Chapter 24

324 23 20
                                    

Chapter 24:Immaturity

"Oo na, teka, mags-sapatos lang ako. Papunta na kasi ako sa studio para d'on sa live cooking show ni Mr. Melendez," kwento ko at kinuha ang sapatos ko na nasa lalagyan nito.

Umupo ako sa kama at ini-ipit ang phone ko sa balikat ko. Yumuko ako at sinuot na ang sapatos ko.

"Goodluck, Erianne. May judges ba? Sorry, ha. Hindi ko mapapanood, busy kasi ako lalo't ang dami kong ginagawa rito sa restau."

I laughed. "Ano ka ba? Ayos lang 'yon. Ako nga hindi nakapunta n'ong opening ng restau mo, e. Tsaka pare-pareho naman tayong busy," sagot ko at kinuha na ang phone ko mula sa balikat nang matapos isuot ang sapatos.

Tumayo ako at kinuha ang sling bag ko sa ibabaw ng kama. Pagkasukbit ko n'on sa balikat ko ay pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin.

"Tsaka hindi ko alam kung may judges ba o ano. Bahala na. Pero sa tingin ko, meron naman?"

Nagkibit-balikat ako kahit alam kong hindi niya kita iyon. Nang matapos kong pagmasdan ang sarili ko ay pinatay ko na lahat nang pwedeng patayin dito sa room ko at lumabas na. Nilock ko muna ang pinto tsaka ako naglakad patungo sa lift.

"O, sige. Basta balitaan mo ako sa mga nangyari, ha?"

Nang makapasok ako sa lift ay muntikan na akong atakihin sa puso dahil bumungad sa akin iyong elevator girl. Mukhang nagulat din siya sa dahil sa naging reaksyon. Napakamot na lang ako sa noo ko at nginitian siya na agad niya ring sinuklian.

"Oo, sige. Bye, Cat. Take care."

"You, too. Good luck and have fun!"

Pinatay ko na ang tawag niya at bumuntong hininga.

Napagdesisyunan ko kasing makipag-communicate kay Cat dahil wala naman akong makausap dito sa New York. Ayaw ko namang mabaliw at kausapin na lang ang sarili ko. Pero kahit gan'on, naka-deact pa rin lahat ng account ko. Tanging si Cat lang talaga ang kinausap ko. Tsaka hindi ko naman alam kung gaano ang katagal ang stay ko rito, e. Bahala na.

Nang makababa ako ay agad akong pumara ng taxi.

Maya maya pa ay narating ko na ang studio ni Mr. Melendez. Sinalubong niya ako ng malaking ngiti at tuwang-tuwa siya nang makita ako.

"Let's go. The stylists are waiting for you," he announced as he held my hand to guide me.

Noong una ay napalunok ako at marahang ibinaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Halos mabulunan pa ako sa sariling laway ngunit hinayaan ko na lang. Umiwas ako ng tingin as we entered a small hallway that led us to the backstage.

"After a couple of minutes, the show will start. The guest will arrive at exactly six-fifty," aniya at ngumiti si akin.

Inilapag ko ang bag ko sa maliit na couch na nandito at ngumiti sa kaniya nang harapin. "Who's the guest?"

So, hindi pala judge kung 'di guest?

"The trending supermodel here in New York. She's been modeling here for almost three years and she's a Filipina like you. I've seen her many times."

Napangiti ako. Filipina rin daw!

"She endorses ten brands here in New York, she's also a part of a well-known modeling agency," dagdag niya pa.

"Nice to know that." Ngumiti ako.

Nagpaalam siya na sasagutin lang muna ang tawag niya at umupo na naman ako sa harap ng salamin.

Nagsimula na sa pag-aayos sa akin ang mga stylist na kinuha ni Mr. Melendez. Panay ang kwento nila sa akin tungkol d'on sa supermodel na guest ngayon. Kine-kwento nila kung paano nila iniidolo ang modelong iyon lalong-lalo na sa favorite brands daw nila. Tahimik lang akong nakikinig sa mga kwento nila, minsa'y napapangiti o napatatango.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon