Chapter 29

317 22 32
                                    

Chapter 29:Truth Or Dare

"Welcome to the Philippines!" I laughed and spread my arms wide.

This time, masaya ako na natuloy si Luthaire sa pag-uwi rito sa Pinas para sa muling pagkikita naming dalawa. I'm glad to see him again. Para kasing hindi enough 'yong pagu-usap namin through phone calls and face time. I guess, our friendship became stronger for me ever since nagkwento ako sa kaniya tungkol ng mga pangyayari rito sa Pinas nang muling maglandas ang daan namin ni Arden.

He became my living handkerchief. We're miles away, pero hindi 'yon naging hadlang para hindi niya mapabuti ang pakiramdam ko. Kung tutuusin, sa pamamagitan lang ng pakikinig sa akin habang inilalabas ko ang mga hinaing ko ay nakapagpapagaan na ng loob ko.

"Thank you, Ms. Veloso," biro niya at kumindat sa akin.

"So... How's the Philippines' air?"

He chuckled. "Pretty good and breathable."

Pareho kaming natawang dalawa dahil sa naging sagot niya. Matapos n'on ay inaya ko na siyang kumain dahil nakagugutom ang ilang oras kong paghihintay sa kaniya rito sa airport. Tanging ako lang kasi ang sumundo sa kaniya lalo at hindi alam ng ibang kamag-anak niya sa Parsia na umuwi na siya rito sa Pinas. Uuwi naman siya roon, malalaman din nila.

"I guess, mahihirapan akong mag-drive from Parsia to Manila. That will be a very long ride."

"Bakit hindi ka mag-hotel?" I asked while slicing my steak.

He shrugged his shoulders. "Where do you think I can stay?"

Napaisip ako sa naging sagot niya.

Masyado siyang mahihirapan kung magpapabalik-balik siya sa Parsia to Manila at Manila to Parsia. Masyadong hassle mag-drive, may gas pa. Marami naman siyang pera kaso nakakapagod din 'yon. Mas mabuting mag-hotel na lang siya rito sa Manila or 'di kaya mag-condo. Depende naman sa kaniya. Pwede rin naman siya sa amin, ang alam ko ay may vacant na room pa sa upper floor.

Yesterday, I bought a condominium unit. Si Mom ang nagbayad n'on, tumanggi ako n'ong una pero talagang pinilit niya ako na tanggapin na lang. Nabanggit ko kasi sa kaniya 'yon noong nakaraang linggo. Sabi kong gusto kong bumili ng unit at d'on muna tumira habang kaso wala pa akong pera kaya pag-iipunan ko muna. Sabi niya namang siya na ang magbabayad kaya wala akong nagawa. Dadalaw-dalawin ko na lang siya tuwing Linggo, pumayag naman siya n'on. Tsaka na lang siguro ako babalik sa kaniya kapag ayos na talaga ang lahat.

Bakit hindi ko na lang i-offer ang vacant room ko sa condo ko? Pwede naman. Hindi naman kami mags-share ng room since there's still a vacant room in my condo unit. Good idea.

"'Wag ka na lang tumuloy sa hotel." Kumunot lalo ang noo niya at magsasalita na sana kaso nauna ako. "Sa 'kin ka na lang tumuloy. One week ka lang naman dito sa Pinas, 'di ba?"

"Really? Would you mind?"

Umiling ako. "It's fine. We wouldn't share a room naman."

"I love that idea of yours." Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis.

Hindi na ako sumagot sa kaniya at ipinagpatuloy ang pag-kain ko habang ganoon din siya. We're both silent while eating our food.

As much as possible, hindi pwedeng makita ako ni Arden na kasama si Luthaire kahit pa wala namang kung ano sa pagitan namin ni Luthaire at wala ring dapat itago. Kaya lang, baka isipin niyang nagsinungaling talaga ako noong naroon kami sa Pangasinan nang nakita niyang tumawag sa akin si Luthaire. He even accused me that I'm in a relationship with Luthaire, kaya kung makikita niya kami ay iisipin niyang nagsinungaling ako. Ayaw ko namang ganoon ang maging tingin niya sa akin dahil ayaw kong isipin niyang ginawa ko rin ang ginawa niyang pagsisinungaling. I don't want him to accuse me things that I won't even do.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon