Epilogue

787 27 127
                                    

Epilogue:Like Fine Wine

Living alone here in France is sad. I'm miles away from my real home, from my family and friends in the Philippines. Malayo ako sa parents ko, sa kuya ko, sa mga pamangkin ko, at sa mga kaibigan ko roon. Hindi ko sila makikita nang ilang taon dahil ilang taon din ako rito para ipagpatuloy ang paga-aral ko sa kursong Engineering at para rin dito na i-pursue iyon hanggang sa maging isa na akong ganap na Engineer.

It's hard of course, but the fruit of this will be worth it. Matagal ko nang gustong maging Engineer, bata pa lang ako ay iyon na ang pangarap ko. Kaya ngayong malapit na ako, natutuwa ako.

I kinda miss the Philippines' air, but of course, I miss her more.

Ilang buwan na nga ulit nang maghiwalay kami? Maybe, maga-anim na buwan na? Pito? Walo? Hindi ko alam. Hindi ko mabilang. Ang alam ko lang, malungkot ako. I wasted her. Sinayang ko 'yong babaeng alam kong mamahalin ako at mahal na mahal ko. Mahal ko siya, oo, pero ginusto ko ring magkamali n'on. Cheating is a choice. Hindi ko siya naisip. Kahit ano pa man 'yong ginawa ko noon, maliit o malaki, mali pa rin, at kahit kailan hindi magiging tama. Nasaktan ko siya.

Paano ko nagawang masaktan iyong babaeng alam ko sa sarili kong mahal na mahal ko? Ang tanga. Ang g*go.

Pero noon pa 'yon. I learned a lot of lessons, maging noong kami pa ni Erianne ay marami na akong natutunan, pero mas rumami iyon nang magkahiwalay kami. Dahil sa kagag*han ko, nawala ko siya, bagay iyon na pinagsisihan ko. Walang araw na hindi ako nagsisi sa ginawa ko. Maling-mali. Bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, o kung ano pa man... nagsisi ako.

Napakarami. Napakaraming aral ang napulit ko sa relasyon namin. Mula sa pagiging consistent hanggang sa pagiging faithful—bagay na hindi ko ginawa noon. I was young and dumb. May isip na pero hindi man lang inisip kung ano ba 'yong tama sa mali. Ibang ulo pa yata ang pinagana. Ang g*go.

Iyong mga aral na 'yon, 'yon 'yong dala-dala ko ngayong malayo ako sa kanila. Araw-araw kong dadalhin, kahit saan mang lugar ng mundo ako mapunta. Our relationship taught us to how to love properly, it taught us many things, it taught us how important to know what's wrong and right. Siguro nga ay aral kami para sa isa't isa.

Seven months. I've been living here for seven months. Seven months of endurance. Kahit pa gustong-gusto ko nang umuwi, ay hindi ko ginawa dahil kailangan kong unahin 'tong studies and dreams ko. Isa kasi 'yon sa pangako namin ni Erianne sa isa't isa... na kahit pa wala na kami sa isa't isa, tutuparin pa rin namin ang mga pangarap namin.

I left her without saying goodbye. Para saan pa? She's happy with her new boyfriend and who am I to stop that? Natutuwa ako na masaya siya, natutuwa ako para sa kanila, at natutuwa ako sa boyfriend niya kasi hindi niya pinababayaan si Erianne. Iyon lang naman ang gusto ko, ang sumaya siya kasi deserve niya 'yon. She deserves the world after all the pain that her childhood caused her.

I wrote an e-mail to her and sent it before the plane takes off. Hindi ko alam kung nabasa niya na ba iyon o hindi pero sana ay nabasa niya para makita niya kung gaano ako ka-sorry dahil ako ang dahilan kung bakit may nangyari sa amin n'ong gabing 'yon. Ang tanga lang.

"Arden, are you sure you won't come with us?" Louie asked while folding his sleeves up to his elbow.

"I'll think about it first, Lou," I answered. "Where's Emma?"

"Still inside her room. Alam mo naman 'yon." He chuckled. "What are you doing?"

"Just finishing this project."

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon