Chapter 11

355 27 4
                                    

Chapter 11:Admirer

Puting kisame at dingding ang bumungad sa akin pagdilat ko ng dalawang mata ko. Hinintay ko munang luminaw ang paningin ko bago ko iginala ang paningin ko. Nakita ko si Keith sa hindi kalayuan, kagat-kagat niya ang kuko niya sa kamay habang pabalik-balik sa paglalakad. The moment that our gaze met, doon ko lang nakita ang namumugto niyang mata. Namumula ang ilalim ng mga mata niya na animo'y galing sa matinding pag-iyak.

Mukhang ngayon lang pumasok sa isip niya na gising na ako dahil ngayon lang siya nagmadaling lumapit. Sinubukan ko pang bumangon para umupo ngunit pinigilan niya ako. Bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko, gently caressing my hair that made me so confuse.

Hindi ko mabasa ang ipinaparating ni Keith, at lalong hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa niya ito. Hindi naman siya ganito.

"A-Anong sabi ng Doctor?" tanong ko nang hindi makatiis.

"A-Anne," banggit niya sa pangalan ko na ikinakaba ko.

Wala pa naman siyang sinasabi, binabanggit niya pa lang naman ang pangalan ko ngunit kinukutuban na agad ako. Alam kong may hindi magandang nangyari, base na rin iyon sa mga ikinikilos niya at kung paano siya magsalita. Kinabahan agad ako, natatakot ako sa susunod niyang sasabihin.

"W-Wala-"

Naagaw ng pintong bumukas ang atensyon namin. Kahit papaano ay tumigil ang kabang nararamdaman ko ngunit muling nanumbalik iyon nang makita ang reaksyon ni Thea na siya pa lang pumasok sa pinto. Maski siya ay mukhang galing rin sa pag-iyak. Pinanood ko siyang isara ang pinto habang may hawak-hawak siyang isang mineral water sa kabilang kamay niya. Nang matapos niyang isara ang pinto ay marahan ang bawat pag-hakbang niya na lalong mas nagpatindi sa kabang nararamdaman ko.

"A-Ano ba kayo?" Nilingon ko si Keith, pagkatapos ay si Thea. "S-Sabihin niyo na sa akin kung ano ang sinabi ng Doctor. Please, stop acting w-weird."

Tumabi rin sa akin si Thea at inabot ang mineral water. Nagulat ako nang biglang napaiyak si Keith. Ang kaninang namumulang ilalim ng mga mata niya ay mas lalong namula nang dahil sa muli niyang pag-iyak. Maski ang pisngi niya ay parang naging kamatis na sa sobrang pula. Dahil sa reaksyon niyang iyon, nangilid din ang luha ko. Nanlamig bigla ang kamay ko pero pinilit ko pa rin iyong ihawak sa kamay ni Keith.

"I-I'm so sorry, A-Anne, but..." Nabitin ang sasabihin niya nang biglang lumakas ang pag-hagulgol niya.

Nilingon ko si Thea na hindi na maipinta ang mukha, para na rin siyang iiyak but she remained brave. Tumulo ang luha ko nang hawakan niya ang ngayo'y nanginginig ko nang mga kamay. Dahilan iyon para mabitawan ko ang kamay ni Keith. Napatakip sa mukha si Keith habang umiiyak.

"A-Anne, 'yong anak mo..." Bumuntong hininga siya pagkatapos.

Muli ko siyang nilingon kasabay nang pagragasa ng mga luha ko. Napayuko siya saglit pero agad niya rin akong tiningala.

"W-Wala na 'yong anak mo, A-Anne. I'm sorry. Nakunan ka after mong madulas sa restroom kanina. N-Natakot kami kanina kasi akala namin mawawala ka na rin. B-Buti na lang nadala ka agad namin sa ospital."

Parang unti-unting tumigil ang mundo ko nang marinig ang lahat ng sinabi niya. Ayaw mag-sink in sa utak ko, parang ayaw pa niyang ipaintindi sa akin ang mga narinig ko. Nang pumasok sa tainga ko, gusto ko na lang iyon ilabas sa kabila para hindi maniwala ngunit ito na ang kusang pumasok sa isip ko dahilan para humagulgol ako lalo.

"I-Is this a prank o-or what?" nanginginig kong tanong, halos hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.

"Anne, hindi namin magagawang magbiro nang ganito and what makes you think that we're pranking you? This ain't even funny. I wish we're also joking around but it's true. Wala na ang anak mo."

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon