Chapter 20

377 24 24
                                    

Chapter 20:Scared

Lunes na at wala akong kasama ngayon sa condo ni Arden dahil pumasok siya ngayon dahil nga first day nila. Napagdesisyunan kong lumabas para mag-grocery dahil nauubos na rin 'yong mga ni-grocery namin ni Arden last week, mas mabuti nang ngayon ako makapag-grocery para makapagluto ako ng food mamaya bago dumating si Arden.

Agad kong sinara ang pinto at inilock ito. Habang naglalakad sa pasilyo ay hindi ko mapigilang maisip tungkol pa rin doon sa naging issue ng pamilya namin nina Keith.

What if hindi nagpalit sina Tita Arnie ng anak? Maayos kaya ang buhay ko ngayon? Natupad ko na kaya ang mga pangarap ko? Pero, kaya ko naman sigurong tuparin ang pangarap ko kahit siya ang nanay ko. Hindi naman kasalanan ni Tita Arnie kung bakit wala pa akong nagagawa ngayon, e.

Pinag-aral niya naman ako, e. Ginastusan sa isang napaka-mahal na school.

Napailing na lang ako at pinindot ang pababang button dito sa may elevator. Bumukas iyon at pumasok ako. Magsasara na sana ngunit may kamay na pumigil. Kunot noo ko siyang tiningala at nanliit na lang ang mga mata kong tiningnan 'yong pumasok na babae.

Teka, parang pamilyar siya sa akin. Parang nakita ko na siya pero hindi ko matukoy kung saan. Maliit siya tapos maikli ang buhok. Nakasalamin din siya at naka-uniform ng katulad sa VEU.

Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata na siyang ikinagulat ko. Daig niya pa ang nakakita ng multo dahil kung makatingin ay para siyang nakakita ng multo. Parang may gusto pa siyang sabihin o itanong sa akin ngunit naga-alinlangan ang bibig niya kung ibubuka niya ba iyon o tatahimik na lang ako. Nagkibit balikat ako at bumuntong hininga. Sa sobrang tahimik namin ay tanging pagsara ng elevator lang ang narinig namin. Ini-iwas ko na ang paningin ko sa kaniya at tumungo na lang.

"You're Erianne, right?"

Bigla itong nagsalita dahilan para lingunin ko siya. Sa wakas ay nakapag-tanong na siya dahil kanina ay parang alanganin pa siya.

"Yea," sagot ko.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang napatili. "Tama nga ako! Ate, do you still remember me? I'm Cassidy, Arden's cousin!"

Nanlaki ang mga mata ko at unti-unting napangiti. Kaya pala. Kaya pala parang pamilyar siya sa akin dahil siya nga pala iyong pinsan ni Arden na minsan ko na ring napagkamalan na babae ni Arden.

"Kaya pala sabi ko parang familiar ka!" natatawang sagot ko.

"Kaya nga Ate, e. Kalilipat ko lang kasi n'ong nakaraang araw dyan. Wala kayo kasi sinubukan kong pumunta dyan kaso wala kayo," sagot niya.

"After five years ngayon na lang ulit kita nakita." Ngumiti ako. "Ang laki ng pinagbago mo."

"'Di naman po kasi kami masyadong close ni Arden, minsan lang kami mag usap at magsama," natatawang sagot niya.

"Sabagay. Pero bakit ngayon ka lang? I mean, anong oras na, o? 'Di ba same course kayo ni Arden?"

Tumango siya habang malalaki ang ngiti. "Yes po. Late na nga po ako, e."

"Aww."

Iyon na ang tanging nasabi ko at bigla kaming binalot ng katahimikan. Wala na akong masabi sa kaniya at mukhang ganoon rin siya dahil natahimik na siya at umayos nang tayo.

"Ate, 'wag kang mag-alala dahil babantayan ko si Arden. Medyo pinagpapantasyahan kasi siya sa bulding namin. Baka mamaya madala, mahirap na."

Nagsalita ulit siya. Kumunot ang noo ko habang nililingon siya. Para siyang nagsalita ng ibang lenggwahe na hindi ko naintindihan dahil hindi ko talaga maintindihan kung ano ba ang sinasabi niya.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon