Chapter 38

368 21 30
                                    

Chapter 38:Burning Flame


"Congratulations."

Nakangiting tinanggap ni Arden ang kamay ko. Nag-kamay kami sa isa't isa. Noong una ay ayaw niya pang bitawan ang kamay ko, ngunit nang makita niya ang reaksyon ko ay nahihiya niyang inalis ang kamay niya mula sa kamay ko.

"Thank you," sagot niya at ngumiti. "Thanks for coming, Anne."

"Thanks for inviting me, too," sagot ko, may maliit na ngiti sa labi.

He was about to answer me, but we heard a familiar voice behind us. Napatingin ako sa kabilang gawi at nakita ko si Tita Janice na nakangiting sinalubong ako. I gave her a hug and tapped her back.

"Erianne hija, I'm so glad that you're here!"

"Hi, Tita," bati ko. "Thanks for inviting me here."

"Naku! Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin." Tuwang-tuwa ang tono ng boses niya. "Come inside and join us eat. For sure, you will love the food. Kami ni Tito Jackson mo ang nag-luto niyon."

Natawa ako. "Sige po, Tita. Titikman ko po 'yan. Alam ko pong masarap ang luto ninyo ni Tito."

Napahampas siya nang mahina sa balikat ko. "You're really the best, hija."

"Hindi naman po."

Bigla akong nahiya sa pamumuri ni Tira Janice. I'm not the best, I rejected his son when we were in New York, paano naging the best 'yon?

Nahihiya ako kasi narito si Arden sa likod ko. Hindi naman kasi totoo ang pamumuri niyang iyon. I'm not the best, but I'm trying my best. Iyon 'yon.

"O siya, sumunod ka sa dining hall, okay? Aasikasuhin ko lang ang mga bisita."

I nodded. "Okay, Tita. Thank you."

Matapos n'on, nagpaalam na si Tita. Ngumiti lamang ako habang pinagmamasdan siyang lumakad palayo. Lumipas ang ilang saglit, nilingon ko na si Arden na kanina pa palang nakatitig sa akin.

Bigla akong nahiya. It's so awkward.

"By the way, thanks again for coming." Tumango siya. "Where's your boyfriend? Hindi mo siya isinama rito?"

Biglang pumasok sa isip ko. Nawala ang ngiti sa labi ko, umaasang hindi niya napansin 'yon.

Nalulungkot pa rin ako para kay Luthaire. Nakokonsensya ako na hiniwalayan ko siya, pero sabi nga nila, iyon ang tama. Napagtanto ko na kahit gaano pa ako masasaktan sa desisyon ko, kailangan kong gawin. Kailangan kong gawin ang tama kahit na hindi ako magiging masaya dahil sa konsensya at pagsisisi.

Pero, iyon na... nagawa ko na. Wala akong ibang naramdaman kung 'di pagsisisi, sakit, lungkot, at konsensya.

"He's a businessman, busy siya. May mga inaasikaso siya kaya hindi siya pwede," pagsisinungaling ko.

I lied. I chose to lie instead of telling him the truth. I don't know... I just felt na hindi ko pa pwedeng sabihin sa kaniya ang totoo.

I'm not after him. Keith was right, we need to rest after what happened. Hindi lang ako, pati sila. Luthaire and Arden deserves to rest, too. Lahat kami, nagka-sakitan. Lahat kami, napagod. Kaya lahat kami, kailangang magpahinga.

Hindi ko pa pwedeng balikan si Arden. Ayaw ko pa. I'm not fully healed.

Hindi tayo gagaling kapag nasa paligid natin iyong taong dahilan ng sakit na nararamdaman natin.

He nodded countless times. "I see. Are you busy later? I want you to invite also sa after party. Mamaya, sa Sy night club. I'm with my friends. Naroon din naman sina Ate Keith, even Ate Myka, so you don't have to worry."

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon