Chapter 28

324 25 20
                                    

Chapter 28:The Kiss

Dumaan ang mga araw, natuloy kaming lahat sa Pangasinan. Bago 'yon ay dumaan muna kami sa resort para mag-relax bago tumungo sa town house nila. Maraming nangyari kagabi. Katulad ng nangyari sa California ay hinarang na naman ako ni Arden. Nagmamakaawa siya sa akin na kausapin ko siya pero nagmatigas ako. Gustuhin ko mang kausapin siya pero hindi ko na lang ginawa dahil alam kong mali. Isang sampal lang ang iginawad ko sa kaniya tsaka ako nagkulong sa kwarto, uminom at nagpakalasing. Sinamahan naman ako ni Catriona na naghihimutok dahil daw may kahalikan daw si Arvin. Hanggang sa umabot na ang pag aaway nila sa kwarto ko. Pagkatapos n'on ay natulog na ako dahil nagkaayos din naman sila agad nang malaman niyang hindi naman pala talaga hinalikan ni Arvin iyong babae.

May dala-dalang babae si Arden kahapon, ang sabi nang lahat ay girlfriend niya raw iyon pero wala akong mapansing sweetness o kung ano sa kanila kaya ayaw kong maniwala. Nasaktan ako sa nakita ko pero ayaw kong maniwala dahil kumakapit pa rin ako sa mga ipinakikita niya. Gusto niyang ayusin ang lahat sa amin kaya alam kong mahal niya pa rin ako, kaya nga ayaw ko ring maniwalang girlfriend niya iyon.

Inaasahan ko ang tawag ni Luthaire kagabi dahil marami-rami na rin akong maik-kwento sa kaniya pero wala. Ni text ay wala. Inintindi ko na lang 'yon dahil nga busy siya.

Ngayon, kasalukuyan kaming naglalakad ni Arvin at ni Keith. Naghahanap kasi kami ng pwedeng paglibangan. Nagpapahinga si Cat kaya ito na ang tamang oras para makapaghanap ng paglilibangan. Kapag may nahanap kami ay tsaka na lang namin gigisingin si Cat.

"Ang layo na ng nilalakad natin, wala pa rin?" reklamo ni Keith.

Nanatili naman akong tahimik at nakasunod sa kanilang dalawa.

Simula nang dumating kami kanina rito ay hindi na ako pinagpapapansin ni Arden. Mabuti na iyon. Nga pala, ini-uwi niya ang girlfriend niya kagabi kaya wala na siyang asungot na kasama ngayon. Ang hinihiling ko na lang ay hindi niya na ako kulitin ngayong wala na naman siyang kasamang babae niya.

"May nakikita na ako," ani Arvin.

Tiningnan naman namin ang itinuro niya.

"Iyan yata 'yong Hacienda Mercedez na tinutukoy ni Tita Italia kanina?" tanong ko.

Nabanggit iyon ni Tita Italia kanina. May isang malaking Hacienda raw doon. Hacienda Mercedez, at ang may ari nito ay ang tatay nina Matt at Lianna na sumakabilang buhay na.

"Iyan nga," sang-ayon ni Keith.

Mabilis namin iyong tinungo. Habang naglalakad kami patungo roon ay panay ang linga ko sa mga nadaraanan namin, pinagmamasdan ang ganda ng lugar.

"Horseback riding?" I asked.

Iginala ko ang paningin ko at napanguso. Nagkalat ang magaganda ngunit masama ang amoy na kabayo sa gilid at kasalukuyang silang kumakain ng damo.

"Ayos na 'to," nakangiting ani Arvin.

Bumalik kami sa mansion ng grandma't grandpa ni Cat. Hinayaan ko namang umakyat si Arvin para gisingin si Cat. Umupo ako sa couch at nanahimik.

"Tahimik mo," untag ni Keith.

Nagpilit lang ako ng ngiti tsaka ako tumungo. Bumuga ako ng hangin.

"Saan kayo pupunta?"

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ni Arden. Tiningala ko ang ulo ko sa kanila at nakita kong pababa na sina Cat at Arvin.

"Horseback riding. Tara, sama ka."

Kumunot ang noo ko.

"Sige." Ngumiti siya.

Lumundag ang puso ko nang makitang nilingon niya ako. Ang kaninang masaya niyang aura ay napalitan ng pagiging seryoso. Umiwas ako ng tingin at tumayo na.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon