Chapter 9

352 22 9
                                    

Chapter 9:Last

"Kanino 'to?"

Dalawang salita lang naman ang lumabas sa bibig ni Tito ngunit libo-libong kaba na ang umakyat sa katawan ko. Daig ko pa ang isang kriminal na nasa korte. Nagkatinginan kaming pareho ni Cat, ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil pareho kaming napayuko. Katulad ng nakasanayan kong gawin, pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

Kahit hindi ko sila tingalaing lahat, alam kong lahat sila ay nasa amin ni Cat ang tingin. Masasama ang tingin sa amin ng mga matatanda habang gulo naman ang mga kaibigan namin. Tiningala ko nang kaunti ang mukha ko at sinulyapan si Arden. Nagkatagpo ang tingin naming dalawa, sa nakikita ko sa kaniya, alam kong kinakabahan din siya.

Sino bang hindi kakabahan? Ito na ang simula ng pagka-sira ng buhay naming dalawa.

"Uulitin ko ang tanong. Kanino 'to?"

Despite all of the judgements in their eyes, I bravely raised my hand that made my Mom gasp. Inangat ko ang tingin ko kay Mom, ang kanina na gulat niyang tingin ay napalitan ng galit nang magtagpo ang tingin namin.

"S-Sa akin 'yan, Mom," buong tapang kong pag-amin.

Para saan pa ang pagtatago kung hindi rin magtatagal ay malalaman rin nila? Tama nga sila, walang sikreto ang hindi nabubunyag. 'Yong kahit anong pilit mong itago, kahit anong pilit mong itikom ang bibig mo para kimkimin ang sikreto mo, darating at darating pa rin ang oras na kailangan mong harapin ang kalalabasan ng sikretong pilit mong tinatago. Unti-unti 'yang mangangamoy hanggang sa tuluyan na itong lumabas para bukadkadin ang sikreto.

"You're pregnant!?"

I flinched when she raised her voice. Dahan-dahan akong tumango, na ikinagulat din ng ibang narito. Lahat sila ay natigilan dahil sa biglang pag-amin ko.

"Who's the father?"

Sa pagkakataong iyon ay si Dad naman ang nagtanong. Kalmado kong binalingan si Arden. Inilingan ko siya dahilan para kumunot ang noo niya.

"W-Wala, iniwan ako," pagsisinungaling ko.

Nagsalungat ang kilay ni Arden at mariin akong inilingan. Kinagat ko ang ibabang labi ko at inilingan rin siya. Pareho kaming nagi-ilingan habang nakatingin sa isa't isa.

"What!? Napaka-disgrasyada-"

"N-No, Tita and Tito. It's me. I'm the father of the child that Erianne's carrying. I got her pregnant. I-I'm so sorry-"

"Arden!?"

Nagulat ako nang biglang inamin iyon ni Arden pagkatapos kong magsinungaling na iniwan ako ng ama ng bata. How could he? Iniligtas ko na nga siya, e! Hindi ko na nga siya idadamay pero bakit pa siya umamin!? Hindi man lang ba siya natatakot sa posibilidad na gawin sa kaniya ni Mom and Dad?

Hay naku!

Bahagyang nanlaki ang dalawang mata ko nang biglang napatayo ang lolo ni Arden, pagkatapos ay isang malakas na lagitik ang narinig ko. Napasapo sa bibig si Catriona na nasa tabi ko. Umiwas ako ng tingin, hindi na kinakaya ang mga nakikita ko.

"Napakabata mo pa, Arden Llaneza!" gigil na sigaw ng Lolo ni Arden.

Napatayo si Tita Janice para sana pigilan ang Lolo ni Arden ngunit napatakbo na lang din ako palapit nang mapahawak ito sa dibdib niya. Inatake ang Lolo ni Arden kaya nagka-gulo na kaming lahat. Tutulong pa sana ako sa kanila ngunit bigla akong hinila ni Mom sa pala-pulsuhan ko.

Napangiwi ako dahil sa higpit ng kapit niya. Hanggang makarating kami sa kwarto namin ay hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Sa tingin ko, once na binitawan niya iyon ay makikita ko ang pulang-pulang pala-pulsuhan ko. Sinara ni Mom ang pinto at patapon akong hinagis sa kama sabay bitaw sa akin. Naging dahilan iyon para mapaupo ako sa kama.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon