Special Chapter I

506 23 46
                                    

Special Chapter I:Child

"Nasaan ka na?"

"Nakikita ko na kayo," I answered and ended the call.

I felt the summer breeze as I walk towards the airport's exit. Ngumiti ang lahat nang makita nila ako habang hila-hila ang dala kong maleta. Sinalubong ako ng yakap ni Mom na naiiyak na ngayon sa braso ko. I chuckled as I slowly tapped her back to give her comfort.

"I missed you, anak," she whispered.

"I missed you, too, Mom," I replied and chuckled again.

It's so good to be back, feeling my own country's wind that I haven't felt for almost three years. Puro na lamang kasi hangin ng France ang nalalanghap ko noon kaya ang sarap sa pakiramdam na hangin mula sa sarili kong bansa na ang malalanghap ko ngayon. I missed the atmosphere; I missed the Philippines' views.

Lahat ay namiss ko. Especially her.

"We missed you, Arden!" Ate Catriona beamed.

Sumang-ayon sa kaniya sina Ate Keith at Ate Thea. Ngumiti lamang sa akin si Kuya at nagmano naman ako kay Dad. He smiled a bit, telling me that he's proud of me.

After years of hard work, I'm finally an Engineer of the most famous and well-known Constructional Firm here in the Philippines. Nakakatuwa kasi pagkatapos ng lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko noon ay sa wakas, nakamit ko na ang pangarap ko na simula pagkabata ay pinangarap ko na.

Natawa ako nang makita si Cavin at Cazzie na kalong-kalong nina Ate Cat at ni Kuya, lumapit ako sa kanila at mahinang kinurot ang pisngi nila. Natawa na lang ako lalo nang tapikin ni Kuya ang kamay ko at samaan ako ng tingin.

Matapos kaming magbatian lahat ay natigilan ako. They are all complete pero, may isa akong hinahanap. I seriously can't find her.

"U-Uh, nasa... nasaan siya?" mahinang tanong ko, iginagala ang paningin ko.

It's been three years simula nang huli ko siyang makita. Hindi ko man lang nagawang makapag-paalam sa kaniya nang personal noon, na aalis na ako n'on para mangibang bansa. But, I promised her. I promised her that I will come back. Hindi niya iyon narinig dahil tulog na siya nang sabihin ko iyon.

Mahirap man para sa akin na iwanan siya pero kailangan kong gawin para sa pangarap ko. It's so funny how I got mad and disappointed at her before for leaving me pero hindi ko man lang naisip na para sa pangarap niya rin iyon. I was so immature. Hindi ko naisip mga bagay na 'yon. Nagpadala ako sa galit at takot na iiwan niya ako.

Pero... Pareho lang pala kami. Matapos niyang gawin iyon ay iniwan ko rin siya para matupad ang pangarap ko. Wala pala akong pinagkaiba sa kaniya. Galit na galit pa ako n'on pero hindi ko naisip na iniwan ko rin pala siya.

But, it's okay. Tanggap ko na na hindi na ako ang mahal niya kahit pa sabihing may nangyari sa amin bago ako umalis. Alam kong masaya na siya sa boyfriend niya at ayaw ko na siyang guluhin pa. Ayaw ko na siyang masaktan pa. Okay na, tanggap ko na. Matagal ko nang tinanggap.

"O, Cat-"

Lahat kami ay natigilan. Lalo ako. Mukhang kararating niya lang, lumapit siya sa amin. Iaabot niya pa sana ang water bottle kay Ate Cat ngunit nabitin na lang iyon sa ere nang magtagpo ang tingin naming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon