Chapter 22

343 25 30
                                    

Chapter 22:Tama na, Tigilan Na.

"Wala akong pasok bukas. Where do you want to go?"

Hindi ko siya inimik at pinagpatuloy lang ang pagdudutdot ko sa phone ko.

"Mahal..."

Saglit ko lamang siyang nilingon dahil muli kong ibinalik ang paningin ko sa phone ko. I did everything just for him to notice that I'm still upset because of what he did.

"Mahal naman, e..."

Hinawakan niya ang mga braso ko pero ini-iwas ko ito. Ngayon, nandidiri na akong magpahawak kay Arden. Kahit saang parte pa. Simula nang gabing 'yon, wala na akong ibang maramdaman para kay Arden kung 'di sakit, galit, at pandidiri.

Puro sakit at galit ang naging dulot ng mga ginawa niya sa akin. Hindi ko alam, hindi ko na siya kilala. Parang nagbago ang paningin ko sa kaniya simula nang gabing 'yon. He's now a monster. Hindi ko na siya makilala. Nagbago siya simula nang gabing 'yon.

Wala akong ibang tanong sa isip. Ano bang ginawa sa kaniya ng mga kaibigan niya? Bakit niya ako ginanito? Bakit niya nagawa sa akin 'yon? I thought he loves me? He freaking promised me! Pinangako niya sa aking ako lang dahil ipinangako ko rin sa kaniyang siya lang. Pero, bakit nangyari ang lahat nang ito? Kahit pa sabihing tumutol siya at naalala niya ako, ginawa niya pa ring makipag-halikan doon sa Shaigne na 'yon. Naroon pa rin siya, hinalikan pa rin niya. That's still cheating even though he remembered me. Kasi una palang sana, pinigilan niya na ang mangyayari. Sana hindi siya nagpadala sa mga kaibigan niya kung talagang mahal niya ako.

"Mahal, sorry na."

Hinarap ko siya nang walang ka-emo-emosyon. "You broke me for the very first time, Arden. Hindi ko aakalain na kaya mong gawin sa 'kin 'yon. Ano bang gusto mong gawin ko? Lahat naman ibinigay ko sayo tapos maghahanap ka pa ng iba?"

Tinanggal niya ang unan na nakaharang sa aming dalawa at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mga pisngi ko pero napaiwas agad ako. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa akin at umusog nang kaunti. Kunot noo siyang tinignan ang bawat kilos ko.

"That's why I'm saying sorry. Sorry kung nagsinungaling ako sayo. Sorry kung ginawa ko 'yon. Dare kasi sa akin 'yon nina Anthony na halikan si Shaigne. I was hesitant at first, but they forced me. Hindi ko talaga kinaya. Sorry na, mahal. Hindi na mauulit." Itinaas niya ang kanang kamay niya pero umiling ako. "Pinagsisisihan ko 'yon... Sobra. I don't want to lose you, Anne."

Dare? Damn!

"Hindi mo man lang ba naisip? Bakit ka pumayag sa dare na 'yon? Arden, you have a girlfriend! In the first place, sana hindi ka na pumayag. Sana iniwan mo sila. Pero, hindi. Duwag ka bang mawala sila kaysa sa akin? Bakit? Ano bang gusto mo? Ganito ba?!"

Tumayo ako at umupo sa kandungan niya. Hinila ko ang kwelyo niya at hinalikan siya na labis niyang ikinagulat.

"Damn, Arden! Gagawin ko lahat 'wag mo lang ako iwan at ipagpalit! Lahat gagawin ko!" inis kong sambit at pilit na inihaharap ang mukha niya dahil iniiiwas niya ito sa akin. "Humarap ka!"

Nang humarap siya ay agad ko siyang siniil ng halik.

"Ito ang gusto mo, 'di ba?"

Hinawakan ko ang laylayan ng shirt niya at huhubarin na sana ngunit pinigilan niya ako. Nagulat ako nang bigla niyang hawiin ang dalawang kamay ko sa kaniya.

"I said I'm sorry!" inis na sigaw niya. Natahimik naman ako. "Hindi mo kailangang gawin lahat nang 'to, Erianne! Mahal kita! Mahal na mahal kita!"

Nag-init ang sulok ng mga mata ko na siguro ay kaunting oras na lang ay muling maglalabasan ang mga luha sa mata ko.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon