Chapter 42

181 12 166
                                    

Chapter 42:Pursue

"So, ano? Ano nang ginawa mo?" Catriona asked as she feed her twins.

"I gave him the last chance that he's asking for," sagot ko, nasa mga bata ang paningin.

"Oh..." Namilog ang mata at bibig niya. "So, hindi pala kayo nagka-balikang dalawa? I thought you and Arden are in a relationship again. Akala ko sobrang rupok mo na, e."

Humalakhak siya sa huling linya niya pero hindi ako tumawa. Iyong reaksyon ng mukha ko, parang problemadong-problemado na parang pasan-pasan ko ang lahat ng problema ko rito sa mundo.

Ewan ko ba, simula nang dumating dito si Arden ay parang dumami ang lahat nang iniisip ko. Bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari noong mga nakaraang taon. Pakiramdam ko ay naging problemado ako kahit wala naman talaga akong dapat na problemahin. Hindi ko nga rin alam kung bakit namo-mroblema ako rito, e, sinabi ko naman sa sarili ko noon na kapag bumalik siya ay wala na akong aaksayahin pa at babalikan siya.

Pero, hindi naman kasi dapat magpa-dalos-dalos, hindi ba? Kailangan kong pag-isipan nang mabuti itong magiging desisyon ko. In order to protect my heart, I should think first before deciding. Kaya nga ganito na ang nangyayari sa akin, e. Parang napaka-unti na lang ng tsansa na makikita nila akong tumawa.

"Hindi..." Umiling ako. "I still have doubts."

"What do you mean?" She creased her forehead. "Are you doubting kasi akala mo lolokohin ka ulit niya?"

"I guess?" I shrugged my shoulders. "What do you think?"

Maski siya ay napa-kibit balikat din. "So, what's your plan? Alam ko namang hindi mo rin ipagkakait si Arianne kay Arden kasi anak niya rin naman 'yon."

"Hindi nga." I shook my head. "Actually, pumunta siya sa condo kagabi. Binigyan niya ng mga regalo si Arianne. Humingi rin siya ng chance sa akin, gusto niya raw na patunayan ang sarili niya sa akin."

Namilog ang mga mata niya. "Really? E 'di ayon naman pala, e. So, dahil nga binigyan mo siya ng chance, does that mean na 'manliligaw' siya sayo?"

I shrugged. "I don't think so."

Sinulyapan ko ang anak kong nasa tabi ng mga anak ni Cat na kambal. Tahimik siyang kumakain habang nakikinood ng cartoon sa Kuya Cavin at Ate Cazzie niya.

Magsasalita sana si Cat nang biglang magsalita si Cavin.

"Mommy, Tita, what's 'manliligaw'?"

"Cavin." Pinanlakihan siya ng mga mata ni Cat. "What did I tell you before, huh? Sabi ko, 'di ba, 'wag makiki-sali sa usapan ng adults?"

"Sorry, Mommy," nakangusong ani Cavin.

Tipid akong natawa dahil sa ka-cute-an nila.

"Ang bata-bata mo pa, chismoso ka na, ha," naiiling na sambit ni Cat at muli akong binalingan. "Speaking of..."

Napalingon ako sa likuran ko nang biglang may inginuso si Cat. Napalunok na lang ako nang makitang si Arden iyon.

Sa akin agad dumapo ang mga mata niya, nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya. I just smiled a bit and turned my glance on Cat.

"Hey, Ate Cat. Where's Kuya?"

Lumapit siya sa kinaroroonan namin, napa-urong pa ako nang tumabi siya sa akin. Pakiramdam ko ay natu-tuod ako sa kinatatayuan ko dahil sa kaba ko lalo't ramdam na ramdam ko ang presensya niya.

"He's upstairs. Why?"

"Wala. I just visited to see my daughter."

"Oh. There she is." Inginuso ni Cat si Arianne na tahimik na nanonood, mukhang hindi napansin ang Daddy niya.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon