Chapter 18

303 25 17
                                    

Chapter 18:Affection

"Paano ba kasi?" natatawang tanong ko.

Pinanood ko si Arden habang idini-demonstrate niya sa akin kung paano maayos na mamitas ng strawberry rito. Lahat na lang kasi ng pinipitas ko ay sumasama pati ang mga dahon. Tinatawanan nga ako ni Arden kaya nakakahiya. Nagmumukha akong ignorante sa harap niya.

Nandito pa rin kami sa Baguio ngayon, namamasyal pa kami, inuubos ang mga natitirang oras bago dumating ang dilim. Mamaya pagkatapos nito ay uuwi na kami para makapaghanda na ako ng kakainin naming dalawa.

"Here."

Iniabot niya sa akin iyong isang pirasong napitas niya. Natawa ako at tinanggap iyon para ilagay sa basket na hawak-hawak ko kanina pa.

"Ang dami na siguro nito."

"Uh, huh. Pitas ka rin." Ngumisi siya, inaasar pa ako.

Pabiro akong umirap sa kaniya at pumitas nang ilan. Sa wakas ay nagawa ko rin matapos kong alalahanin ang mga itinuro ni Arden na pinanood ko kanina.

"Bakit naman kasi hindi ka marunong niyan, mahal?"

"Hindi ko gustong maging farmer," nakasimangot kong sagot.

Humalakhak siya at nagpatuloy sa pangangasar sa akin. Nailing na lang ako at tumayo na. Tumayo na rin siya pero hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. Sumimangot na lang ako at nagpaunang pumunta roon sa parang counter.

"Pag-uwi natin sa Manila, magdadala ako ng strawberries para kay Keith, favorite niya kasi 'to."

Unti-unting nawala ang ngiti ko nang mabanggit ang pangalan ng kaibigan ko. Tungkol doon sa nangyaring iyon, kahit matagal na ay hinding-hindi iyon mawawala sa isip ko.

Two years ago from now, nagka-patawaran na kami ni Tito Chris at Tita Arnie. Hindi ako sanay sa pagtawag sa kanila ng 'Tito' at 'Tita' pero kailangan kong sanayin ang sarili ko. Nasanay kasi ako na 'Mom' and 'Dad' ang tawag ko dahil iyon naman ang kinalakihan at nakasanayan ko. Masisisi ba naman ako? Pinaniwala sa akin na sila ang tunay kong mga magulang kahit hindi naman talaga.

Hindi ako makapaniwala na dahil lang sa takot ay ibibigay ako sa kanila ng tunay kong ina. At dahil lang rin sa "napamahal" na sa batang hawak nila ay hindi na nila binawi ang totoong anak nila. Grabe. Anong pagi-isip ba iyon?

Kahit pa gaano ako katakot n'on kina Tita Arnie at kahit pa hindi ko natanggap ang bata n'on ay hindi naman pumasok sa isip ko na ipaalaga ang bata kina Catriona o sa iba kong kaibigan. Kung kay Arden ay pwede pa dahil siya naman ang ama ng bata pero ang kaibigan? I don't think so.

Iyon na nga. Nagka-patawaran na kami nina Tita at Tito n'on pero kahit isang saglit man lang ay hindi ko nakausap ang tunay kong ina. That's why I hated her even more. Napakaganda ng tingin ko sa kaniya noon ngunit nang malaman ko ang totoo ay parang kinasusuklaman ko na siya ngayon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng ibang kaibigan namin ang katotohanang iyon dahil hindi namin pinaalam at hindi namin inilabas sa iba kahit pa limang taon na ang nakalilipas. Talagang inilihim namin sa iba 'yon at nirerespeto ko naman iyon. Mukhang hindi pa naman sila handang isawalat ang sikretong iyon sa iba kahit pa mapagkatitiwalaan naman sila.

"Arden, how's the food?"

Hinubad ko ang apron na suot ko at isinampay iyon sa upuan ko. Nangalumbaba ako sa sandalan ng upuan ko habang pinagmamasdan siyang tikman ang niluto ko.

"It's good, mahal. Ang sarap."

"Weh?" nanunubok kong tanong.

Natawa siya. "Oo nga, mahal. This ain't a pambobola, okay? Maniwala ka, masarap ka-este masarap nga."

Muntik ko na siyang batukan dahil sa pagiging sutil niya. Humagalpak siya nang tawa at hinila ako paupo sa tabi niya. Hindi na naman ako nagpakipot at umupo na lang din.

"Say ah."

Ginawa ko ang inutos niya. Binuka ko ang bibig ko tsaka niya sinubo sa akin iyong kutsarang may lamang pagkain na niluto ko. Muntik pang sumabit sa bibig ko iyong kutsara nang aalisin niya iyon kaya dali-dali siyang napa-sorry.

Natawa ako. "Okay lang."

"O, 'di ba? Masarap kasi." He chuckled.

"Oo na," pagsuko ko.

Sinandukan niya ako ng kaunting kanin at nilagyan iyon ng niluto ko. Pinagmasdan ko lang siya habang ginagawa ang mga bagay na ito.

I don't know why pero mas lalo pa yatang lumawak at lumaki ang pagmamahal at paghanga ko sa kaniya dahil sa mga ginagawa niya para sa akin. Kung umasta siya ay parang siya pa ang mas matanda sa akin dahil bini-baby niya pa ako. Kung alagaan niya ako ay para niya na akong anak. Nakaka-touch at mas lalong nakaka-in love at the same time.

I appreciated lahat ng ginagawa niya para sa akin. Doon ko mas napagtatantong mahal na mahal niyang talaga ako. Dati kasi ay puro pangamba at may doubts ako sa kaniya pero ngayon, lahat nang 'yon ay naglaho dahil ipinakita at pinatunayan niya sa akin kung gaano ako kamahal sa bawat paglipas ng panahon.

Kahit pa napakarami kong flaws, hindi niya ako iniwan. Kahit pa sobrang selosa ko ay pinagpasensyahan niya ako. Hindi niya ako iniwan, he stayed by my side. Simula iyon n'ong nalaman ko ang totoo. Ipinaramdam niya ang lahat ng pagmamahal na matagal ko nang hinahanap at hinahangad. Pinuno niya ako ng pagmamahal and I really admired him more for that.

Ang sarap niyang mahalin, kahit kailan ay hindi niya ako sinaktan, 'di gaya ng inaasahan kong gagawin niya. Ang problema kasi sa akin noon ay masyado ko siyang pinaghihinalaan, palagi akong may doubts sa ginagawa at sa kakayahan niya, ang baba-baba ng tingin ko sa kaniya noon, wala akong tiwala. Akala ko ay pareho siya ng mga lalaki pero hindi pala. Akala ko lang pala.

"Kain ka na, mahal."

Inilapit niya ang plato niya sa akin ngunit umiling lang ako. Naga-alala niya akong tinignan.

"Why? Is there a problem?"

"Ayaw kong kumain, Arden."

"Bakit?"

Bumuntong hininga ako. Medyo naga-alinlangan pa ako noong una ngunit sa huli ay tumayo ako at hinila siya patayo na labis niyang ikinagulat.

Hindi ako nagsayang ng oras, sinunggaban ko siya ng halik na mas lalong ikinagulat niya pero 'di rin nagtagal ay nakisabay siya sa akin. Mas lalo pa akong napahalik sa kaniya dahil doon. Hindi na namin binitawan ang isa't isa hanggang sa namalayan na lang namin na humahakbang na kami patungo sa kwarto.

Pagdating namin sa kwarto ay mabilis niyang isinara ang pinto nang hindi pa rin binibitawan ang labi ko. Ganoon din nang tanggalin niya ang damit niya at ihagis sa kung saan.

I loudly moaned when he cupped my breasts. Natawa pa siya sa gitna nang halikan namin dahil sa naging reaksyon ko. Nahiya ako bigla pero hindi na ako bumitaw. Ipinagpatuloy namin ang ginagawa namin as we romantically shared this night with each other.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon