Chapter 40

117 7 103
                                    

Chapter 40:Rest

"E-Erianne, sorry..."

Lumingon ako kay Keith at tipid siyang nginitian. "I-It's okay..."

Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko, punong-puno ng paga-alala ang mga mata niya. "Paano 'yong baby? Mag-isa mo bang palalakihin? Ipapaalam mo ba kay Arden? Ipapaalam mo ba sa pamilya niya? Anong gagawin mo?"

She fired me many questions that I don't even know how to answer. Maski sarili ko ay tinatanong ko niyon. Wala naman akong makalap na sagot sa mga katanungang iyon.

"Wait..." Natigil siya at napaisip. "K-Kay Arden nga ba talaga, uh... 'yan?"

I sighed and nodded. "Wala namang iba, Keith."

"Okay, okay." She raised her hands as if she was surrendering. "But, how? Kawawa naman si Arden kung hindi mo ipapaalam na may anak na siya sayo. Kawawa ka rin kung ikaw lang ang magpapalaki niyan nang mag-isa."

"H-Hindi ko alam..."

Matapos kong isagot iyon ay iginala ko ang paningin ko. Narito pa rin kaming dalawa sa entrance ng airport. Kalalabas niya lang galing doon sa clinic matapos niyang asikasuhin ang kung ano doon.

Doon kasi ako dinala nang mahimatay ako sa katatakbo at pagwawala ko rito sa airport nang malamang nakaalis na si Arden nang hindi ko man lang nakausap kahit isang saglit. Ni kahit isang salita ay hindi ko man lang nasabi sa kaniya. Hindi ko man lang rin nasabi sa kaniyang mahal ko pa rin siya...

"Anong hindi mo alam? Kailangan mo nang magplano. Baby na 'yan, Anne. Hindi na 'yan basta-basta dapat iasa na lang sa kung ano mang mangyayari. Dapat pagplanuhan." She crossed her arms.

Yumuko ako sa tiyan ko at marahang hinaplos iyon. "T-Tsaka na... Umuwi na lang muna siguro tayo."

Napatango siya. "Oo nga pala. Magpahinga ka na lang. Ii-inform ko ba ang iba?"

"A-Ako na ang magsasabi. Let me think of it first, Keith."

Tumango siya at hinawakan na ang kamay ko para alalayan ako palabas ng airport. Hindi na lang ako umimik buong biyahe namin pauwi. Hindi na rin ako dumeretso sa shop, doon ako nagpahatid sa unit ko.

Matapos kong magpaalam kay Keith ay nagtext na rin ako kay Mom na siya na muna ang magbantay doon sa shop dahil biglang sumama ang pakiramdam ko. Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko, ngunit napagod ako. Kailangan ko ring magpahinga dahil ayaw kong maapektuhan ang baby ko... ang baby namin.

Matapos kong kumain ng dinner ko ay sa kwarto ko agad ako dumeretso. Hindi ako makatulog, pilit akong ginugulo n'ong mga tanong na nabubuo sa isip ko, pilit akong ginugulo n'ong mga problema ko ngayong ang dami na namang nangyayari sa buhay ko.

Buong gabi ay nakatitig lamang ako sa picture namin ni Arden na naka-save lang sa phone ko. Ito na ang pinakahuli naming picture, noong magkasama pa kami sa Baguio. Napakatagal na n'on. Pagkatapos kasi n'on ay wala na, hindi na nasundan pa ng ibang litrato na magkasama kaming dalawa.

Bumuntong hininga ako at tumayo mula sa kama. Lumapit ako sa desk ko at kinuha iyong laptop kong nakapatong lang doon. Bumalik ako sa kama at nag-browse sa internet. Out of the blue, I opened my E-mail, only to find out that someone E-mailed me.

"From... Arden?" Kumunot lalo ang noo ko.

It's his name. Arden Llaneza. Galing nga sa kaniya. May E-mail siya, pero tungkol saan iyon gayong RE lang naman ang subject nito?

I got confused. Binuksan ko ang E-mail niya at binasa iyon.

"First of all, Anne, I want to say sorry for what happened between us. I feel bad because I know that I am the reason why you cheated on your boyfriend." I paused and shook my head.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon