Chapter 14

319 23 16
                                    

Chapter 14:Boyfriend

"Ano bang pangarap mo?"

"Pangarap ko?" Natawa ako.

Narito kami ngayon ni Arden sa rooftop ng school, hindi pa rin kami bumababa simula kanina. Hindi ko alam, ayaw ko na munang umalis rito. I want to enjoy this moment of ours.

Gusto kong sulitin ang oras na ito, gusto kong sulitin ang oras na narito ako at nakasandal sa dibdib niya habang hinahawakan ang dalawang kamay niya. Kapwa namin pinagmamasdan ang pagbaba ng araw habang nagk-kwentuhan ng mga bagay-bagay.

It's so unbelievable. Hindi maganda ang naging encounter namin ni Arden simula nang may mangyari sa amin. I hated him, iyong tipong makikita ko pa lang ang mukha niya ay naiinis na ako. Iyong marinig ko lang ang boses niya ay parang kumukulo na ang dugo ko. After the circumstances that we have faced, hindi ko akalaing dito rin pala kami babagsak.

I thought being with him is wrong. Hindi pala. Hindi ko akalaing magbubunga ang mga ginawa niya para sa akin. Hindi ko inakalang mahuhulog ako sa kaniya nang ganito kahit gusto ko noon ang kapatid niya at hindi ko siya matanggap dahil nabuntis niya ako nang hindi ko naman ginusto.

"Pangarap kong maging iyo," maharot kong ani. "Charot," bawi ko at tumawa.

"Don't worry, I'm yours." He winked.

Kapwa kami natawa at nailing sa isa't isa.

Hindi ko akalaing makatatawa pa ako nang ganito at mas lalong hindi ko inaakala na sa kaniya ako muling makatatawa nang ganito.

"'Di. Gusto ko talaga maging baker. Passion ko na 'yan since I was a kid, I always help Tita Eva bake cookies."

"Eva?" kunot noong tanong niya.

"Keith's Mom. Friends na kami ni Keith since kinder, always akong nasa house nila kaya I always help Tita Eva kapag nagb-bake siya while Keith's watching us."

He stared at me while there's a small smile on his lips.

"That's why culinary rin ang kinuha ko. Actually, magl-Lawyer din sana ako kaso mas gusto kong i-pursue ang baking," kwento ko. "Ikaw?"

"Engineering." He smiled.

Umawang ang bibig ko at napa-tango-tango.

"So, future Engineer Llaneza?" biro ko.

"Yes, future Chef Llaneza?"

Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway nang itawag niya sa akin 'yon. Dahil sa reaksyon ko ay humalakhak siya.

"V-Veloso ako!"

Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ang pagi-init ng pisngi ko. Kahit hindi ako tumingin sa salamin, alam kong pulang-pula na ngayon ang dalawang pisngi ko kaya nakakahiyang humarap kay Arden. Baka isipin niya pang kilig na kilig ako dahil lang sa paglagay niya ng apelido niya sa akin.

Kahit gusto ko naman, pwede bang mag-inarte muna? Kidding.

"Tinitignan ko lang kung bagay ba ang surname ko sayo. Try. Erianne Veloso-Llaneza, sounds good, right?"

Mas lalong nag-init ang mukha ko at hindi na napigilan pa kaya pigil ngiti ko siyang hinampas sabay takip sa mukha ko. Narinig ko na naman ang tawa niya kaya umiling-iling ako habang may takip pa rin sa mukha.

"Bagay naman, mahal, e. But for now, can I ask you one thing?"

Umayos ako nang sumeryoso siya. Tinanggal ko ang pagkakatakip ko sa mukha ko at nilingon siya. Sa palagay ko ay humupa na naman ang pamumula ng mukha ko kaya ayos nang lingun ko siya.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon