Chapter 30

378 25 18
                                    

Chapter 30:What If?

"Nakausap ko na si Architect Sandejas tungkol sa magiging itsura ng shop sa loob. Kung gusto mo ng suggestions, pwede naman nating sabihin sa kaniya 'yon pagpunta niya, anak."

Sabado nang napagpasyahan kong dumalaw sa shop na si Mom ang naga-asikaso. Ngayon ko pa lang makikita iyong ginawa n'ong Architect na kinuha niya para sa magiging interior ng loob ng shop. Sabi ko nga kay Mom noon, sana bumili na lang kami n'ong gawa na tapos tsaka na lang namin lagyan ng gamit sa loob o ipagawa ang mga dapat ipagawa, hindi 'yong magpapagawa pa kami. Masyado kasing hassle 'to, kaya lang ay nakakuha na siya ng Engineer at Architect.

After spending my free time with Luthaire, bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming pinagkaka-abalahan. Ngayong Sabado lang ako nakabisita sa gagawing shop dahil ngayon ko lang naisipang pumunta dahil pagod ang katawan ko sa buong tatlong araw na wala kaming ibang ginawa kung 'di ang mag-ikot sa Manila. Kung saan-saan kami pumunta, sa malls and parks. We even visited the Rizal Park just to appreciate its beauty. Maski sa Pasay ay nagpunta kami para lang pumunta sa MOA Seaside. Kahit pa pagod ang katawan ko sa tatlong araw na 'yon, alam ko namang worth it dahil ang gaganda ng mga napuntahan naming lugar na hindi naman namin masyadong napuntahan at first time lang namin puntahan.

Balik na siya sa pagt-trabaho noong isang araw pa, ako naman ay ngayon lang nakadalaw dito. Hindi ko alam kung kailan ang muling pagkikita namin ni Luthaire pero hinihiling ako ay makasama ko siyang muli para sa ibang lugar naman kami makapunta.

Sa totoo lang, ibang-iba ako kapag siya ang kasama ko; I feel like I'm really free from all of the problems, pain, and chaos that I'm currently facing. Nagagawa kong maging masaya kahit na hindi ko na inakala dahil inasahan ko na noong naghiwalay kami ni Arden, hindi ko na magagawang makatawa pa. Luthaire just proved that what I thought was wrong.

Kaya ko pala... Magagawa ko pa pala. Funny, right?

Ipinakita sa akin ni Mom 'yong gawa ni Architect Sandejas na nasa picture lamang sa phone ni Mom. Hindi ko alam kung bakit wala rito 'yong mismong copy pero hindi ko na inintindi at tinignan na lamang 'yon. Mukhang ibinase n'ong Architect iyong gustong interior ni Mom... kaya lang, para sa akin ay may kulang pa.

"May ipadaragdag ako, Mom."

"Pwede naman nating kausapin si Architect tungkol dyan. Siguro bukas ay pwede. Ano ba iyong ipadaragdag mo?"

Sasagutin ko pa sana si Mom, kaya lang ay nangibabaw ang tunog ng ringtone ko kaya nagpaalam ako sa kaniyang sasgagutin muna ang tawag na nagmula kay Luthaire. Lumabas muna ako bago tuluyang sinagot ang tawag niya.

"Hello," bungad ko.

"Hey. Nasaan ka?"

"Sa shop. Why?" Napakunot ang noo ko. "Do you need something?"

"Wala naman." I bet that he's smiling right now. "Miss lang kita."

Napataas ang isang kilay ko at natawa, hindi inaakala iyon.

Grabe naman siya, ilang araw palang naman kaming hindi nagkikita ay miss niya na agad ako. Para namang ilang taon kaming hindi nagkita, e, kung tutuusin ay magkasama lang kami noong Martes. Masyado niya naman akong crush na crush.

"Kabag lang 'yan."

Kapwa kami natawa sa sinagot ko sa kaniya. I can now joke with him without getting uncomfortable, unlike before na nagd-dalawang isip pa ako.

"Baka nga," pagsakay niya naman sa biro ko. "By the way, susunduin kita, ah? Let's eat."

"Really? Tapos ka na dyan?"

"Yes."

Just like what he've said, sinundo nga ako ni Luthaire sa condo nang mag-alas singko nang hapon para kumain sa labas dahil gusto niya raw ng Japanese foods. Sa isang restaurant sa mall na malapit lang sa condo kami tumungo para hindi masyadong malayo. Hindi naman kami pwedeng magpa-gabi dahil maaga pa raw ang punta niya sa branch niya bukas. Naiintindihan ko naman kaya ayos lang na sa malapit lang kami nagpunta. Isa pa, hindi naman na kailangang lumayo pa kami dahil maski ako ay pagod din.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon