Chapter 19

301 20 9
                                    

Chapter 19:Real

"Finally!" pagod kong wika.

Napasalampak ako sa couch at mariing napapikit.

Kadarating lang namin galing sa Baguio. Marami pa kaming dinaanan kanina katulad na lang sa bahay nina Keith. Binigay ko sa kaniya 'yong strawberries na pasalubong namin, pagkatapos naman ay sa bahay nila Tita Janice. Nagkumustahan kami at ibinigay din namin iyong pasalubong naming strawberries at kung ano-ano pang souvenir galing Baguio. Nagtira talaga ako ng strawberries para kay Tita Janice dahil napag-alaman kong paborito rin niya pala iyon.

Oo nga pala, dumaan rin kami sa VEU kanina kahit hindi pa kami nakauuwi rito sa unit. Pagkatapos naming tumungo sa bahay nina Arden ay dumeretso na agad kami sa VEU. Late na late na kasi siya sa entrance exams niya, buti nga at nakaabot pa siya.

Kaya talagang pagod na pagod ako. Ang tanging gusto ko lang ngayong araw ay ang matulog nang magdamag.

"Hindi na pala tayo makakapunta sa Tagaytay next week, 'no?"

Napadilat ako nang maalala ko at tinignan si Arden na nasa tabi ng cabinet niya, inaayos ang mga gamit namin.

"Kaya nga, e."

Sabi roon sa VEU ay bukas pa raw makukuha nina Arden ang results at bukas rin nila malalaman kung sino ang mga nakapasa sa examination.

"Goodluck na lang," ani ko at muling pumikit.

Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko kahit pa narito naman ako sa couch. Kahit hindi ko idilat ang mga mata ko ay alam kong humiga siya roon sa kama. Napahikab ako at dumilat, doon ay nakita ko siyang nakatitig sa akin.

Tumayo ako at humiga sa tabi niya. Ipinulupot niya naman ang kamay niya sa baywang ko at ipinatong ang baba niya sa balikat ko. Muli akong pumikit para ipahinga ang mga mata ko.

"I know I can do it. Ako pa ba? Siyempre kapag nakapasa ako, gagawin ko ang lahat para maging Engineer. Siyempre kapag naging Engineer ako, mabubuhay na kita gamit ang sarili kong pera. Pwede na tayong magpakasal."

Napadilat ako at natawa sa sinabi niya.

"Hindi ba pinag-usapan na natin 'yan?" natatawang tanong ko.

"Oo, mahal, pero..." Bumuntong hininga siya. "I don't know, ayaw kong mag-madali at ayaw rin kitang madaliin pero parang ayaw na kitang pakawalan, mahal."

Natahimik kami saglit, maski ako ay hindi nakasagot dahil sa tinuran niya pero agad ding napawi iyon dahil nagring ang phone ko. Agad kong kinuha ito sa bulsa ko at itinapat sa tainga ko.

Si Keith pala.

"Anne, where are you?"

"Nasa condo ni Arden. Bakit?"

"Uhm, gusto ka kasing makausap ni Mom."

Kumunot ang noo ko. "B-Bakit daw?"

Ayaw kong humarap kung sakali man. Pagkatapos nang nalaman ko ay hinding-hindi ko pa rin ito matanggap. Minahal ko kasi si Mom kahit pa gan'on siya, tapos malalaman kong hindi ko pala siya tunay na ina? Tapos 'yong tunay kong ina, masaya kasama ang hindi niya tunay na anak? Paano niya nasisikmura na ang ibang tao ang nag-aalaga sa anak niya? Paano niya nakakayang nahihirapan 'yong anak niya dahil lang sa tiwalang binigay niya sa kaibigan niya?

Dahil lang sa 'takot' na nabuo ng naisip niya? Dahil lang sa takot niya sa ama niya? Makakaya ba nila kapag sinabi kong nahihirapan ako sa pakikisama sa "kaibigan" niyang pinagkakatiwalaan niya? Okay lang ba sa kanila na 'yong anak niya ay nasasaktan kapag sinasabihan at hinuhusgahan ng "kaibigan" niya? Anong klaseng ina siya? Sobrang tagal kong naghahanap ng aruga ng isang ina tapos malalaman kong gan'on pala?

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon