatawa ko.

Mas lalo lang gumaganda ang pakiramdam ko, gumagaan ang loob ko. Alam kong hanggang asar lang naman ang lahat nang ito dahil hindi niya naman talaga gusto si Sir. Mabuti na nga iyon.

Hindi sa pagiging selfish pero kasi... gusto ko si Sir at hindi ako papayag na mapunta pa siya sa iba.

"Hindi ko gusto 'yon. Hindi. Tapos."

Umirap siya kaya lalo akong natawa. Sa isip-isipan ko ay unti-unti akong ngumingisi. Mabuti nang nagkakalinawan kaming dalawa.

"Arden!"

Napatingin ako sa bigla niyang tinawag. Kumunot ang noo ko at sinilip iyong lalaking biglang lumapit sa amin. Gwapo siya. Kamukha niya si Sir. Kung hindi ako nagkakamali ay alam kong siya iyong tinutukoy nilang nakababatang kapatid ni Sir.

No wonder kung bakit siya nagugustuhan ng ibang estudyante. Napakalayo ng itsura niya sa edad niya. Mas mukha pa siyang mas matanda sa akin dahil napaka-matured ng itsura niya.

"Hi, Ate!"

Tumaas ang dalawang kilay ko at pinagmasdan silang mag-yakapan.

"This is Erianne. Erianne Veloso, my best friend," pakilala ni Cat.

Tumingin sa akin 'yong Arden habang nakangiti pa rin. Nanliit ang mga mata kong tumingin sa kaniya, sa labi niyang mayroong kakaibang ngiti. Ibig kong sabihin, maayos naman ang ngiti niya ngunit parang may ibang ibig sabihin iyon.

"You must be Arden Llaneza?"

Nakangiti itong tumango. Tumango rin ako at nag-alinlangan pa noong una ngunit sa huli ay inilahad ko na lang ang kamay ko. Nakangiti pa rin niyang tinanggap iyon. We shook hands.

"Nice to meet you, Ate."

Bahaw akong ngumiti.

"Where have you been?"

Nagbalik ako sa reyalidad nang bigla kong marinig ang boses ni Mom. Iniling ko ang ulo ko nang paulit-ulit at gulat silang nilingon. Naroon silang dalawa ni Dad sa couch.

Muling nanumbalik sa akin ang kaba at takot na naramdaman ko. Ngayong narito na sila mismo sa harapan ko ay mas lalong tumi-triple ang lahat nang iyon. Parang gusto ko nang tumakbo palayo sa kanila.

"K-Kanila Cat lang po." Napakamot ako sa ulo ko. "W-Welcome home!"

"Why are you stuttering? May ginawa ka na naman ba?"

Mabilis akong umiling at pinagsiklop ang mga kamay ko nang sobrang higpit. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang masamang tinitigan ako ni Mom. Kung hindi ako nagkakamali ay alam kong pinasasadahan niya na ako ng tingin, naghahanap ng mali sa akin kahit wala naman siyang makikita.

"Go to your room, magbihis ka at aalis tayo."

Kumunot ang noo ko ngunit agad ring napawi iyon nang pumasok sa isip ko ang pagmumukha ni DL Luarca. Anak ng kumare ni Mom na gusto niya pa yatang makatuluyan ko.

"Now!" sigaw nito kaya naman mabilis akong tumakbo paitaas.

Mabilis lamang ang ginawa kong pag-shower at pagbihis. Ayaw na ayaw ni Mom ang naghihintay kaya kailangan kong bilisan ang pagkilos ko. Mukhang alam ko na kung saan kami pupunta. The thought of going there makes me irritated.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon