Chapter 43

131 11 116
                                    

Chapter 43:Trying Hard

Kina-umagahan, pagkagising ko ay tanging kami na lang ni Arianne ang nasa kwarto. Wala na si Arden sa kabilang gilid ni Arianne kaya naisip kong baka pumasok siya o baka umalis na siya.

Nag-inat-inat muna ako bago ko napag-desisyunang tumayo na. Sinuot ko ang kulay puti kong tsinelas tsaka ako tumayo at tumungo sa bathroom ng kwarto. Naghilamos at nagsipilyo muna ako bago ako tumungo sa vanity mirror para kumuha ng suklay at suklayin ang mahabang buhok ko.

Napakatagal na palang hindi ako nakapag-pagupit ng buhok ko dahil hanggang baywang ko na iyon. Hindi pa kasi pumasok sa isip ko na pa-gupitan iyon, minsan ay nakalilimutan ko pa.

Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at lumabas na ng kwarto. Kumunot ang noo ko nang may mabango akong na-amoy, mukhang nanggagaling iyon sa kusina kaya doon ako tumungo.

"Good morning, Erianne."

I was stunned when I heard Arden's voice. Saglit lang akong natigilan dahil agad akong bumawi ng isang pilit na ngiti.

"G-Good morning," bawi ko.

"Come here, let's eat," aya niya. "Sorry, nangalkal ako ng pwedeng lutuin dito para pag-handaan kayo ng breakfast ni Arianne."

"U-Uh, it's okay." Tumango ako. "Ano ba 'yan?"

"I made some pancakes and eggs. May bacon din kasi nakita ko mayroon," tugon niya habang busy sa kung ano mang ginagawa niya sa stove. "Ano pala ang breakfast ni Arianne?"

Lumapit ako sa cabinet na nasa likuran niya at kinuha doon ang breakfast ni Arianne na Cerelac. Ibinaba ko iyon sa counter at kumuha ng bowl para i-timpla iyon doon.

"Pinakakain mo ba siya ng solid foods?" he asked.

"Of course. Three years old na 'yan, kaya niya na, kaya nga lang ay kaunti-unti muna," sagot ko, busy sa paglalagay ng Cerelac sa bowl.

Tumabi siya sa akin, ramdam na ramdam ko ang presensya niya kaya medyo nailang ako. Hindi ako makagalaw nang maayos lalo na nang marinig ko siyang mahinang natawa.

"Anne, I have a question."

"Ano 'yon?" Hindi ko siya nilingon.

I heard him clear his throat first before asking me the question that he wanted me to ask. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may anak tayo? Palagi akong tumatawag kina Kuya at Ate Cat, hindi nga kita nakikita sa video call kahit pa kumpleto naman sila."

Nabitin sa ere ang kutsarang ipinangsa-sandok ko sa pagkain ni Arianne. Hindi ako makasagot noong una.

"U-Uh, wala lang 'to, ah? I just asked since I'm curious," dagdag niya pa.

Huminga ako nang malalim at binuga iyon matapos. Tinakpan ko muna ang lagayan bago ko siya hinarap.

"A-About that, everytime magv-video call kayo, I told them na 'wag nila akong i-sama o 'wag na nila akong banggitin. Nagt-tago ako sayo n'on kasi malaki na ang tiyan ko. I don't want you to get curious kung bakit ako buntis, knowing na may nangyari sa ating dalawa bago ka umalis. Alam kong alam mo na by that time, kami pa rin ni Luthaire kahit hindi na, pero ang weird na kung kailan may nangyari sa atin, tsaka lang ako nabuntis. Hindi ba? Nakakapagtaka." Napalunok ako. "Hindi ko na rin sinabi sayo kasi baka kapag sinabi ko, umuwi ka bigla. Ayaw ko n'on kasi ayaw kong hindi mo matupad ang pangarap mo. Iyon 'yong pangako natin sa isa't isa noon, 'di ba? Na tutuparin natin ang pangarap natin..."

Tumango siya. "Thanks for not being selfish... Kahit naging selfish ako noon."

"Ayos lang." Tipid akong ngumiti. "Gusto ko man, Arden, pero hindi pwede 'yon. Ayaw kong ako lang ang makat-tupad ng pangarap ko, gusto ko rin namang matupad 'yong pangarap mo kaya kahit ako ang mahihirapan, tiniis ko."

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon