Chapter 23

336 24 30
                                    

Chapter 23:Type

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig?

Natatawa ako. Tawang-tawa ako. Sa sobrang tuwa ko, gusto ko na lang umiyak sa sakit at sama nang loob kay Arden.

Hindi pa rin ako makapaniwalang makakayang gawin 'to sa akin ni Arden. Lahat nang 'to. Ang sakit lang dahil tinanggap ko pa rin siya kahit pa sobra akong nasaktan dahil sa ginawa niya noong gabing sumawsaw siya sa iba. Tinanggap ko siya kahit sinaktan niya ako nang gabing 'yon. Tinanggap ko siya kasi mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Ayaw ko siyang iwan at hiwalayan dahil hindi ko maisip ang sarili ko na wala siya sa tabi ko. Ayaw ko siyang hiwalayan dahil siya na lamang ang mayroon ako.

Nangako siya sa akin, e. Nangako siya sa akin noon na ako lang at wala nang iba, nangako siya sa akin na hindi niya ako iiwan at ipagpapalit katulad ng ginawa sa akin ng tunay kong ina, nangako siya sa akin na pakakasalan niya pa ako at bubuo kami ng sariling pamilya... pero, bakit? Bakit unti-unting napapako ang kaniyang mga pangako? Bakit tila sumasama ito sa hangin na unti-unti nang naglalaho?

Akala ko kasi ay iba siya. Akala ko ay hindi niya rin gagawin sa akin 'yong bagay na takot na takot akong gawin sa akin. Pero, nagkamali ako. Nagkamali ako ng akala dahil pare-pareho lang sila.

Tama ba 'to? Tama ba 'tong nangyayari sa buhay ko? Wala na siya sa buhay ko... Tama ba 'yon? Makakaya ko ba? Magiging masaya ba ako?

"Anak, Erianne?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Hindi ako makapaniwalang narito ako ngayon sa harap niya. Sa harap ng taong inabanduna ako at ipinagpalit sa iba dahil lang napamahal na siya. Sabi ko, ayaw ko munang makasama siya dahil masakit pa pero, bakit heto ako ngayon? Nasa harapan niya at isang parang basang sisiw dahil sa kaiiyak?

Nahihiya ako sa sarili kong konsensya. Nahihiya naman sa akin ang pride na aking ibinaba, pero tsaka ko na muna iisipin iyon ngayon dahil siya lang ang mapupuntahan ko at wala nang iba.

"Babalik ka na rito? I mean, dito ka na titira?"

Wala akong ibang makita sa mga mata niya kung 'di excitement at tuwa dahil narito ako ngayon sa harapan niya. Ayaw ko mang sagutin ang tanong niya ngunit dahan-dahan na lamang akong tumango at nagpilit ng ngiti. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.

"Namiss kita, anak."

Tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sa akin at humiwalay sa yakap niya. Marahan akong tumango, walang ka-emo-emosyon na makikita sa mukha, hindi katulad niya na nagluluha na ang mga mata dahil sa tuwa.

"Bakit ngayon ka lang lumipat, anak? Napag-isipan mo na ba na dapat dito ka talaga?"

Ngumiti siya habang nakatingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nakikita kong kasiyahan sa mata at mukha niya ngayon. Habang ako, heto, nanlalamig kahit gustong-gusto nang bumuhos ng luha kong pilit na pinipigilan.

Kasalukuyan kaming nasa dining room at kumakain ako kasi hindi pa ako kumakain dahil nga umalis ako sa puder ni Arden.

"Hindi naman ako pupunta dito kung hindi kami naghiwalay ni Arden," sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "Naghiwalay kayo?"

Tumango ako. "Nakipaghiwalay siya. Niloko niya ako pero tinanggap ko pa rin siya. I stayed with him because I love him. Tapos sinabi ko lang ang desisyon kong aalis ako at hindi siya sasama dahil naga-aral siya, ayaw niya na. He broke up with me just because of that reason."

Napailing siya. "Hindi ko akalaking magagawa 'yon ng anak nila Janice."

"Hayaan na natin. Kahit masakit, tanggapin na lang." Nagkibit balikat ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. "Nga pala, aalis ako next month. Nakuha kasi ako n'ong isang chef d'on sa New York para sa T.V show niya. Baka palarin ako d'on."

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon