Chapter 10

435 23 12
                                    

Chapter10:Deserve

"Are you ready? Let's go?"

Iyong mga nangyari noong nakaraan ay pinilit ko nang kalimutan. I focused on the present time. Iyon lamang ang tanging inisip ko. Lahat ng salitang narinig ko kay Mom, lahat ng sampal na natanggap ko, at lahat ng pamamaalam na ginawa sa akin ni Arden ay pinilit kong kalimutan, pinilit kong ibaon sa limot.

Maski ang mga nararamdaman ko para sa kaniya ay pilit ko na ring tinatanggal sa akin. Alam ko kasing nasa tabi ko na iyong taong gusto ko. Si Sir. Napag-usapan nang lahat na si Sir ang mananagot sa batang dinadala ko. Kaya pala gan'on ang mga sinabi sa akin ni Arden noon. Kaya pala sinabi niyang sabihin ko sa anak namin kung sino siya kasi alam niya na pala ang pina-plano nila ngunit hindi pa niya sinabi sa akin.

Masaya ako dahil sa wakas ay nandito na sa tabi ko si Sir. Masaya ako kasi hindi na siya kailan man aalis sa akin. He's now chained with me. Ilang buwan pa ay siya na ang kikilalaning ama ng anak kong dinadala ko ngayon. Nagbago ang plano ko nang malaman ang gusto nilang mangyari. Hindi ko na lang pala ibibigay kay Arden ang anak ko. Ngayong nandito naman na si Sir sa tabi ko, mas mabuting sa akin na lang din ang bata.

I witnessed how devastated and broken Cat was when she knew about their plan of me getting married to Sir. Nakita ko at hindi ko maitatangging nalulungkot din ako para sa kaibigan ko. Pero mas nananaig naman sa akin ang saya. Selfish na ako kung selfish but as long as I am happy, I'll just go with the flow. Ilang buwan din ay ikakasal na ako kay Sir kaya hindi na dapat magbago pa ang nararamdaman ko.

At last, magiging asawa ko na siya. It will be a dream come true, indeed.

Ngunit... kahit anong pilit kong sabihin na masaya ako, kahit anong pilit na pilitin ng isip ko na masaya ako, I realized that I was just fooling myself.

"Let's go," nakangiti kong anas.

Inalalayan niya ako patungo sa kotse niya. He even opened the door of his car for me to get in. How gentleman he is. Nang tuluyan akong makapasok sa loob ay sinuot ko agad ang seatbelt. Palihim akong nakangiti habang pinagmamasdan siya sa labas na umiikot patungo sa kabilang side ng kotse. Pagkapasok niya sa loob ay sa akin agad napunta ang tingin niya.

"Are you okay?" tanong niya.

"Yes." I smiled.

Tumango na lamang siya at tuluyan nang isinara ang pinto sa side niya. Nagsimula na siyang mag-maneho palabas sa gate namin kaya itinikom ko na ang bibig ko sabay sandal ng ulo ko sa bintana. I hummed, pinagmamasdan ang bawat bahay na nadaraanan namin. Palagi naman akong dumaraan dito ngunit ngayon ko lang napagmasdang talaga ang mga bahay-bahay rito.

"Uh." Nilingon ko siya. "I-Ikaw? Okay ka ba?"

Nilingon niya ako ngunit saglit lang iyon dahil muli niyang binalingan ang harapan namin.

"Do you want me to answer you honestly?"

"Yes, just don't fool me."

Isang buntong hininga muna ang pinakawalan niya sabay sabing, "No. Sa totoo lang, I'm not happy and I'm not okay. I already miss my baby. Damn. Alam mo ba 'yon? Hindi ko alam ang mararamdaman ko noong siya na ang tumutulak sa akin palayo."

I can sense pain in his voice. Napaiwas ako ng tingin.

"Same," pag-amin ko. "I'm also not happy. Pilit sinasabi ng isip ko na masaya ako kasi ikaw ang nasa tabi ko pero iba ang sinasabi ng puso ko. I miss your brother so much and I don't know why."

"You're in love with him, aren't you?"

"I guess?" Nagkibit-balikat ako.

Doon ay nasabi ko na ang totoong nararamdaman ko. Ayaw ko na kasing lokohin ang sarili ko. Kahit naman kasi hindi ko aminin, miss na miss ko na talaga si Arden. At sa totoo lang, kahit masaya ako kasi nandito si Sir, parang may kulang pa rin. Hindi ko mahanap 'yong mga nararamdaman ko kay Arden dito kay Sir.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon