Chapter 13

350 24 15
                                    

Chapter 13:It's True

"Sure ka ba talagang si Arden 'yon?"

Tumigil ako sa paglalakad at marahang nilingon si Keith. Naglalakad kasi kami ngayon patungo sa canteen para mag-lunch break. Kahit maski si Thea at Cat na kasabay namin ay tumigil din at kapwang nilingon si Keith. Ngayon ay nasa kaniya na ang atensyon naming tatlo.

"Anong ibig mong sabihin?"

Si Cat ang nagtanong nang mapansing hindi ako makasagot. Tama naman si Keith, wala akong sapat na ebidensya para sabihing si Arden nga ang 'AL' na iyon. Kahit pa mayroon akong dalawang card na may nakalagay na 'AL' na hawak, hindi pa rin sapat iyon dahil marami namang 'AL' ang initials sa mundong 'to.

Hindi ko na alam. Bwisit na admirer 'to, pinahihirapan ako. Bakit ba kasi hindi na lang siya magpakilala? Kung nahihiya siya, pigilan niya na lang. 'Wag siyang mahiya dahil ako lang naman 'to.

"I mean, duh!" Natawa siya. "Wala namang 'Arden Llaneza' na nakalagay doon sa card. Well, in fact, initials lang 'yon at napakaraming tao sa mundo ang may initials na 'AL'."

"May point," segunda ni Thea na sinamahan pa ng pag-tango.

Tumpok na tumpok iyon ni Thea, ngunit imbes na sumagot sa kaniya ay napabuntong hininga na lamang ako at umiwas ng tingin. Napansin iyon ni Cat pero hindi ko na nakita ang naging reaksyon niya.

Hanggang makarating kami sa isang table ay nanatili pa rin akong tahimik, wala nang balak na magsalita o kumibo pa.

Hindi naman sa nawalan ako ng gana o nainis dahil sa sinabi ni Keith, it's just that naiinis ako sa sarili ko dahil umasa ako. Tama nga naman kasi siya, hindi lang si Arden ang may initials na 'AL' at alam ko iyon pero mas pinili ko pa ring umasa kaya heto ako ngayon, nasasaktan dahil sa katotohanang natatanggap ko.

Nang mailagay nila Cat ang phone nila sa table ay nagpaalam silang dalawa ni Thea na pupunta sa counter, sila na kasi ang nag-reprisintang o-order ng food namin ngayong lunch.

"Uh, sorry doon sa tanong ko kanina, Anne, ha? I know that my question bothered you. Pero, look..." She paused a bit and looked at me with full of sincerity. "I didn't ask that to burst your bubbles. It's just that, I don't want you to get hurt, Anne. Kaibigan kita at masasaktan ako kapag nakikita kang nasasaktan."

Ngumiti ako at tumango. Naiintindihan ko naman siya, hindi ko lang talaga mapigilang hindi mainis sa sarili ko.

"Too much expectations can hurt you, Anne. Mas maiging itanong mo muna si Arden kung siya ba talaga iyon kaysa masaktan ka kung hindi siya iyon."

"Tatanungin ko?" gulat kong tanong.

"Oo."

Gaya ng sinabi ni Keith, nang mag-uwian ay pumunta ako sa unit ni Arden. Kasalukuyan akong nasa parking ngayon, hinihintay ang kotse niyang dumating. Hindi rin nagtagal ay nakita ko na ang kulay puti nitong kotse na papasok na ngayon. Sinalubong ko iyon kaya nagulat siya nang lumabas siya mula sa kotse.

"What are you doing here?"

"C-Can we talk?"

Ilang minuto pa ang lumipas at muli kong natagpuan ang sarili ko sa kama ni Arden. Nakaupo ako roon habang nakatayo naman siya sa harap ko, gulong-gulong nakatingin sa akin.

"M-May isang tanong lang ako."

"What?"

To be honest, matapos ang isang linggong hindi ko siya nakita o nakasalubong man lang ay magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko siya na-miss. I missed his voice, I missed his face, I missed him. I missed everything about him.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon