Chapter 46

132 7 140
                                    

Chapter 46:Ariel, Prince Eric, and Ursula

"Happy birthday, Ari!"

Pagkapasok namin sa bahay nina Tita Janice ay naroon na sina Catriona, ang dalawang anak niya, at ang asawa niya. Naglalaro iyong kambal sa rug ng bagong laruan nila na kabibili lang ng mommy nila kahapon. Nabanggit niya kasi sa akin iyon kanina bago kami pumunta rito.

Nagwawala raw si Cazzie kahapon dahil gustong ipabili 'yong laruang nadaanan nila kaya napilitan siyang bilhin. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapatawa dahil inis na inis pa siya habang nagk-kwento. Naisip ko nga na mabuti ay hindi pa ganito si Arianne dahil maliit pa. Kaya lang, paano kapag unti-unti nang lumaki? Pero, ipinangako ko rin naman sa sarili ko noong hindi pa bumabalik dito si Arden na ibibigay ko sa kaniya lahat ng gusto niya para hindi niya maramdamang may kulang sa kaniya.

"Tomorrow pa 'yon," I corrected her.

"Yes, I know." Ngumisi si Cat.

"Mommy, it's my birthday tomorrow?" Inosente akong tinignan ng anak ko.

Mahina akong natawa at binaba ang sarili ko para maglebel kaming dalawa. Ginulo ko muna ang buhok niya na siyang ikinahagikhik niya.

"Yes, anak," I answered. "Are you excited?"

"Yes, Mommy! My wish last year just came true! I'm so excited, Mommy!"

Napatawa ako. "Yes, anak, your wish came true."

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin para sa isang yakap. Saglit lang akong napatawa at niyakap siya pabalik.

Arianne never failed to make me smile. She's really sweet and adorable. Noong wala si Arden, palagi niya akong hina-hug. Everytime I feel so down, siya ang nagc-comfort sa akin kahit hindi niya pa alam ang mga bagay-bagay sa mundo. She will always hug me, o 'di kaya ay hahalikan niya ako sa pisngi. Ganoon siya.

Ever since she came, hindi ko na naramdaman na mag-isa ako. I mean, I have my Mom and friends but I don't want to disturb their lives. Pero n'ong dumating si Arianne sa buhay ko, kahit mag-isa lang akong nagpalaki sa kaniya, hindi pa rin ako nagi-isa dahil nariyan siya. She changed my life into a better one.

Noong nawala si Arden, akala ko ay wala nang mangyayari sa buhay ko. I thought my life will be a boring one, papasok na lang sa trabaho para magtrabaho tapos uuwi sa condo. Ganoon ang akala ko... Pero, hindi. Iniwanan niya ako ng pinaka-magandang nangyari sa buhay ko at iyon ay si Arianne.

Si Arianne 'yong pinakamagandang nangyari sa buhay ko na hinding-hindi ko pinagsisisihang dumating...

"Hey."

Humiwalay kaming dalawa ng anak ko sa yakap nang marinig ang boses ni Arden. Narinig kong humiyaw ang anak ko nang makita si Arden. I took the chance to secretly wipe my tears before facing them with a small smile plastered on my lips.

"Hi, uhm, dumalaw lang kami rito para sa planning ng party niya," ani ko kay Arden at tinuro si Arianne na hindi na gustong humiwalay sa ama niya.

"It's okay, no problem. You can visit here anytime." He smiled a bit.

"Bait niyo naman pareho, ano 'yan, angel na kayong dalawa after what happened?"

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon