Chapter 17

303 22 14
                                    

Chapter 17:Pangarap

Mapakla akong natawa.

It's been five years. Ang hindi siguradong nararamdaman na isinugal ko noon ay hindi naman nakasira sa akin. Ito pa nga ang naging daan para ipagpatuloy ko ang pangarap ko.

Natatawa ako sa tuwing binabalikan ko ang mga alaalang nangyari noon. Hindi ako makapaniwala na na-survive ko 'yon noon. All the chaos and circumstances that I have faced. Hindi ko inaakalang magagawa ko pang makausad pagkatapos ng mga nangyari sa buhay ko noon. Nasira kuno ang buhay ko dahil sa pagbubuntis ko sa naging bunga ng unwanted one night stand namin ni Arden, ngunit 'di rin nagtagal ay nawala iyon dahil sa pagkakadulas ko sa restroom noon. Sumunod naman ang mga pangd-down sa akin ng inakala kong tunay kong pamilya which just turned out na Tita at Tito ko lang pala dapat.

Pero ang mga alaalang iyon ay hindi nakapagpatigil o naging harang sa akin para magpatuloy sa buhay at pangarap ko. Simula n'ong araw na umalis ako sa puder ng mga Veloso, wala akong ibang naramdaman kung 'di gaan sa pakiramdam. Daig ko pa ang binunutan ng malaking tinik sa ngala-ngala. Simula nang gabing 'yon, lahat nang masasakit na nangyari sa akin ay ibinaon ko na sa limot.

Pero, nakakatawa. Bakit kapag masakit ang alaala, palagi kang binabalikan kahit na anong pilit mo itong kalimutan? Pero, bakit naman kapag masaya, unti-unti na itong nabubura sa isipin mo kahit hindi sadya?

'Di bale. Ang importante naman ay magkasama na kami ngayon ni Arden. Nakakatuwa lang kasi noon ay inis na inis ako sa kaniya pero ngayon, palagi ko na siyang kasama. We're now living under the same roof. After I graduated College, natengga na lang ako.

Sina Cat ay nagpagawa na ng restau niya, si Thea naman ay naga-aral pa rin hanggang ngayon dahil gusto niya talagang maging Doktor. Si Keith naman, ang alam ko ay nagpapatayo na rin ng restau niya. Habang ako rito, hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa buhay kong patapon na.

"Mahal?"

"Yep?"

Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. Napapikit na lang ako nang tumama sa mata ko ang ilaw na nagmula sa camera niya. Bigla siyang humalakhak kaya idinilat ko ang mata ko. Nahiya ako bigla dahil doon sa shot.

Ang epic. Saktong pag-flash ay nakapikit ako. Mukha akong tanga kaya hinablot ko sa kaniya iyon at binura na labis niyang ikinatawa.

Narito kami ngayon sa Baguio. We actually need some fresh air dahil palagi na lang kaming nakakulong sa unit niya. Tinutulungan ko siya sa mga reviewers niya at pati na rin sa mga assignments niya na binigay ni Cassidy. Iyon kasi ang magiging key niya para sa exam kaya kahit pa wala naman talaga akong alam sa pagiging Engineer ay tinulungan ko pa rin siya.

Napagdesisyunan nga naming dito na lang mag-bakasyon. Next week kasi ay back to school na si Arden. Dadaan pa kami sa VEU dahil may entrance exam pa siya. Nakakapagod dahil kagagaling lang namin sa New York last week, ngayon naman bumiyahe kami rito sa Baguio, tapos next week naman, sa VEU na.

Ewan. But as long as siya naman ang kasama ko ay ayos lang.

"Umayos ka nga, Arden." Pabiro akong umirap.

"Hindi na, hindi na," natatawa niyang sabi.

Lumapit siya sa akin at iniharap ang camera sa amin. Inakbayan niya ako. Nag-peace sign at nag-smile ako tsaka niya ni-click ang camera. Nakailang shots muna kami bago kami tumigil.

"Arden, anong plano mo after mo sa school?" I asked out of the blue.

"Siyempre, pakakasalan kita."

Napataas ang isang kilay ko. Hindi yata joke 'yon dahil seryoso siya habang tinitignan ang picture namin doon sa camera. Mahina ko siyang hinampas sa braso dahilan para lingunin niya ako.

"Seryoso kasi," pigil-ngiting sabi ko at umiwas ng tingin.

I can now feel my cheeks beating red that's why I looked away. Ayaw kong isipin niyang masyado naman akong kinilig sa sabi niya kahit totoo naman.

Sa totoo lang ay wala pa naman sa isip ko iyong kasal na 'yon pero kung siya lang naman ang papakasalan ko ay baka kahit bukas na ay ayos lang sa akin. No charots. Ewan ko, ganito yata kapag masyadong in love, nagiging corny.

"Seryoso ako, mahal," ani Arden, seryoso nga ang mukha. "Kung pwede nga lang na pakasalan kita nang ngayon na ay gagawin ko, e pero masyado pa yatang maaga at tsaka gusto kong maabot mo muna ang mga pangarap mo bago kita itali sa akin."

"You're right, maaga pa." Bumuntong hininga ako. "I want to achieve my dreams first, at gusto ko ring maabot mo muna ang pangarap mo bago mo ako pakasalan. Ayaw kong maging harang para abutin mo ang dreams mo."

"Mahal, hindi ka kailan man magiging harang. You're my inspiration sa pag-abot ng dreams ko. Remember? I will marry you and after that, you will carry my child again for nine months."

Natawa ako. "Huwag muna ngayon, Arden. Ayaw kong masira ang pangarap mo."

"Same sayo, mahal. Ano bang plano mo?"

Napaisip ako pero 'di rin nagtagal ay nagkibit balikat ako. Bumuntong hininga ako.

"Until now, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sa totoo lang naiinggit na ako kina Cat dahil halos silang tatlo may mga ginagawa na sa buhay nila, tapos ako ito lang. But that doesn't mean na nakikipag-kompitensya ako sa kanila. Masaya nga ako para sa kanila, e. Tsaka I do believe na someday, makikita ko rin ang path na para sa akin."

"Do you want me to help you? Magtayo ng pastry shop, mahal?"

"L-Love..." Natawa ako at umiling. "Gusto kong magawa 'yon nang hindi gumagamit ng iba. Ayaw kong mag-depend kahit sayo pa. I want to stand on my own feet. Gusto kong makapag-build n'on without asking for help."

"Pero, mahal?"

"It's okay, Arden. Ang gusto ko lang gawin mo ay magtapos ka ng studies mo para maging Engineer ka na. Malapit na 'yon, 'di ba? Kaya dyan ka lang mag-focus para hindi masira ang dreams mo. Isa pa, ayaw kong masira ang dreams mo dahil lang sa akin."

"Erianne, 'di ba sinabi ko na sayo? You're my inspiration."

"Yes, I know. Pero may mga inspirasyon na napupunta sa pagiging sagabal, Arden. At ayaw kong mangyari na ako 'yong inspirasyon mo ngayon pero 'di magtatagal ay magiging sagabal para sayo," makahulugan kong sabi na ikinataka niya.

Nagtataka ang mukha niya pero hindi na ako sumagot atniyakap lamang siya.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon