Chapter 15

350 20 13
                                    

Chapter 15:Worthless

"Alam mo, nakapagtataka pa rin 'yong secret admirer ni Anne, e."

Napahalakhak si Cat nang sabihin iyon. Hindi naman ako umimik at pinakinggan lamang silang magkwentuhan.

"Grabe 'yon, sis. Sabihan ba naman si Anne nang gan'on." Umirap si Keith. "Not even beautiful and hot? Yuck. He's not even that handsome, matalino lang naman siya."

"True. Kamukha niya 'yong talampakan ni ano."

At naghalakhakan sila. Nailing na lang ako dahil sa mga sinasabi nilang hindi maganda sa tao. Kahit naman ganoon ang ginawa sa akin ni Blyke, parang hindi naman yata tamang gawin rin nila kay Blyke ang ginawa sa akin.

After all, mas gugustuhin ko pang manahimik na lang kaysa sa gumanti.

"Guys, stop face shaming," suway ko.

"E 'di wow! Akala ko mabait na si Keith pero bakit parang mas mabait ka yata ngayon?" Cat mocked. "Girl, I do believe in the saying na, 'lintik lang ang walang ganti'."

Naghalakhakan silang muli kaya umiling na lang ako at nangalumbabang pinagmamasdan ang paligid. Hinayaan ko lang silang mag-kwentuhan at sabihan ng kung ano-ano si Blyke. Pagkapasok ko sa tainga ko ng mga iyon ay inilalabas ko na lamang sa kabila.

Narito kami ngayon nina Cat at Keith sa field. Dahil walang klase ngayon at naghahanda ang lahat dahil foundation day, imbes na sumali o tumulong sa mga booths ay tumambay na lang kami rito sa field. Wala si Thea ngayon dahil may ginagawang report. Naniniwala kasi siya sa, "Due today, do today".

Natahimik ako lalo nang biglang pumasok sa isip ko ang narinig kong usapan nina Mom and Dad kahapon. Out of nowhere, bigla na lang itong pumasok sa isip ko.

Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggal sa isip ko ang mga narinig ko kahapon. Ang sakit lang isipin na pagkatapos ng lahat nang ginawa ko ay ganoon pa rin ang tingin nila sa akin. Walang kwenta, useless. Pumayag na nga akong i-arrange nila ako kay Lucas tapos malalaman kong ginawa lang pala nila iyon para may makuha kami sa Luarca?

Tapos anong sunod? Si Sir na balak pa nilang perahan noong nabuntis ako ni Arden? Sinong sunod? Ang mga Cansino naman? 'Yong totoo? Ano ba kasing balak nila sa akin? Para nila akong ibinibenta para lang makakuha sila ng pera na ipangbabayad nila sa utang ng kumpanya nila.

Lahat naman ginawa ko, sinunod ko naman ang mga inuutos nila kahit hindi ko kaya o ayaw kong gawin. Lahat naman ay ginawa ko para maging mabuting anak sa kanila tapos iyon pa rin pala ang tingin nila sa akin?

Ang sakit lang. Lalong masakit sa tuwing naiisip ko na sinasabi nila sa akin 'yon sa likuran ko. They're talking behind my back. Sila ang pamilya ko pero sila pa ang gumaganito sa akin. It sucks.

I feel useless and worthless at all.

"Anne, si Arden o, may kasamang sidechic."

I got back to my senses when Cat called me saying that my boyfriend is with his side chic. Hindi naman sa hindi ko pinaniniwalaan si Cat pero I want to make sure if it's true.

Sinundan ko ang tinuro niya at doon ko nga nakita si Arden na may kasamang babae. Iyon 'yong babaeng nakita ko sa unit niya n'on. I still haven't asked him about it dahil nakalimutan ko. Napasimangot ako kahit pa puro sakit at pagseselos na ang nararamdaman ko.

"Wews, kabit reveal!" gatong ni Keith.

Naghagalpakan silang dalawa nang tawa na siyang ikinasimangot ko lalo. Nagpasya silang lapitan si Arden at ang kasama nito kaya sumunod na lang ako sa kanila habang naka-krus ang dalawang braso at tahimik na nasa likuran nila.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon