Chapter 6

468 28 4
                                    

Chapter 6:Gusto

Weeks have passed since that incident happened. Mas minabuti kong hindi na lamang balikan si Lucas, hindi na rin ako nag-abalang magsumbong pa. Instead, I just chose to forget it. Hinayaan, pinalampas, at kinalimutan ko na lang iyon.

Hanggang ngayon, wala pa ring nangyayaring kakaiba sa pagitan namin ni Arden pero okay naman na kami. He saved me from that monster. He saved me from Lucas. I thanked him for that. Kasi, alam kong kapag hindi pa siya dumating ay baka sa kung saan na lang ako pulutin dahil sa dumi. I don't want to make the same mistake that I did before. Ayaw ko na...

Tama na itong mga nararanasan ko ngayon, ayaw ko nang dagdagan pa. Dahil sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko. I'm so down, pakiramdam ko ay napakadumi ko.

"Pupunta raw tayo sa Baguio next week."

Ilan lamang salita ang binigkas niya ngunit libo-libong kaba na agad ang naramdaman ko. Naga-alala akong yumuko para tignan ang tiyan ko. Bumuntong hininga ako at dahan-dahang hinaplos ang tiyan ko.

Isa pa kasi iyan sa mga ikinababahala ko these past few days. Ito na yata ang pinaka-nakakakabang gagawin ko sa buong buhay ko. Mas nakakakaba pa ito kaysa sa mag-defend ng thesis. Ang daming tanong ang nabubuo sa isip ko. Napakaraming tanong na kahit isa ay wala akong makalap na sagot. Iyong para bang pilit ipinagdadamot ng tadhana ang kasagutan kaya hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong mangapa ng sagot na pilit kong hinahanap. Daig ko pa ang isang taong naghahanap ng bagay sa dilim. Kahit papaano kasi ay may makakapa pa rin siya, pero ako? Anong nakakapa ko? Wala. Wala akong makapa.

"Arden." Nilingon ko siya sabay buntong hininga. "Paano na?"

"Anong paano na?" kuryoso niyang tanong.

Mapakla akong natawa, hindi makapaniwala sa naging sagot niya.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Wala siyang plano. Wala siyang gagawin. Talagang hihintayin niya na lang na malaman nang lahat na may nangyari sa amin at dala-dala ko ngayon sa sinapupunan ko ang anak niya. Mabuti sana kung buhay niya lang ang masisira dito, e. Pero hindi, damay ang buhay ko. Masisira ang buhay ko.

Dahil sa nangyaring 'to, baka hindi ko na alam kung saan ako pulutin kapag ipinatapon ako ng mga magulang ko. Paniguradong itatakwil nila ako, pagsisisihang naging anak nila ako, mad-dismayado sila dahil sinira ko ang buhay ko. Iyon naman talaga ang madalas nilang gawin. Ang ipamukha sa akin kung gaano ako ka-walang kwentang anak... Tao to be exact.

I was never enough for them. Kahit kailan, hindi nila ako makita bilang anak nila. Puro mali ko na lang palagi ang nakikita nila. They're blind. Or just playing blind? I don't know. They don't see my worth... or they can see but still chose to be blind? Hindi ko ulit alam.

Pero kahit ganoon... Umaasa ako. Umaasa ako na kahit katingting ay mahal nila ako. Gaya ng pagmamahal ko sa kanila bilang magulang ko. Sana mahalin rin nila ako kagaya ng pagmamahal ng ibang magulang sa kanilang anak.

"Paano kapag nalaman nilang buntis ako at ikaw ang ama? Arden, ayaw kong makarinig ng kung ano sa parents ko. I don't want them to be disappointed." Umiling ako. A tear suddenly dropped out of my eyes. "Bakit mo kasi ako ginanito?"

Hindi ko pa rin maiwasang hindi mapatanong sa kaniya. Hindi ko pa rin maiwasang hindi maiyak sa tuwing naaalala ko 'yong gabing binabanggit namin ang pangalan ng isa't isa sa gitna ng kama. Kahit pa okay na kaming dalawa, napapatanong pa rin ako sa kaniya. I still have doubts.

"Mahal, please, stop uttering those words na parang ako pa ang may kasalanan. Pareho naman nating ginusto 'yon."

"Pero, hindi ko ginustong mabuntis ako." My voice cracked. "W-We didn't use any protection..."

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon