Chapter 4

599 31 5
                                    

Chapter 4:Stay Forever

"Good morning, Ate..."

Halos nanlamig ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. His smoky voice that made my ears felt a tingling sensation that I can't even explain.

"What are you doing here?" malamig kong tanong.

Ni hindi ko siya magawang tapunan ng tingin. Bukod sa ayaw ko ay naroon pa rin ang kaba at ilang ko sa tuwing titignan ko ang kaniyang mga matang akala mo ay palaging may ipinararating sa iyo na hindi mo naman magawang maintindihan.

Hindi dapat siya nandito. May sariling canteen ang senior Highschool na katulad niya. Hindi naman sa hindi siya pwede dito, ang ayaw ko lang ay ang nandito siya nang nandito ako. Nandito sa sa tabi ko, kaunting lapit na lang niya ay baka magdikit na naman ang balat naming dalawa, iyon ang pinaka-iniiwasan kong mangyari.

Ayaw ko siyang makatabi, ayaw ko siyang maging malapit sa akin... dahil naiiba ang nararamdaman ko kapag alam kong hindi siya malayo sa akin. Hindi ko maintindihan at hindi ko rin magawang maipaintindi. Maski ako ay naguguluhan na sa mga nakakapanibagong nangyayari sa akin. Hindi ko alam pero, hindi ko na kilala ang sarili ko kapag nariyan siya, malapit sa akin. Pakiramdam ko ay wala na akong alam tungkol sa sarili ko. Hindi ko na makita ang dating ako sa tuwing narito siya sa tabi ko.

"I'm here to visit you, my prettiest Ate and also I'm here to visit my child."

I arched a brow and still didn't bother to look at him. Hangga't maaari ay ayaw ko... Iiwasan ko.

"Your child? May nakita ka bang bata rito?"

Umirap ako at naramdaman ko naman na umupo siya sa tabi ko. Parang biglang naging alarma ang buong sistema ko, may nagwawala at may tumatalon na kung ano-anong sa tingin ko ay nagmumula lamang sa imahinasyon ko. Umurong ako nang kaunti, naninigas pa rin sa kaba at ilang sa kaniya.

"Oh, you forgot it, Ms. Erianne Veloso soon to be Mrs. Llaneza, you're carrying my child."

Halos kapusin ako ng hininga ko nang mapasinghap ako sa gulat dahil sa sinabi niya. Sa pagkakataong ito ay nilingon ko na siya nang nanlalaki ang mga mata. Naikuyom ko sa ilalim ng mesa ang dalawang kamay ko, gigil nang nakatingin sa kaniyang akala mo ay inosenteng walang sinabi. Para pa siyang nangaasar sa ginagawa niya na lalong mas nakapagpakulo ng dugo ko.

"Can't you just shut the hell up!?" mahinang sigaw ko.

"Oh, sorry!"

Tumawa pa ito ng nakakaasar na tawa na mas lalong nagpa-ulit-ulit at nagpintig sa dalawa kong tainga. Mas lalong naging mariin ang pagkuyom ko sa kamay ko.

"Oh, by the way, why aren't you answering my calls last night?"

Itinabi ko ang bag ko at inis na tumingin sa kaniya. Wala akong oras para makipag-usap sa kaniya. Naiinis na ako. Baka bigla ko na lang siyang itulak para makaalis na ako.

"I don't want to talk to you. Period."

"Ouch, it hurts."

Umakto ito na para siyang sinaksak ng kutsilyo sa puso. Mas lalong nakapagpainit ng ulo ko ay ang pagngiwi niya. Iyong pagngiwi niya pero ang gwapo pa rin ng itsura niya. The heck! Paano niya nagagawa iyon?

"Feeling mo sad boy ka na niyan?" inis kong tanong. "Straight it to the point, Llaneza, what do you want?"

Hindi na ako natutuwa sa mga palusot niya. Kung itong anak namin ang habol niya sa akin, 'wag siyang mag-alala at buong buhay niya itong makakasama. Pagkapanganak ko dito ay bahala na siya sa kung ano mang gusto niyang gawin sa anak namin dahil ibibigay ko na ito sa kaniya. Wala akong panahon para maging ina dahil may mga pangarap akong gusto kong abutin.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon