Chapter 50

87 4 103
                                    

Chapter 50:Family

Hindi ko inaakala na tototohanin ni Arden 'yong sinabi niya sa akin noong naglilinis kami ng condo. Akala ko ay nagbibiro lang siya, ngunit hindi pala dahil sa mga sumunod na buwan ay natagpuan ko na lang kaming dalawa na inaasikaso ang mga papel ni Arianne at maski ang mga papel na kakailanganin ko. Mabilis lang kaming nakapagawa ng passport ni Arianne at mabilis lang din naming nakuha ang visa para sa flight namin patungong France.

After two to three months, here we are.

"Welcome to France, baby," may ngisi sa labing ani Arden kay Arianne.

"Where are we, Daddy?" nakangiting tanong ni Arianne.

"I studied here before, anak." Arden smiled.

I smiled, too. May bigla akong naalalang sinabi ni Arden, pero hindi ko inaakala na ako 'yon.

Dapat ay kasama namin sina Tita Janice at Tito Jackson dito gayong wala naman silang kasama sa house, pero sila na ang kusang um-ayaw dahil may mga inaasikaso raw sila. Sina Cat naman ay hindi rin pwedeng makaalis dahil walang maiiwan sa restau niya at may trabaho pa si Arvin. Isa pa, malapit na ang pagpasok ng kambal nila kaya hindi na sila pwedeng umalis pa. Kaya kaming tatlo na lamang ang umalis patungo rito sa France.

But I think, it's much better, so that we can have a bond as a family. Para rin maranasan ni Arianne ang makalayo-layo, dahil simula nang ipanganak ko siya ay hindi na siya nakalayo sa Manila. We never travelled ever since. Kung iba-bonding ko naman ang anak ko, sa malls and parks lang kami pumupunta. Noon namang nakilala niya na si Arden, sa mall lang din kami pumupunta at sa bahay nila Tita Janice dahil gusto ring pumunta roon ni Arianne para makipaglaro sa mga pinsan niya sa tuwing nandoon sina Cat para bumisita.

Kaya nga ngayong narito kami, ang sayang makita ng mga ngiti ni Arianne. Kung ako lang ang nasa posisyon ni Arianne, malamang ay matutuwa at sasaya ako dahil buo ang pamilya ko. Hindi nakasama ni Arianne nang tatlong taon ang daddy niya kaya alam kong natutuwa siya na narito kami ngayon bilang isang pamilya.

Sa totoo lang, hindi ko inaakala na mangyayari pa 'to. Noong kaming dalawa pa lang ni Arianne, hindi ko naman inaasahan na makakasama ko pa si Arden, hindi ko rin inaakalang makikilala pa ni Arianne si Arden na daddy niya. Sa totoo lang, simula n'ong nalaman ko na dumating na si Arden, kinabahan ako at hindi alam ang gagawin. Nagdalawang isip ako kung ipapaalam ko ba kay Arden na may anak siya sa akin. Pero, wala, hindi ko na nakayang itago sa kaniya kaya nang gabing iyon ay nasabi ko.

Tsaka, hindi ko naman alam na maghihintay din pala si Arden sa akin. Ang inaakala ko ay may makilala siya roon at iyon na ang makakasama niya—pero taliwas 'yon sa inaakala ko.

We really don't know what the future holds. May mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari. Minsan, maganda at minsan ay hindi maganda para sa atin. Pero, nasa atin na 'yon kung paano natin tatanggapin at ih-handle. Siguro, kung hindi nangyari 'yong gusto mong mangyari, malamang sa malamang ay mas magandang bagay 'yong nakatakdang mangyari.

I'm glad that despite of our past and mistakes, we can still hold each other with the new and better version of ourselves. Hindi kami perfect ni Arden, maraming nangyaring mali, pero sisiguraduhin namin ngayon na lahat ng mangyayari sa amin ay pagi-isipan na nang mabuti para hindi na pagsisihan pa at mapunta sa mali. Hindi na kasi kami pwedeng magpadalos-dalos, lalo at may bata na kaming kasama na hindi lang basta-basta bata dahil sariling amin na. Lahat nang 'yon ay natutunan ko dahil sa relasyon namin noon at sa paghihiwalay na rin.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon